Chapter 9

278 8 0
                                    

Mae's POV

Tatawagin ko na lang siyang Lyn. Pareho kasi kaming merong Mae e. Kinausap ko si Andrea at tinanong kung alam ba niya ang daan na dinadaanan namin. Hindi ko pa kasi ito nadadaanan. Hindi naman kasi ako talagang gala. Sa malalapit lang kami naggo-ghost hunt.

"Hindi e," sagot niya. "Hindi ko pa 'to napupuntahan," sabi niya sabay tingin niya kay Shawn at tinanong din ito.

"Shawn, alam mo ba 'yung daan na ito?" Tanong ni Andrea.

"Hindi," sabi naman ni Shawn sabay labas ng kanyang cellphone. Titingnan na niya sana sa Google map kaso wala na raw signal. Pagtingin ko sa phone ko, ganoon din. Maraming puno rin sa lugar na ito kasi sa bundok kami dumaan at ang ilaw lang namin ay ang headlights ng van ni Lyn.

Mga 11PM na at hindi pa rin kami nakakarating sa bahay ni Matt. Bigla na lamang umulan ng malakas kaya mas nahirapan pa kaming makita ang paligid. Mukhang nahihirapan din si Lyn dahil sa kakulangan ng ilaw sa daan. Pakiramdam ko rin na paikot-ikot lang kami.

"Biglang lumamig ng sobra a," sabi ko na pinapakiramdaman ang paligid. Hindi naman ganito kanina kahit bumuhos ng malakas ang ulan. Kanina pa pinatay ni Lyn 'yung aircon ng Van niya pero sobrang lamig pa rin.

Kung kailan nangyari 'to saka hindi pa ako nakapagdala ng kailangan. Wala akong dalang jacket. Ka-swerte.

"Sang-ayon ako d'yan," sabi ni Andrea habang niyayakap ang sarili habang si Valerie ay kumuha ng jacket sa bag niya. Swerte ni babaita.

"Buti pa si Val, nakapagdala ng jacket," sabi ni Andrea. Mukhang nagpaparinig siya kay Shawn kasi nakatingin si Andrea sa kanya. Hindi ko na lang mapigilan yung ngiti ko sa kilig dahil sa dalawang ito

Katabi ko si Matt. 'Yung pwesto ko ay sa tabi ng bintana. Sila Andrea naman ay nasa harap ko at nasa tabi din siya ng bintana. Sila Valerie at Aaron naman ay nasa likuran namin.

Hindi ko na talaga kinakaya masyado ang lamig kaya yinakap ako ni Matt. Napasubsob na lang ako sa kanya. Ehem. Kilig. Ang bango kasi niya kahit kanina pa kami sa labas. Parang bagong ligo pa rin. Ang sarap kainin-este amuyin.

Matindi rin ang init ng katawan nitong lalaking 'to. Ganito talaga ang reaksyon ng katawan niya sa lamig at napakahyper niya rin. Mahina naman siya sa sobrang init.

Hindi ko na kakailanganin ng jacket at kumot. Naramdaman kong uminit ang mukha ko dahil sa kanya.

"Ayos na rin 'to," sabi ko na parang napipilitan pero ginugusti naman. Napatingin ako kay Shawn dahil pinatungan niya si Andrea ng jacket niya. No hugs?

"Wow ang sweet naman," sabi ko at inasar ang dalawa. Sasamaan na sana ako ng tingin ni Andrea nang mapalingon siya at tumingin sa amin ni Matt na nang-aasar.

"E mas sweet kaya kayong dalawa," asar niya pabalik.

Ayos na rin yung saglit na mga tawanan at ngiti sa ganitong sitwasyon. Kung kailan ka mas nahihirapan, doon ka dapat mas ngumiti. Doon ka kumuha ng motibo para tumatag.

"Ano yun?" pag-aalalang tanong ni Aaron nang makaramdam kami na bumangga ang van.

"M-may nabungo ata ako," saad ni Lyn. Halata sa kanya ang takot.

Lumabas sina Matt at Shawn para makita kung napabangga ba ang van o kung may nabunggo nga pero nag-sign sila na wala naman. 'Yan, kinikilabutan na ako. Nagsisitaasan na ang mga balahibo ko.

"S-sigurado ako. May babae akong nabangga kanina," sabi ni Lyn. Nagsasabi naman siya ng totoo dahil naramdaman namin 'yung impact kanina. Nag-iba na ang kutob ko.

Napatingin sila Matt at Shawn sa sasakyan ni Lyn kung may nasira ba o kung may impact nga ba ang pagkakabundol kanina, pero wala naman silang nakita.

Pumasok ulit 'yung dalawa sa sasakyan at binuksan ulit ni Lyn ang makina para magpatuloy sa pagdadrive. Sinubukan namin siyang pakalmahin. Nagprisinta rin 'yung mga lalaki na magdrive pero kaya na raw niya. Sinabi niya ring gusto niyang makabawi.

Maayos sa ilang minuto ang biyahe namin nang bigla kaming may naaninag sa malayo.

Isang babaeng nakaputi.

Lahat kami ay nagulat at natakot. Malakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi maganda ang nangyayari dahil hindi kami handa. Napakapit na lang ako kay Matt.

Sa pagkagulat ni Lyn, naliko niya ang manibela at ang sasakyan ay nahulog sa bangin. Napadpad kami sa ibang kalsada sa baba ng tinatahak naming kalsada kanina.

Minalas lalo kami dahil na-flat ang gulong ng sasakyan niya at dahil naulan pa rin, nagpasya kaming humanap ng masisilungan. Hindi na rin kami naghiwa-hiwalay upang "mapabilis ang paghahanap" dahil alam naman naming hindi maganda ang kalalabasan nito. Wala ring signal sa daang ito.

Kumuha na lang kami ng mga kakailanganing kagamitan at iniwan na ang sasakyan. Nagdikit-dikit kaming lahat sa pagtahak ng daan papunta kung saan.

"Ang sakit na ng paa ko," sabi ni Val.

Ilang minuto na rin kaming naglalakad pero wala man lang makitang matutuluyan.

"Hayaan mo, konting tiis na lang," sabi ko at kumapit na lang sa braso ni Matt. Lahat kami'y pagod na. Tiningnan ko rin ang oras sa relo ko at nakitang alas dose na.

"Ayun! May pathway," sabi ni Lyn at tumingin kami sa gawi kung saan siya nakatingin. May pathway nga. Di bale, basta't may patutunguhan kami.

"Tara. Sama-sama lang tayong lahat. Walang hihiwalay," saad ko. Binilang ko kaming lahat at kompleto naman.

Nakakatakot kasi kung mawala ka bigla sa sarili dahil sa impluwensya ng paranormal tapos biglang ikaw na lang ang nag-iisa sa mundo at 'yung papatay tayo. Sobrang nakakatakot.

"May bahay," sabi ni Aaron. Napa-angat ang tingin ko mula sa maputik na daan at totoo nga. May bahay sa 'di kalayuan.

Pagdarasal ko na walang maging mapayapa ang tutuluyan namin. Sana'y wala nang ibang pahamak sa ngayon.

Nang makalapit kami sa bahay, tiningnan ko ang paligid nito. Mukhang matagal na siyang hindi naaasikaso. Ang tataas na ng damo sa paligid. Mukhang cabin ang mumunting bahay. Sana ay sapat na ito para masilungan hanggang mag-umaga.

The Ghost Hunters (ORIGINAL) (Completed and Editing)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora