Chapter 20(Editing)

115 6 0
                                    

Mae's POV

Nakakaawa naman pala ang nangyari kay Ate Aubrey. Grabe! Sana mahuli na yung gumahasa sa kanya. Today's mission was so on.

Umalis na kami at nagbabye kay Lola. May tatlong wish si Ate Aubrey na matupad bago siya mamayapa.

Dali-dali naming pinuntahan namin si Sir. Franklin sa resort and told him about what happened. He cried and cried and shouted like there was no tomorrow. Yinakap niya ang sako kung nasaan nandoon ang labi ni ate Aubrey. Naiyak na nga rin kami e.

Insids his heart, namamalagi si ate Aubrey. In his memories, patuloy na nabubuhay si ate Aubrey.

Iniwan muna namin siya sa office niya at lumabas. Hinawakan ni Matt ang kamay ko at hinila paupo sa bench. Umupo kaming dalawa.

"Ang sakit naman tingnan ni kuya Franklin kanina," sabi ko.

"Lahat masasaktan pag nawala ang mahal nila," sinabi niya't inangat ang kamay ko't hinalikan. Gusto niya laging may physical contact kaming dalawa. Hindi ko rin mapagkakailang clingy din ako.

"Oo kaya ayokong mawala ka," sabi ko't isinandal ang ulo ko sa balikat niya. Hindi ko magawang isipin ang buhay na wala si Matt. Binubuo niya ako.

"Ako rin Mae," sabi niya't inakbayan ako. Nakulimlim ang kalangitan. Nakikisabay sa pagluluksa ni kuya Franklin.

Sila Andrea naman ay nasa ibang bench. Nag-uusap tungkol sa isyu. Hiling ko sa Diyos na matagpuan ang mga salarin.

"Nilalamig ka ba?" Tanong ni Matt. Medyo nagsisitaasan ang mga balahibo ko dahil sa lamig ng hangin. Nawala na rin ang mga taong nagswiswimming sa baba. Nasa second floor kasi ang office ni kuya kaya tanaw namin ang resort.

Biglang napadpad ang tingin ko sa balon. Kawawa si ate. Walang babae ang dapat maranasan ang ganoon. Ikaw na nga ang dinadatnan kada-buwan, ikaw pa magbabago ng surname tas maghihirap ka sa pagdadalang-tao't panganganak tapos gaganituhin ka lang?

Napabuntong hininga na lang ako. Nagulat si Matt at hinawakan ang pisngi ko.

"May problema ba?" Nag-aalalang tanong niya. Umiling lang ako. Niyakap niya muli ako.

Ilang minuto lang at lumabas si kuya Franklin. Medyo namumula ang mga mata niya kakaiyak.

"Dapat pala, hindi na lang ako umalis no'n," banggit niya at umupo sa harapang bench.

Lumapit kaming lahat sa kanya at sinubukan siyang i-cheer up. Ni-rub ni Matt ang likod ni kuya.

"Hindi sana nangyari ang kawalanghiyaan na 'yon kay Aubrey."

"Kuya," sabi ko. "Hindi niyo naman po ginusto 'yung nangyari. Huwag niyo pong sisihin ang sarili niyo. Sige kayo, malulungkot lalo si ate."

Ngumiti siya sa akin at ginulo ang buhok ko. Nagpasalamat siya sa aming lahat nang biglang tumunog ang cellphone ni Kuya. Iniintay namin ang reaksyon niya sa kausap niya sa cellphone.

"What?! You found them?! Papunta na ako dyan!" Napatayo siya sa pagkabigla at in-end na ang call.

Ipinaliwanag niya sa amin na may kilala siyang pulis na tinawagan niya kanina.

"Nakita na 'yung mga gumahasa ka Aubrey." sabi ni kuya Franklin. "Tara!" dugtong niya.

The Ghost Hunters (ORIGINAL) (Completed and Editing)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang