Chapter 7

339 9 2
                                    

3rd Person's POV

Ilang oras din ang lumipas at lumabas na ang mga doctor at nurse mula sa emergency room. Kinakabahan sila sa masasabi ng doktor tungkol kay Mae pero nangibabaw ang pananampalataya nila sa Diyos na magiging okay lang ito.
Kompleto na rin sila Valerie sa labas ng Emergency room para malaman ang balita tungkol sa kanilang kaibigang si Mae.

"Okay na siya. Ipagpasalamat natin sa Diyos dahil nakaligtas si Mae. Malabo kasing makaligtas ng ganoon lamang ang kung sino mang mapunta sa kinalalagyan niya," sabi ng doktor na nakangiti sa kanila at nakahinga silang lahat ng maluwag. "Ililipat lang namin siya sa isang kwarto miya-miya lang. Magigising din siya agad at nagpapahinga lang. Pwede niyo siyang iuwi kung kailan niyo man gustuhin."

May kaonting pag-aalala pa rin pero mas lamang ang saya nilang Lahat dahil okay na ang kanilang kaibigan. Binayaran na rin ni Matt ang bills sa ospital at nagpaalam na lalabas muna saglit para magpahangin. Sina Valerie at Aaron naman ay kakausapin pa ang doktor tungkol kay Mae.

"Sana maging ayos na si Mae at gumising na," sabi ni Andrea habang nag-aalala pa rin kay Mae. Biglang sumingit si Shawn na may dala-dalang pagkain para kay Andrea. Bumili pala ito sa labas para sa kanyang girlfriend.

"Kumain ka muna at ako na lang muna ang magbabantay sa kanya," sabi ni Shawn nang hinawakan niya kamay ni Andrea na nagpatibok ng sobrang bilis sa puso niya.

"Teka, nasaan na ba si Matt? Nagbayad lang naman siya ng bills pero bakit wala pa siya?" Tanong ni Andrea habang inililingon ang tingin niya at hinahanap si Matt.

"Baka naman lumabas lang saglit. Kita mo naman kanina ang lagay niya. Kailangan niya lang munang magpahangin. Alam kong sobra siyang nabigla. Kung nangyari rin yan sa akin, ganyan din ang mararamdaman ko," sagot ni Shawn at ginulo niya ang buhok ni Andrea habang nakangiti rito.

"Baka nga," sagot ni Andrea, inayos ang ginulong buhok at kinuha ang binili ni Shawn na pagkain. "Kain ka na rin," saad nito at itinapat niya ang kutsarang may lamang pagkain sa bibig ni Shawn.

Naubos nilang dalawa ang pagkain at wala pa rin ang iba sa mga kaibigan nila. Hindi pa rin nagigising si Mae.

"Sana magising na siya. Nakakabigla talaga dahil wala siyang masyadong natamong damage. Salamat sa Panginoon," sabi ni Andrea.

"Bakit ba binayaran agad ni Matt ang bills niya e hindi pa naman nadidischarge si Mae?" Tanong ni Andrea.

"Sigurado siyang maiuuwi niya si Mae agad. Sinabi na rin naman ng doktor," sabi ni Shawn habang nagliligpit ng kinainan nila.

Nagkakulay na ang kaninang maputlang hitsura ni Mae. Sinabi rin ng doktor na kinailingan nilang salinan siya ng dugo dahil sa dami ng nawala nito. May pagka-payat din kasi ang hubog ng katawan ni Mae at hindi siya masyadong palakain—lalo na ang gulay. Sakitin din siya at lapitin sa panganib.

"Masaya ako," sabi ni Andrea matapos ang ilang minutong katahimikan.

"Dahil okay na si Mae?" Pagdudugtong ni Shawn sa binanggit ni Andrea.

"Oo. Ipinangako ko rin kasi sa mama niya na aalagaan ko siya. Buti na lang at okay na siya," pagpapaliwanag niya.

Ilang minuto lang ay minulat na ni Mae ang mga mata nito.

"Mae!" Pasigaw na banggit ni Andrea.

"Kamusta na? Ano ang nararamdaman mo? May masakit ba?" Sunod-sunod na tanong ni Andrea.

Sasagot na sana siya kaso nagpatuloy na naman ito sa pagsasalita.

"Grabe! Nag-alala kami ng todo e. Hindi mo ba napansing dumaan yung Van?" Patuloy na tanong ni Andrea.

Magsasalita na naman ito ngunit napigil muli.

"Pati Mae, napanaginipan kitang mabubunggo. Unang umalis si Matt para hanapin ka pero huli na no'ng mabunggo ka. Sobrang engot mo talaga ano!"

Sumimangot at magsasalita na sana si Mae nang biglang umiyak si Andrea at yinakap siya.

"Oo na. Oo na. Sorry," sabi ni Mae at hinaplos ang buhok ni Andrea.

"'Wag na 'wag mong uulitin 'yon a. Ako mismo bubunggo sa'yo!" Ngumiti si Andrea kay Mae habang patuloy pa rin ang pag-iyak nito.

"Tama na. Baka sa'yo lumala ang sitwasyon ni Mae," natatawang sabi ni Shawn at hinawakan ang mga balikat ni Andrea upang malayo ito kay Mae.

"Sorry. Na-overwhelm lang," ngiting sagot nito.

Nag-usap sila habang hinihintay ang iba. Malakas na rin daw si Mae kaya kaonting pahinga na lang ang kailangan nito. Patuloy ang kwentuhan ng dalawang kaibigan habang si Shawn ay bumili ng mainit na mushroom soup para kay Mae dahil paborito niya ito. Balak nilang umalis na ng ospital kapag na-kumpleto na silang lahat.

...Hindi nila alam na may kababalaghan ring bumabalot sa ospital na kinaroroonan nila.

Itutuloy.

The Ghost Hunters (ORIGINAL) (Completed and Editing)Where stories live. Discover now