Chapter 10

296 7 2
                                    

"Tao po," banggit ko. Wala namang sumagot pero biglang nagbukas ang pinto. Iba na ang naramdaman ko pero pumasok pa rin kami dahil basang-basa na kaming lahat dahil sa ulan. Tinanaw namin 'yung loob ng bahay. Mukhang matagal na ngang natirhan itong bahay kasi ang gulo ng mga gamit tyaka puro agiw pero hindi naman siya gaanong maalikabok.

"Tao po," sabi ko ulit habang nagmamasid-masid sa bahay. May kalakihan 'yung loob at kasya kaming lahat sa sala.

Wala pa ring sumasagot. Wala talagang tao at saka walang kuryente sa loob. Bigla namang kumidlat at kumulog na nagresulta ng pagkatalon ko.

"Ah!" sigaw ni Valerie. Napatingin ako sa kanya at nakita ko sila Aaron na nagsisindi ng kandilang nakita nila. Pinakalma naman ni Andrea si Valerie at pinaupo siya sa sofa.

"Kelan pa kaya titila?" Saad ni Shawn.

"Matagal pa yan," sabi ni Mattt sabay tanggal ng t-shirt niyang basang-basa.

Biglang namula ang mukha ko at tumalikod ako bilang reaksyon.

Napatalon kaming lahat nang biglang sumara ang pintuan. Sinubukan ni Aaron na buksan ito pero hindi niya mabuksan.

"Lagot! Paano tayo makakaalis nan?" Sabi ni Lyn na tarantang-taranta.

"Wag kayong mag-alala. Makakaalis din tayo rito," sabi ni Aaron. Hindi ko napansin kung ano ang sanhi ng pagsara ng pintuan kasi hindi naman ganoon kalakas ang hangin sa labas. Puro kulog, kidlat at malakas na ulan lang.

Sana maging mapayapa kami rito.

Matt's POV

Kita ko sa mga babae ang takot dahil hindi lamang ang malakas na ulan ang problema namin kundi na rin ang paglabas sa bahay na ito.

Good news at bad news ang dala namin sa pag-iwan sa kanila saglit. Inikot kasi naming mga lalaki ang bahay pero ang tanging labasan lang talaga ay sa harapan. Ang good news naman ay nakakita kami ng mga tuyong damit at kumot para sa gabi.

Nang makabalik kami, natagpuan namin sila Mae at Andrea na tulala. Nasa tabi nila si Valerie na nag-aalala.

"Andrea? Mae?"

Hindi ko na pinansin kung sino man ang bumanggit no'n dahil dumeretso na agad ako kay Mae habanh nabitawan ang mga dala kong pamalit.

"Mae? Na'ndito na ako. Sabihin mo kung ano ang nangyari," sabi ko, nangingilid ang luha. Lumapit si Aaron at inabutan ako ng kumot. Binalutan ko si Mae nito.

"Aray..." Napahawak sa ulo si Andrea dabil sa hilo. Conscious na ulit siya.

Hindi pa din nabalik si Mae.

"Okay ka lang ba? Wala bang masakit maliban sa ulo mo? Hindi ka ba nasaktan?" Sunod-sunod na tanong ni Shawn sa kanya.

"Hindi. Okay lang ako. Ano bang nangyari?"

Tumingin siya sa amin at nanglaki ang mata nang makita ang sitwasyon ng girlfriend ko.

"Mae?" Nag-aalalang lumapit si Andrea sa kanya.

"Tulala siya katulad mo kanina," sabi ni Shawn. "Halika na. Magpalit ka kasama ni Valerie at baka magkasakit ka pa."

Pilit na tumayo si Andrea at naglakad palayo kasama nila Aaron para bantayan ang dalawa.

"A-aray." Nakarinig ako ng kalabog at nakita si Lyn na nasa sahig.

"Anong nangyari sayo?" Tanong ko't tinulungan siyang tumayo.

"Nagpalit lang ako ng damit dyan lang sa gilid ng aparador tapos paglabas ko, nadulas ako. Basa pala dito."

Nagpagpag siya ng damit at naupo na parang walang nangyari. Ipinukaw ko na ang atensyin ko kay Mae nang may napansin ako.

"Bakit nagdudugo ilong niya?" Tanong ni Lyn at nag-aalalang tumabi sa kanya.

"Mae? Gising!" Yinuyugyog ko na siya at hindi ko na mapigilang umiyak. Natataranta na ako.

"Kumalma ka lang. Ako na ang bahala sa kanya. Mas lalo lang siya magdurugo sa ginagawa mo," saway sa akin ni Lyn at nakinig na lang ako.

"Ayaw talagang tumigil," sabi Lyn.

"Bakit nagdudugo si Mae?!" Kababalik lang nila Andrea sa pagbihis at dumeretso sila sa amin ni Mae.

"Hindi namin alam," nag-aalalang tugon ni Lyn.

Lahat kami'y nagpapanic. Nagdudugo na rin ang mga tainga niya. Hinawakan ko ng mahigpit ang mga kamay niya at patuloy ako sa pag-iyak. Ayokong mawala siya ulit sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"A-Andrea... May bata." Narinig kong sinabi ni Valerie

Napatingin kaming lahat sa bata na may dalang stuffed toy. Ngumiti siya sa akin at nilapitan kami ni Mae. Hinawakan niya ang kamay ko't inayos ang pagkakahawak ko ng kamay kay Mae.

"Pumikit ka."

Narinig ko na lang sa isip ko ang malambot na tinig ng bata at ginawa ko ito. Nakita ko nang nasa ibang lugar ako. Ako lang ang naririto. Nasa mapuno akong lugar. Sobra ring foggy ang paligid at madilim. Ito ba ang sinasabi nilang astral projection?

"Hanapin mo siya at ibalik sa mundo niyo."

Mae, hintayin mo ako dahil nandito ako para ibalik ka. Papakasalan pa kita. You still have to bear my babies one day so please be strong cause I will be strong for you.

"...Hintayin mo ako mahal ko."

The Ghost Hunters (ORIGINAL) (Completed and Editing)Where stories live. Discover now