Chapter 3

441 13 5
                                    

Andrea's POV

"Split-up tayo?" tanong ni Mae pagkatapos i-distribute ang mga gamit at pagkain sa amin.

Nakita kong mas marami siyang inilagay na pagkain sa bag niya. Sanay na naman ako d'yan kay Mae. Ganado sa pagkain pero hindi nama siya tumataba. Nasaan nga ba ang hustisya?

"Sige," sabi ni Aaron na naka-poker face.

'Poker face? Problema no'n?' nasabi ko na lang sa isip ko. Ngayon lang 'yan nagkaganyan. Kung hindi si may ang makulit, si Aaron naman ang pumapalit. Naisip ko nga na baka hindi kami ni Mae ang 'kambal' kundi silang dalawa ni Aaron.

"Ganito na lang, magkakasama ang mga lalaki at hiwalay naman kaming mga babae," sabi ni Mae habang isa-isang tinulak ng dahan-dahan sila Matt, Shawn at Aaron palayo sa amin. Bale, may pagitan na sa'ming mga babae at lalaki.

"Ge," sabi ulit ni Aaron. Mapapansin mo na ang higpit ng pagkakahawak niya sa strap ng bag niya.

"Sino kaya matatakot dito?" pang-asar ni Mae na halata nang si Valerie ang pinakikinggan.

"Malamang kayong mga babae," sabi ni Shawn at lumingon sa gawi ko para ngitian ng mapang-asar na ngiti.

"Oo nga," pahabol pa ng ibang mga lalake.

'So, anong gusto niyo? Magtititili kami at tatakbo sa kinaroroonan niyo aber?' sabi ko ulit sa isip ko. Tahimik muna kasi ako.

Gano'n naman kasi palagi. Palibhasa kasi, kadalasang mahihina ang loob at madaling matakot ang mga kababaihan. Minsan ka na lang makakakita ng mga babaeng may lakas talaga ng loob. Laganap kasi mga pabebe ngayon.

"Sus," sabi ni Val sabay irap sa gawi nila Shawn. "Boys, anong name ng group niyo?" pahabol na tanong niya makalipas lang ang ilang segundo, at mukhang excited sa naisip niya.

Spell moodswings...V-A-L-E-R-I-E

'Kailangan pa ba no'n?' napa-iling na lang ako habang manghang-mangha sa mga kakaibang ideya ni Val.

Nag-bulungan ang mga lalake at mukha ngang sineryoso nila ang pag-pili ng pangalan ng grupo nila. Nagkumpulan pa silang tatlo at nagbulungan kahit naririnig naman namin nila Mae at Val ang mga pangalan na isina-suggest nila.

Si Valerie kasi ang mahilig sa mga ganyan. Siya rin ang nagprisinta na pangalanan ang grupo namin kasi wala kaming plano ni Mae na mag-declare ng pangalan ng grupo. Kikay kasi 'yang si Valerie at mahilig sa mga ganito at ganyan. Siya rin ang pinaka-maganda 'pero single' sa grupo namin. Balita ko ay may crush sa kanya si Aaron.

"Fighting Spirit kami!" Sigaw nila at biglang humarap sa amin na may mukhang parang malaki ang na-achieve.

"Shh! Ang iingay niyo e," saway ni Valerie at sinamaan sila ng tingin.

"Sorry na po. E sa inyo?" Sabay na tanong ng mga gunggong.

Iniakbay ni Mae ang dalawang braso niya sa balikat namin at inilapit kami sa kanya para mag-bulungan at mag-pulong din. Hindi talaga siya magpapatalo.

"An at Val, Courageous Girls o Brave Ones? Pwede pa kayong magdagdag," mukhang excited na sinabi ni Mae.

Napangiti na lang ako kasi 'yung dalawang iyon ang balak sana naming ipangalan sa grupo namin dati. Kaso, nasira lang ang pagkakaibigan naming lima no'n at kaming dalawa na lang ni Mae ang natira sa grupo. Malungkot nga dati at parang nalayo na rin kami ni Mae sa isa't isa, pero pagdating ni Val ay nabalik ulit ang dating pagkakaibigan namin, kahit tatatlo lamang kami no'n.

"Boto ako sa Brave Ones," sagot ko, nakikisakay na lang sa trip nila kundi ma-oop ako.

"E ikaw, Val?" Tanong naman Mae sa gawi ni Valerie.

At dahil sa itsura ni Mae na mulat na mulat ang mga mata at papalapit ng papalapit ang mukha niya kay Valerie ay nag-resulta ng pagpapawis at panginginig nito sa takot at 'nawiwirduhan' kay Mae--

"Ah gano'n na rin," sagot niya, sabay layo kay Mae.

"KUNG may nang-yaring masama, tumawag agad kayo sa phone o mag-kita na lang tayo sa gate," paalala ni Mae. "Kung hindi talaga kakayanin, mas mabuti na lang kung dumeretso na ang lahat papalabas ng eskwelahan o mas malayo pa."

'Grabe ha, seryosong seryoso ang aking best friend. Lagot si Valerie d'yan, mahilig pa namang manakot yan si Mae.' napatawa na lang ako sa naisip ko.

Lahat kami ay sumang-ayon dito. Napag-pasyahan na rin namin na tig-isa kaming grupo ng first aid kit. Sakto lang sa aming mga nag-dala.

Ilang minuto lang ng pag-uusap tungkol sa gagawin namin ay nagkanya-kanya na kami ng landas.

~~

A/N:

Na-edit ko na sa abot ng makakaya ko haha.

Vote and comment if you'd like ^__^

The Ghost Hunters (ORIGINAL) (Completed and Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon