Thirty-one : MM POV

2K 40 6
                                    

I'm screwed.

I'm running late for our morning training with a freaking hangover. Iniisip ko pa lang yung punishment ko, nawawalan na ako ng lakas. Ilang laps na naman kaya sa Oval papagawa sa'kin mamaya?

"Shit," I close my eyes as I curse under my breath. Sobrang nakaka-frustrate! Nasa huli talaga ang pagsisisi eh. Bakit nga ba ulit ako naglasing on a weekday?

Oh, right.

"We'll make it in time." El, my girlfriend, assures me. I spent the night on her place kasi. Hindi na ako nakapagisip ng tama since sobrang sakit na ng ulo ko pero natatandaan ko na about sa training namin kinabukasan yung inaalala ko.

El is a part of Ateneo's basketball team kaya may training din s'ya ngayong umaga though hindi naman ganoong ka-strict yung Coach nila, di katulad ng sa'min. I'm pretty acquainted with their basketball team since I hang out din with them. Sinasama kasi ako ni El. They're pretty chill naman kaso syempre, gusto ko rin bigyan si El ng time alone with her friends just as she gives me alone time with my girls.

"Shit, traffic pa." I curse to myself then looked at her. "Ilang beses na kasi kitang ginigising kanina, ayaw mo pang bumangon eh."

She sighs. "Gustuhin ko mang makatayo agad, ang sakit ng ulo ko. Actually, hanggang ngayon naman so please, wag ka na sumigaw. Sumasakit lalo eh. Wala rin namang magagawa yung pagsigaw at pagsisi mo."

"Kasalanan ko bang masakit yung ulo mo?"

"Fuck, Mich." Mahinang sabi n'ya. "Nagbago ka na nga talaga."

"What?"

She chuckles dryly. "Never mind."

"Ako pa ba ngayon? Sino bang nahuli kong may kalandian sa bar kagabi?" I shoot, glaring at her. "Pare-pareho kayo."

She gives me a knowing glance as if telling me not to go there. "How many times do I have to say that I wasn't flirting with that girl?"

"You were cuddled with that girl. Hindi pa ba yon counted as pakikipaglandi?"

"She was just a fan nga. Nagpa-picture lang and I was just doing fan service." She argues. "Tangina, Mich. I apologized na nga countless times already kagabi kahit na alam kong wala naman akong ginawang masama para hindi na 'to humaba pa."

"Fan service? Wag mo akong gawing tanga. Ano ba naman yung mag-set ka ng boundary? Pagbigyan mo ng picture is fine pero para yakapin mo pa ng lasing ka? El, iba yon. Ang nakakagago lang is sa iba ko pa talaga malalaman na nasa bar ka pala, getting wasted." I rant. "Tinawagan pa ako ng tropa mo telling me that you were freaking wasted already!"

She breathes harshly. "Edi lumabas din ang katotohanan."

"What?"

"Nagagalit ka kasi nalaman mo pa kay Z." She says. "Si Z yung tumawag sa'yo di ba?"

She's right at some point. I've made it clear naman na kay El na okay lang sa'kin na for her to stay friends dun sa tao na sumira ng relasyon ng best friend at teammate ko pero wag na s'yang mag-expect na kakaibiganin ko rin yun. Hindi ko s'ya pinipigilan to befriend anyone but I expect her to respect my decision na hindi lahat ng kaibigan n'ya ay kakaibiganin ko rin. Lalong-lalo na si Zoe.

Biased na kung biased pero Bea is one of my best friends. Sa buong team, kaming apat nina Jia yung pinaka-close and heaven knows kung gaano ko sila kamahal. I think befriending Zoe would be unfair kay Bea eh, kitang-kita ko naman kung gaano nasira yung best friend ko dahil sakanya kaya bakit ko kakaibiganin? Best friend man s'ya o hindi ng girlfriend ko, I wouldn't dare to hear her side of the story. Para saan pa? Kahit ano namang rason n'ya, nakasira pa rin s'ya ng relasyon, nasaktan n'ya pa rin yung isa sa mga tao na mahalaga sa'kin.

PerfectWhere stories live. Discover now