Twenty-six

2.1K 53 11
                                    

Jho's POV

Hindi ko maiwasang hindi mapatitig kay Bea. I mean, lagi ko naman syang tinitignan pero iba kasi talaga aura at datingan nya ngayon. She really looks gorgeous wearing that simple yet elegant black sleeveless jumpsuit. Angat na angat din ang natural na ganda nya kahit pa hindi sya pumayag magpalagay ng kahit kaunting makeup.

Kanina pa nga ako di mapakali sa kinauupuan ko simula nang tabihan nya ako. Amoy na amoy ko ang pabango nya na tila ba alak na lumalasing sakin ng paunti-unti. Rinig ko rin ang mga pagak na pagtawa nya na parang musika sa pandinig ko. May tama na nga ata ako at para akong high school student na sobrang conscious kasi katabi nya ang crush nya.

"Beh," rinig kong pagtawag nya. "Are you okay? Namumula ka na."

Aba! Sino ba ang may kasalanan?! Kanina pa nakapatong yung kamay nya sa hita ko tapos she'll give it a light squeeze kapag gusto nyang kuhanin yung atensyon ko. Hindi 'to maganda para sa puso ko.

Hindi ako maka-kalma kahit pa anong breathing exercises ang gawin ko tapos 'tong babaing 'to, parang wala lang sakanya at sige lang sa pakikipagkwentuhan at tawanan kina Michifu!

Napasimangot naman ako. "Oo, okay ako."

"Hay nako, Beadel. Ilayo mo na yung iniinom nya. Tignan mo pulado na oh." Tawa ni Donya Ells while Bea looks at me worriedly.

"Oh, tama na raw sabi ni ate Ells ha." Sabi nya habang kinuha nya ang baso ng wine na hawak ko.

"Eh!" Maktol ko at kinuha yung baso pabalik. Alak na nga lang ang nagpapakalma sakin eh. Besides, dun ko na nga sinisisi yung pamumula ko.

Bumaling naman si Bea kay Mich na nasa harapan ko lang. "Did she drink a lot?"

"How should I know? Kanina pa kaya tayo nagkekwentuhan!" Tawa ni Mich. "Hindi ko na nga alam kung nakakailang bote na tayo eh."

Bea chuckles. "True. I lost count already."

"Mukha mo, Bea. Di naman talaga tayo nagbibilang." Mich says. Natawa naman silang dalawa at pinagdikit pa ang mga baso nila para mag-cheers.

"Tignan mo 'tong dalawang 'to. Pag inuman talaga, parang laging nagpapaligsahan kung sinong mas maraming maiinom." Palatak ni Donya Ells. "Lasing na kaming lahat, mga wala pa kayong tama."

"Dahan-dahan lang." Jia softly says. Di man lang sya tinignan ni Bea. At ang nakakagulat pa, nawala yung ngiti sa labi nya.

Huh? May problema ba sila? Come to think of it, best friends kami pero sa aming apat, silang dalawa ni Jia ang pinaka-close. Nakakapagtaka tuloy kung bakit sakin tumabi si Bea kahit na may space naman sa tabi ni Jia.

Nagulat na lang ako sa biglaang pagtayo ni Bea. "Papa-hangin lang po ako." Paalam nya at kinuha ang bagong bukas na bote ng alak at iniwanan na ang baso nya sa ibabaw ng lamesa bago umalis.

Buong bote talaga, Beh? Maglalasing ba 'to?

Bakas ang pagtataka sa mga mukha namin sa inakto nya. Pikit matang napa-buntong hininga naman si Jia. "Baby Ji, may problema ba kayo ni baby besh?" Tanong ni ate Den habang nakatingin ng diretso kay Jia.

Marahang tumango si Jia. "Just a little misunderstanding, ate Den. Nothing we can't fix."

Hindi ko alam pero naramdaman kong kumirot yung puso ko nung narinig ko yun. "Ano ba nangyari?"

Jia sighs. "I don't know the full details or kung totoo ba pero we saw na may kausap kanina na guy si Mads. She looks uncomfortable kaya kinausap ko si Bea na puntahan sya.."

Teka, ano raw? "Jia! Bakit mo naman ginawa yun? Alam mo naman yung ginawa ni Maddie sakanya di ba?" Tanong ko. Hindi ko na napigilan pa yung sarili ko. Tumaas na nga rin ang boses ko sa pagkabigla, napatingin tuloy sila sakin.

PerfectWhere stories live. Discover now