XLIV

3.3K 71 17
                                    

Sacrifices


NARAMDAMAN ng lahat ang pagkalat ng lamig sa paligid. Nagkaroon ng malakas na hangin na umikot sa buong lugar. Ang lahat ay napayuko sa dami ng alikabok na umiikot sa paligid. Kamuntikan pa matumba ang ilan sa pagyanig ng lupa.

"Anong nangyayari, Tao?" sigaw ni Kris. "Sabihin mo, nakita mo rin ba 'to sa pangitain mo?"

Malakas ang paghiyaw ni Louise. Isa-isang nagkaroon ng malalaking tipak ng bato sa paligid na ikinagulat ng lahat. Isa-isa silang napatingin sa magkakatabi dahil sa pagkakaroon ng malaking harang sa kanilang harapan. Mabilis na lumapit si Angelu kay Min ae. Magkakasama naman si Tao, Kyungsoo at Kris. samantalang ang ibang mga kasamahan ay 'di na nakita.

"Hindi ko alam na magwawala si Louise ng ganito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Hindi ko alam na magwawala si Louise ng ganito." Hinawakan ni Kyungsoo ang mga batong nagmistulang maze sa kanilang harapan.

"Kai, kaya mo ba 'tong lagpasan? Kaya mo bang makita ang mga kasamahan natin?"

Umiling si Kai, "Kaya ko lang gamitin ang teleportation kung alam ko ang lugar. Sa sandaling 'to, hindi ko alam kung matutunton ko ang mga kasamahan natin dahil hindi ko lubusang alam ang kabuuan ng maze na ginawa ni Louise."

"Kung gano'n, ililipad kita pataas." Lumutang si Kris sa himpapawid sa pagbabakasalaking makakahanap ng daan kung papaano malalagpasan ang higanteng maze na kanilang kinaroroonan. Pare-pareho naman silang nagulat nang sa pag-angat ni Kris ang siyang pag-angat din ng pader dahilan para 'di niya lalong makita ang kaubuuan ng kanilang kinaroroonan.

"Mukhang malabong makaalis tayo rito." Bulong ni kyungsoo.

Sinubukan pang taasan ni Kris ang paglipad ngunit mas lalong tumataas ang pader sa kanyang harapan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sinubukan pang taasan ni Kris ang paglipad ngunit mas lalong tumataas ang pader sa kanyang harapan. "Bwisit naman 'to!" Asik niya.

"Papaano na tayo makakaalis rito? Mukhang imposibleng tanawin natin ang daan papunta sa labasan."

"Iyan ay kung may labasan pa nga."

"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
EXO: Twelve Princes ✔️Where stories live. Discover now