XXII

5.6K 143 22
                                    

KABANATA XXII

I

"Sa loob nalang kaya ni Horror house?"

"Alam mo ba kung ano ang itsura ng loob no'n kung saan iyon matatagpuan at kung anong klaseng lugar ang kinaroroonan no'n? kinakailangan kong kunin ang imahe na 'yon mula sa 'yong isip. Mahirap para sa akin ang mag-isip ng lugar na 'di ko pa nakikita."

"Anong kailangan kong gawin?"

Pare-parehong nanonood ang lahat sa pag-uusap ng dalawa. Pare-parehong naghihintay sa maaring mangyari sa diskursong 'yon.

"Humawak ka sa kamay ko, ikaw ang magdadala sa amin sa lugar na 'yon."

Sinunod naman niya ang sinabi nito. Naghawak ang mga binata habang nakahawak naman si Kai sa balikat niya. Marahan siyang pumikit, pilit niyang iniisip ang loob ng horror house sa isang amusement park na napasok niya noong magtour sila ng mga kaklase niya noong high school siya.

Naramdaman niya ang malakas na hangin, para bang sumakay siya sa isang mabilis na sasakyan at kulang na lang eh mahulog ang puso niya. Sumunod ay nakarinig siya ng nakakabinging sigawan, naramdaman niya ang pagtulak ng mga tao sa bawat paligid habang naghihiyawan. Mabuti na lang ay humigpit ang pagkakahawak sa kanya ni Kai at inalalayan siya para 'di matumba.

Tama ang kanyang hula, walang dudang nakarating na sila sa lugar na nais niya muling mapuntahan. Nakikisabay na rin sa sigawan ang mga kasama niya nang magsulputan ang mga nakakatakot na staff sa loob ng horror house. Kanya-kanyang halakhak ang mga kasama nila sa kaguluhang nangyayari sa loob ng horror house.

Namangha siya sa ginawang liwanag ni Baekhyun sa loob ng horror house. Inakala pa ng mga tao na isa 'yong effects sa loob. Kumikinang ang na parang alitap-tap ang mga liwanag sa paligid. dahil doon, nakikita niya ng maayos ang buong silid maging ang mga kaibigan niyang tuwang-tuwa sa pananakot.

Nagulat na lang siya nang humawak sa kanya ang magkaibang kamay. Nauna niyang nilingon ang lalaking humihila sa kanya patungo sa Exit. It was Xiumin smiling widely to her and that was the sweetest thing she ever saw. Bago pa man sila makalabas sa horror house ay nilingon niya ang kabilang kamay niya kung saan unti-unting bumibitaw ang pagkakahawak ng isa pang binata sa kanya.

Nakita niya ang seryosong mukha ni Luhan sa mga sandaling 'yon. Pansin niyang walang reaksyon ang mukha ng binata habang nakatingin ito sa kanya. ito na rin mismo ang naunang umiwas ng tingin sa kanya, dahan-dahan silang dumistansya papalayo rito kung saan naiwan ang binata sa loob ng madilim na lugar.

Ngumiti siya sa nakita, napakaraming masasakit at malulungkot na ala-ala ang mayroon siya sa mundong iyon. Subalit, hindi iyon ang tamang panahon upang alalahahin ang mga karanasan na 'yon. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ng binata bago ngumiti rito. Sa araw na 'yon naroroon siya sa lugar na 'yon upang palitan ang masasakit at malulungkot na ala-ala sa kanyang isip kasama ang lalaking nagpapapasaya sa kanya kahit na minsan na itong nanakit sa kanya.

II

"Wow! Ang laki nitong manok na 'to. bilhin mo 'to, Suho!" kulang na lang lumuwa ang mga mata ni Kai habang tinitingnan ang lechong manok sa food court. Sumunod ng tingin sina Chen at Chanyeol na kaagad naman tumakbo patungo sa kinaroroonan ni Kai.

"Woah, oo nga ang laki ng manok na 'to."

Parang mga batang naglalaway ang tatlo habang nakatanaw sa pag-ikot ng manok. Marahang natawa si Louise dahil sa nakita. Siguro, kung hindi kaguwapuhan ang mga kasama niya'y kanina pa ito pinaalis ng mga staff sa panonood sa harapan ng manok. Pansin niya ring dumami ang tao sa loob ng restaurant, napaka-raming mga babae ang nagsisiksikan at nagtutulakan habang pinagmamasdan ang mga binatang kasama.

EXO: Twelve Princes ✔️Where stories live. Discover now