XLII

3K 80 7
                                    

Natamay ang ilaw sa buong paligd. Ipinagtataka niya kung bakit ilang minuto nang walang nangyayari. Naririnig niya ang bulungan ng mga nasa paligid niya. Hindi niya alam kung bakit kahit na kaarawan niya'y nakakaramdam siya ng kulang. Alam niyang may kulang. Para pang may puwang pa rin ang kanyang puso at hindi mapunan ng kasiyahan ang puwang na 'yon. Napabuntong hininga siya dahil hindi pa rin niya nakikita ang taong nais niyang masilayan.

Sa sobrang tagal ng kadiliman, napagdesisyunan na niyang siya na mismo ang magbigay ng liwanag. Inilahad niya ang kanyang kamay hanggang sa masilayan niya ang munting liwanag ro'n sa tulong na rin ng pagkopya niya sa kakayahan ni Baekhyun. 

"Katulad ng liwanag na 'yan, magliliwanag ka rin, Louise." nagulat siya nang marinig niya si Baekhyun nang magsalita sa 'di kalayuan. 

Sa gitna ng dilim, nasilayan niya ang munting liwanag na nagmumula sa 'di kalayuan. It was baekhyun providing his own light by the use of his own power. It was breathtaking for her. Just like him, She seems like she's shinning to.

"Baekhyun..." she whispered.

"Mukhang hindi ka pa rin masaya. Alam ko." Nilingon niya ang isa pang nagsalita at nasilayan niya si Chen sa tabi nito. "Kaya namin 'to ginawa para maging masaya ka sa kaarawan mo."

Mula sa liwanag na hawak ni Baekhyun, nagkaroon ng ilusyon sa kamay nito't nasilayan niya ang kanyang sarili habang nakahiga sa kung saan. Sumunod niyang nakita ang imahe ng kanyang mga kaibigan. Saka na lang niya napagtanto na iyon ang sandali kung saan niya unang nasilayan ang kanyang mga kaibigan. Noong dinala siya ni Lay sa kanilang dorm at binigyan ng paunang lunas. Kung saan niya unang nakausap ang kanyang mga kinikilalang kaibigan.

Napangiti siya nang makita niya ang unang pagkikita nila ni Xiumin. Kahit na may kasungitan itong taglay, nagawa pa rin niyang makipag-usap dito. Hindi niya rin maiwasang matawa sa tuwing nakikita niya ang kulitan nina Chanyeol at Baekhyun. Ang asaran ni Chen at ang pagsesermon sa kanila ni Kyungsoo.  

Hindi niya maiwasang maluha sa tuwa sa tuwing nakikita kung papaano niya naging kaibigan ang mga binata. Ang kanilang mga pinagdaanan, Ang Pagtatrainning nila ni Suho,  Ang Pagkukwentuhan nila ni Luhan, Ang Wushu Session nila ni Tao, Ang Pagtitig niya sa Tahimik na si Kris, Ang Pagtambay nila ni Baekhyun sa Labas ng dorm. Ang kaharutan ni Kai. 

At ang pinaka Nagpaiyak sa kanya ay nang maalala niya ang mga oras na hindi siya Matanggap ni Xiumin Noon. Na pinili nitong talikuran siya para lang kay Denise. Na pinaasa Lang siya para sa wala. Nakaramdam siya nang kirot sa dibdib nang maalala muli ang masasakit na ala-ala. at doon niya rin napagtanto na napakatagal na niya niya sa mundong iyon at halos hindi na rin niya napansin ang paglipas ng panahon.  

Nilingon niya ang hari't reyna na hindi rin maiwasang maluha sa nangyari. Marahil hindi rin ito makapaniwala na gano'n din kahirap para sa prinsesa ang pinagdaanan nito sa mga nakalipas na panahon. 

Ipinakita rin doon ang nangyaring training kasama ng mga binata. Kung ano ang pinagdaanan ng prinsesa at kung papaano nito napagtagumpayan ang mga bagay-bagay. Hindi niya rin maiwasang matawa dahil saka lang niya narealize na gumagawa siya ng paraan para lang mapalapit ang loob niya kay Xiumin.

Naging mabilis ang ilang mga imahe hanggang sa matagpuan niya ang sarili niya sa mortal world. Doon, nasaksihan niya ang lahat ng kanyang pinagdaanan. Ang saya sa paggagala nilang magkakaibigan, sa pagsubok ng mga bagong bagay, sa theme park, sa pagkain sa kung saan-saan hanggang sa makaharap niya ang kanyang Tita na nagpalayas sa kanya ng sadyaan.

Sa mga sandaling nagpadala siya sa galit hanggang sa mabahiran siya ng kasamaan. Sa paggamit niya sa kapangyarihan niya ng mali hanggang sa iligtas siya ng kanyang mga kaibigan at mapatunayan na hindi nga siya pinabayaan ng lahat. Na mali ang akala niya hanggang sa dumating siya sa puntong ito kung saan siya nakatayo. Ang lahat-lahat ng mga nangyari sa kanya'y parte ng kanyang pagkatao. Kung wala ito, hindi siya magiging matatag ngayon. Hindi siya magiging si Louise ngayon na may matatag na katangian.

EXO: Twelve Princes ✔️Where stories live. Discover now