X.

6.6K 156 13
                                    

KABANATA X

LUMIPAS ang isang araw na puno ng iba't-ibang pagsasanay para sa dalagang si Louise kasama ang kaibigang si Suho. Iba't-ibang mga kaalaman ang kanyang natutunan mula sa binata at ang lahat ng ito'y nakuha't rumehistro sa kanyang ala-ala.

"Water Explosion!" Lumundag si Suho paatras at mabilis na gumulong sa damuhan upang iwasan ang atake ni Louise.

Gumawa siya ng isang depensang gawa sa tubig at ang pag-atakeng ginawa ng dalaga'y sumanib lang sa tubig na harang ni Suho. Umismid lang si Louise sa bagay na nagawa ni Suho laban sa kanyang atake. Maayos siyang tumayo sa kanyang kinaroroonan habang pinagmamasdan ang pagtayo ni Suho mula sa lupa.

Sa kabilang banda, ang matigas na lupa'y tila ba naging isang buhangin na lumulubog paibaba sa iisang lugar. Kaagad na napako ang atensyon ng dalaga sa bagay na iyon.

"Anong nangyayari?" Tanong nito sa kasama habang papalapit ito sa kanya.

Nagkibit balikat ang binata sa kanya habang pinagmamasdan ang pagkakaroon ng korteng luoa. Mula sa simpleng malambot na lupa'y nagkaroon ito ng hugis na tulad ng katawan ng tao. Unti-unting naging detalyado ang imahe sa kanilang harapan, nagkaroon ito ng tamang hugis ng mga kamay, daliri, ilong, mata, hanggang sa makuha nila ang itsura ng nilalang na iyon.

"Kyung!" Galak na wika ni Louise nang makita niyang magkaroon ng kulay tao ang nasabing lupa.

Dahan-dahan itong dumilat at ngumiti sa kanila habang nahuhulog ang ilan pang buhangin sa kanyang katawan. Hindi maalis sa mata ng dalaga ang pagkamangha sa nakitang ginawa ni Kyungsoo sa kanyang harapan.

"Magandang umaga, sa tingin ko ito na ang pagkakataon ko upang turuan si Louise?" nakangiting wika nito kay Suho.

Kaagad na humawak si Suho sa baywang ng dalaga at hinigit ito papalapit sa kanya. Mabilis na nagulat si Louise at napahawak sa dibdib nito dahil sa hindi inaasahang kilos ng binata. Marahang yumakap ang binata sa dalaga bagay na nagpapula ng kanyang pinsgi.

"Papaano kung ayoko pang ibigay si Louise?" marahang ngumiti si Kyungsoo at hinawakan ang braso ng dalaga kasabay ng paghigit nito sa kanya patungo sa kanyang direksyon.

"Sa tingin ko umay na siya sa 'yo" nakangiting wika nito.

Kaagad na iniling ng dalaga ang kanyang ulo't bumitaw sa pagkakahawak kay Kyungsoo. Pareho niyang itinapat ang kanyang palad sa bawat mukha ng dalawa.

"Anong nangyayari ang weirdo niyo!" Pareho silang natawa sa sinabi ng dalaga.

"Louise, namumula ka." Mabilis na tinakpan ng dalaga ang kanyang mukha dahil sa hiya.

Inayos ni Kyungsoo ang kanyang lalamunan at naging seryoso. Kaagad namang umayos ng tayo si Suho dahil sa nakitang pagtingin ni Kyungsoo sa kanya. "Tutal nandito ka na rin naman siguro babalik na muna ako sa dormitoryo't magpapahinga" pagpapaalam nito sa kanila.

Patalikod na kumaway si Suho habang nakapamulsa. Pinagmasdan naman nilang dalawa ang pag-alis ng kanilang kaibigan. Nagtungo naman si Kyungsoo at umupo sa isang malaking bato sa hindi kalayuan.

"Balita sa akin ni Suho nagiging maganda ang pagsasanay mo sa ilalim niya. Iniisip ko lang kung gaano ka kagaling pagdating sa akin" Wika nito.

Itinali ng dalaga ang kanyang buhok ng pa-ikot bago sumagot sa binata. Nakakaramdam siya ng magkahalong kaba at pagkagalak dahil ito na ang ikalawang pagkakataong aaralin niya ang iba pang kapangyarihan maliban sa tubig.

EXO: Twelve Princes ✔️Where stories live. Discover now