XIV

7.2K 185 16
                                    

KABANATA XIV

ILANG araw na ang lumipas at halos nasasanay na si Louise sa pagkopya ng kakayahan ni Kyungsoo maging ni Suho. Paminsan-minsan sa tuwing nasa eskwelahan si Kyungsoo ay inaaral niya mag-isa ang Earth summoning tulad ng ginagawa ni Kyungsoo sa tuwing nagsasanay sila.

Humiga siya sa damuhan at itinaas ang kanyang kamay dahil sa pagod. Pinagmasdan niya ang maaliwalas na kalangitan. Hindi niya maiwasang mapangiti matapos maalala ang ganitong klase ng pagpapahinga niya sa mundong kinalakihan niya.

Tulad ito ng pangyayari noon base sa naalala niya. Uutusan siya ng tita niya na maglihis ng bakuran, na magdilig ng halaman, na mag-alis ng damong ligaw at pagkatapos ay hihiga siya sa ilalim ng kalangitan habang nagpapahinga sa kawalan.

"Kamusta na kaya sa mundo ko? Ano na kayang pinagkakaabalahan ng mga tao?" ipinikit niya ang kanyang mata at huminga ng malalim.

Sa pamamalagi niya sa mundong iyon ay hindi niya maiwasang mamangha sa pang-araw araw na nakikita. Pakiramdam niya isa siyang prinsesa sa isang mahiwagang mundo, isang prinsesa na mayroong isang dosenang prinsipe na nakakasama niya sa araw-araw.

"Nakakatakot kung ngumingiti ka mag-isa" otomatiko siyang napadilat dahil sa boses na kanyang narinig.

Mas lalo siyang nabigla dahil tumambad sa kanyang harapan ang mukha ni Baekhyun na sobrang lapit sa kanya. Otomatikong itinulak paangat ni Louise ang mukha ni Baekhyun kasabay ng paggulong niya sa gilid upang makalayo sa binata.

"Aray ko naman, Louise, nakagat ko tuloy 'tong dila ko!" sinamaan siya ng tingin ng binata habang hawak hawak ang kanyang bibig.

"Nako, pasensya na. Bakit ka kasi bigla-biglang bumubulaga!" inis na bulyaw ni Louise kasabay ng pagsimangot.

"Natanaw kasi kita ritong nakahiga. Akala ko patay ka na nagpapatay-patayan ka lang pala" napaiwas naman si Baekhyun matapos siyang batuhin ng tsinelas ni Louise.

"Hindi ako nagpapatay-patayan, nagpapahinga kaya ako"

Dinampot ng binata ang sinelas ng dalaga at isinukat ito sa kanyang paa. Mabilis na lumapit si Louise upang pigilan ang ginagawa ni Baekhyun na kanina pa tawa ng tawa.

"Luluwag 'yang sinelas ko ano ba, Baekhyun!" iniiwas ng binata ang kanyang paa at tumalikod sa dalaga habang pilit na isinosuot ang sinelas nito.

"Ang liit ng paa mo, Louise, hanggang kalahati lang ng paa ko 'tong sinelas mo" tipid na komento nito.

Halos mangiyak-ngiyak naman ang dalaga matapos makitang maluwag na ang kaliwang bahagi ng kanyang sinelas. Hinablot niya ito sa paa ng binata at kaagad na ipinagkumpara sa kanang bahagi ng kanyang sinelas.

"Nakapalaki ng paa mo, Baekhyun! Big foot jusmiyo, bakit mo ipinilit sa paa mo 'to" mangiyakngiyak na wika ni Louise.

Kaagad na natawa ang binata dahil sa ekspresyong pinapakita ng dalaga sa kanya. Para itong isang batang nasiraan ng laruan at kulang naman sakalin siya nito upang makabawi sa kanyang ginawa.

"Bakit kasi hindi ka na nagsuot ng sapatos kaysa sa sinelas" Komento ng binata habang pinagmamasdan ang dalaga.

"Masyado pang maaga para magsapatos atsaka, hindi pa naman tayo papasok sa school" sagot sa kanya ng dalaga habang nakasimangot.

"Mamaya pa pala eh, bakit ka nakasuot ng uniform sa ganitong oras?" Bumuntong hininga ang binata sa kanyang sinabi.

Ipinagtaka naman ni Louise kung bakit tila iba ang aura ng binata sa umagang iyon. Ginulo nito ang kanyang buhok at ibinagsak ang sarili sa damuhan kung saan nakahiga ang dalaga bago siya dumating. Pilit na ibinabalik ng dalaga ang luwag ng kanyang sinelas habang katabi ang binata. Sa kanyang isip na lang niya ginawa ang pagsakal sa binata dahil napansin niyang wala ito sa mood na makapagbiruan muli.

EXO: Twelve Princes ✔️Where stories live. Discover now