XX.

6K 166 59
                                    

KABANATA XX

I

TAHIMIK ang lahat nang makita nila si Xiumin na prenteng-prente ang pagkakaupo sa sala. Ipinagtataka nila kung bakit hindi sila nito tinatapunan ng malamig na tingin tulad ng nakasanayan ng binata.

Tahimik na nagbubuklat ng magazine si Xiumin. Pare-parehong nakakunot ang noo ng kanyang mga kaibigan habang hinihintay si Louise sa paglabas ng kanyang silid.

"Okay, what's with this lovely aura around?" tanong ni Baekhyun. "Sabihin niyo nga sa akin kung nabagok si Xiumin o sadyang ulo ko lang ang mali?"

"Siguro, parehas." Natatawang sambit ni Chanyeol.

Sumimangot si Baekhyun kay Chanyeol. Mabilis nitong dinampot ang maliit na unan sa sofa at ibinato sa kaibigan. Dala naman ni Kyungsoo ang dalawang plato ng toasted bread patungo sa sala. Ibinaba nito ang plato sa mesa sa harapan ng kanyang mga kaibigan kung saan isa-isa silang dumampot ng tinapay.

"So can you tell us what's with this lovely aura around? Nauntog ka ba o nagising ka na sa katotohanan?" tanong ni Kyungsoo kay Xiumin.

"The second one."

Namilog ang mata ng lahat sa narinig. Dahan-dahan namang naglakad si Luhan patungo sa sala kung saan niya narinig ang pag-uusap ng kanyang mga kaibigan. Kumuha ng atensyon ang huling salitang binitawan ni Xiumin.

"Wow! Sa wakas nasa tuwid na daan ka na rin!" sambit ni Baekhyun.

"Maybe it's love." Ani ni Kris

"Baka gusto niya lang mapunta sa langit. Baka narealize niya na siya lang ang mahihiwalay sa grupo kung sakaling mapunta tayong lahat sa langit samantalang siya e sa impyerno." Singit naman ni Kai.

"Gusto ko lang na itama ang mga maling ginawa ko sa kanya. I was wrong."

Humigpit ang pagkakahawak ni Luhan sa kanyang bag nang marinig 'yon. Hindi siya sigurado kung saan nanggagaling ang inis na nananalaytay sa kanyang katawan. Trinrato ni Xiumin ng masama si Louise. Nakikita niya kung papaano niya nasasaktan ang dalaga verbally. Pero ngayon, parang bulang nawala lang ang iyon. Isang sorry lang ba ang katapat para mawala ang sakit na ipinadanas niya.

"After what you did? Gano'n-gano'n na lang ba?"

Napabaling ng tingin ang lahat sa kanyang kinatatayuan. Marahan siyang lumakad papalapit sa kanyang mga kaibigan. Sumusunod ang mga tingin nito sa kanya. isang seryosong tingin lang ang ibinigay sa kanya ni Xiumin na para bang walang ganang nanonood sa kanyang paglapit.

"What do you mean?" Xiumin asked.

"What do I mean? Pagkatapos mong gawin ang lahat ng 'yon kay Louise idadaan mo lang sa sorry ang lahat? Isang sorry lang sapat na?" Kumunot ang noo niya at ginawaran ng masamang tingin ang kaibigan. "Hindi siya isang salamin na aksidente mong nabitawan at nabasag para hingian mo lang ng simpleng sorry. Bakit? Kapag ba nagsorry ka sa basag na salamin mabubuo ba siya?"

"Bakit napakasensitive mo. She accepted my apology. Bakit masyado pang marami ang sinasabi mo?"

"Okay, both of you. Cut it out." Pagsingit sa kanila ni Suho.

"Hindi ako ang kailangan mong sabihan ng ganyan. Nananahimik lang ako rito, Suho." Muling binuklat ni Xiumin ang magazine na kanyang binabasa.

Mas lalong napakuyom ang kamao ni Luhan. Sinubukan niyang lapitan si Xiumin upang kwelyuhan ngunit hinawakan siya ni Kris sa braso. "Stop it."

EXO: Twelve Princes ✔️Where stories live. Discover now