XXVIII

4.7K 120 18
                                    



(Play the music as you read)

KABANATA XXVIII

I

"If you love that person, don't give up. Try to be patient. But if that person doesn't care at all, wait until your heart voluntary give up." Bahagyang ngumiti si Luhan habang pinagmamasdan sa 'di kalayuan ang masayang pagkukwentuhan nina Louise at Xiumin. Bumuntong hininga siya at ibinaling ang tingin sa kalangitan.

"Luhan..." mahinang sambit ni Sehun. Alam nito ang pinagdaraanan ng kaibigan. Kadalasan, sila ang magkasama kung kaya't hindi maiiwasan na sa kanya ito magkwento ng mga saloobin o problema. Siya ang pinakamalapit na kaibigan nito sa grupo simula bata pa lang kung kaya't alam kabisado na niya kung may problema ang kaibigan o wala. "Bakit hindi ka nalang magmove on? Nathabi mo naman tha kanya ang nararamdaman mo eh."

"Ikaw ba Sehun, gusto mo bang makalimutan ka ng mga taong nagmamahal sa 'yo?" Umiling siya. "Iyon na mismo ang sagot ko. Ayokong kalimutan ang mga taong nagbigay ng magagandang ala-ala sa akin. Masakit na malaman mong hindi ka mahal ng taong mahal mo. Na masaya siya sa piling ng iba at 'di sa piling mo. Pero iyon ang nakakapagpatunay na masaya ang magmahal. Dahil masakit." Bumuntong hininga ang binata. "Pagpapatunay lang 'yon na talagang nagmamahal ka."

Kahit na hindi sinabi ni Louise kay Luhan kung sino ang nagugustuhan nito. alam na ng binata kung sino ang tinitibok ng puso nito. kung kanino ito mas masaya. Ang mga ngiti nito sa tuwing kasama ang kaibigang si Xiumin ay iba 'di tulad ng ngiti na natatanggap nila mula sa dalaga. Ngiti na makikita mong totoong-totoo at punong-puno ng kasiyahan at pagmamahal.

"Ikaw ba Sehun may nagugustuhan na?" ngumiti ang kaibigan sa kanya bago tumango. "Maiintindihan mo rin ako balang araw."

"Luhan, bakit 'di mo thiya ipaglaban?"

"Gustuhin ko mang gawin pero 'di na lang. Masaya na siya. Guguluhin ko pa ba? At kung gagawin ko man 'yon, pareho kaming hindi magiging masaya. Siya sa piling ko at ako dahil iba ang nasa puso niya."

"Hindi ko maintindihan kung bakit minthan ang komplikado ng pagmamahal. Mahal mo thiya pero may mahal thiyang iba." Naiiritang wika ni Sehun.

"Gano'n talaga ang pagmamahal. Minsan kasi, napapamahal ka sa taong hindi naman para sa 'yo. Siguro... para may matutunan ka o 'di naman kaya'y para makaranas kung papaano masaktan."

"Anong gagawin mo ngayon Luhan?"

Bahagyang siyang ngumiti at muling pinagmasdan ang dalaga mula sa 'di kalayuan. "Kapag ang pagmamahal mo'y hindi na naging kasiyahan, kapag ang pagmamahal ay naging kadena na ng sakit, kapag ang pagmamahal na 'yon ay nagiging kulungan ng kalungkutan, ang tanging magagawa ko na lang ay ang mahalin siya sa huling pagkakataon. Pagkatapos, bitaw na. Iyon na lang ang tangi kong magagawa dahil sa simula pa lang, hindi na niya hinawakan ang mga kamay ko't tinanggap ang pagmamahal ko."

Naaninag niya lang na nakatingin sa gawi niya si Sehun. Anong nga bang magagawa niya sa sitwasyon na 'yon kung hindi ang sukuan ang pagmamahal para sa dalaga. Hindi siya ang tipo ng tao na hahadlangan ang kasiyahan ng dalawang tao para lang sa kasiyahan niya. Hindi niya gustong malungkot ang dalaga, hindi niya gustong masaktan o mahirapan lang. ganito ang pagmamahal hindi ba? Ibibigay mo ang lahat para lang maging masaya ang minamahal mo kahit na hindi ikaw ang minamahal niya. At kahit na... ikaw na mismo ang nasasaktan para lang maging masaya siya.

EXO: Twelve Princes ✔️Where stories live. Discover now