........................

Nandito kami ngayon yung mag aact sa opisina ni Ma'am dito niya daw sasabihin yung gagawin namin, saka kung anong title ng drama namin.

"Okay Romeo and Juliet yung gaganapin ninyo, gusto ko yung gaganap na Romeo and Juliet ay kayo."-tukoy ni Maam samin ni Kyle, kaya nagkatingin naman kami agad nagka-iwasan. "The rest yung iba mga magulang nalang kayo."-tukoy naman ni Maam kila Xam "okay lang ba yun sayo Mr Fontanilla?"-tanong ni Maam kay Yohan, tumingin muna sakin si Yohan bago nag-aalinlangan tumango. "Okay, kayo na lang bahala gumawa ng scene ninyo, pwede na din kayo kumain."-sabi ni Maam saka umalis sa harapan namin, Nagkatinginan naman kaming anim.

"Ah, ako na lang bahala. Gumawa ng scene saka story natin, pagkatapos ko ng gawin try ko ibigay yung magiging lines ninyo saka gagawin."-sabi ni Daisy saamin.

"Ikaw ba masusunod dito?"-pagsusungit ni Xam

"Hayaan na natin siya Xam, may tiwala ako kay Daisy."-sagot ni Kyle.

"Okay, ayusin mo yan ah."-sagot ni Xam saka hinawakan si Yohan sa kamay "Sabay na tayong kumain."-aya ni Xam kay Yohan, tumingin muna sakin si Yohan saka inalis yung pagkakahawak ng kamay ni Xam.

"May gagawin ako."-sagot ni Yohan.

"Tara, sabay na tayong kumain."-aya sakin ni Kyle na katabi ko lamang.

"H-huh?"-tanong ko

Nagulat na lamang ako nang biglang hinapit ni Panahon si Kyle sa pagkakaabay, inakbayan niya din si Daisy, e nasa gitna ako kaya naiipit na lamang ako sa pagitan nila Kyle, Daisy tapos nasa likod ko si Panahon.

"Tara na! Kumain na tayo, namiss ko kayo kasama e!"-sabi ni Panaho saka kami naglakad palabas ng opisina.

.....................

Ilang araw na din kami nag prapractice ng pag acting namin. At malapit-lapit na yung Mapeh Dramatic namin.

Habang binabasa namin yung lines may binigay pa ng dalawang bond paper si Daisy, kung saan nandun naka type written yung lines saka scene namin.

"Ito yung huling lines saka scene ninyo."-sabi ni Daisy habang binibigay samin ni Kyle yung bond paper at tinanggap naman namin ito. Binasa ko naman ito at lumaki na lang bigla yung mata ko nang mabasa ko yung huling scene na gagawin namin.

"Bakit may? Halikan na magaganap?!"-gulat na tanong ko kay Daisy.

"Kailangan e."-simpleng sagot ni Daisy, nagkatinginin naman kami ni Kyle saka nag-iwasan din ng tingin, hindi naman na pwede ako makapag reklamo dahil ano pang magagawa nun kung nagpakapagod na akong umarte, saka mag memorize nang sasabihin namin.

....................

Eduardo Pov

Nandito ako ngayon sa upuan ni Maria, hinahalungkat yung bag niya, pinapakuha niya kasi yung tubig niya. Kaya habang hinahanap ko yung tubig niya may napansin ako sa kanyang bag na nakatuping bond paper nakaipit ito sa pagitan ng mga notebooks niya kaya kinuha ko ito at binuklat, binasa ko na din tungkol ito sa Mapeh Drama nila habang binabasa ko ito bigla na lamang nanlaki yung mata ko nang may kiss na magaganap sa role playing nila, naiisip ko pa lang na maghahalikan sila Maria saka si Kyle parang hindi ko yata kakayanin, magiging first kiss ni Maria iyon.

Aamin ko nagka gusto ako sa kaibigan ko kaya nga ayokong may nakakasalamuha siya ng lalaki e, except lang sa dati niyang minahal kaya nga thankful ako sa lalaking yun, dahil di niya kinuha yung first kiss ng kaibigan ko.

My High School Life (Completed)Where stories live. Discover now