HECTOR SANCHO MONTEMAYOR

1.1K 16 2
                                    

HIS

MULA noong umalis siya ay hindi ko na nakita pa. Sa loob ng ilang araw kong hinahanap si Ligaya ay hindi ko matagpuan sa bahay ng Tita niya. Sinabi nito na umalis na raw si Ligaya at bumalik sa Cagayan de Oro City.

Nalungkot ako dahil hindi man lang siya nagpaalam sa akin. Ilang araw kong hinintay siya. Pero sinabi ni mommy mag-aaral na ako. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na babalik sa Espanya kasama roon si Hyades.

After so many years, bumalik rin ako sa Bukidnon. Pero hindi na ako ibabalik ng parents ko sa Espanya. Dahil nagkaroon ng tampuhan ang pamilya ko sa mga Montecarlos. Mula noon, nag-aaral na ako sa Ateneo sa Cagayan de Oro. Natuto ako kung paano maglaro ng mga bagay na hindi ko akalaing gagawin ko.

Playing girls left and right. Ganyan lang ang system ko. Kinalimutan ko na si Ligaya. Pero hindi ko mapigilang isipin na kung ano na ang hitsura niya ngayon.

Is she beautiful and sexy? Just like the girls I'd with?

Nagulat ako ng may pinakilalang babae sa akin sa manokan. Sobrang pamilyar siya sa akin. Kumalabog ang puso ko ng matitigan ko siya! Shit, kasama niya ang kanyang Tita. Bakit ngayon lang siya bumalik?

Magandang-maganda siya. Normal lang ang kanyang galaw pero nasasabik akong yakapin siya at halikan? Wait. Kaibigan ko siya! Hindi ko dapat siya hahalikan!

Sa ikalawang pagkakataon, hindi ko nalaman na umalis na naman siya at bumalik sa Cagayan. Kaya nagpasya akong gamitin ang pera ko para mahanap siya.


"Pre, madaming chicks na nakatingin sa atin. Mukhang type ka ata ng isa." hindi ako nakinig sa mga kaibigan ko. Hinintay kong lumabas sa isang cr si Genesis. Kasama niya iyong medyo kahawig niyang babae dahil tulad niya wavy ang buhok at hindi rin katangkarang babae.

"Tangina pare! Ang ganda ng babaeng kasama noong naka bag na itim. Pang korean style ata iyon," napangiti ako. Nagpapasalamat ako na ang kaibigan niya lang ang type ng kaibigan ko. Kung siya ang tinuro nito susuntukin ko talaga ito ng walang habas.

Hindi kagaya ng mga babae sa skwelahan namin na puro sosyal pero si Genesis simple lang talaga siya. Minsan nakikita ko siyang pumupunta sa school namin. May kaibigan pala siya rito. Ang dami niya namang kaibigan. Sa dami nito nakalimutan na niya ako.

Gagadruate na ako ngunit nasa second year college pa lang siya. At nakikita kong may kasabay siyang mga kaklase niya ata? Fuck. Bakit umakbay pa iyong lalaki kanina? Close ba sila? Magkaibigan? Pero bakit may kasamang kinang ang mga matang iyon?

What Sancho's wants will always get.

Pinasundan ko ang lalaki. Nalaman kong kaibigan talaga iyon ni Genesis. Napatiim bagang ako. Hindi ko alam kung bakit buntot na buntot ako lagi sa babaeng iniwan ako lagi ng walang paalam!

Dapat inaasikaso ko ang thesis pero hindi ko mapigilang hanapin at sundan siya. Pero ang napapansin ko sa kanya ay bahay at paaralan lang siya. Kaya natuwa ako sa routine niya sa buhay.

Hindi ko man gaano kakilala ang mga kaibigan niya pero alam kong sumusuporta sila kay Genesis.

Umabot ang araw na nalaman kong nag-uusap sina mama at papa. They're talking about the land since Lolo Henry's death. Lalo akong naguluhan nang marinig ko ang apelyido ni Genesis.

"They are traitors, Rosevelt! The Suarez won't come back here in this place. I promise you that." madiin ang pagkakasabi ni Daddy. Bigla ay na curious ako. Noong umalis ang parents ko at pumunta sa States ay pumunta ako sa loob ng opisina nila. Nalaman ko ang lahat doon.

KS#2: Three Pieces (COMPLETED)✔Where stories live. Discover now