KABANATA XXVII

810 14 0
                                    


A/N: Hold tight and take a deep breath.

KABANATA XXVII

RAMDAM ko ang pagsunod ni Sancho sa akin sa silid. Nakita kong tulog pa si Brews pero wala akong pakialam. Agad namang umalis ang babaeng katulong kanina. Gusto ko na lang ay umalis at bumalik sa Cagayan de Oro. Kahit babalik ako ng Greece ay wala akong pakialam!

"Babe, let's talk please." aniya. Humarap kaagad ako sa kanya. Hinampas ko ang kanyang dibdib. Gusto kong suntukin o di kaya ay sampalin siya!

"Kung ayaw mong sabihin o sagutin ang mga tanong ko Sancho, aalis ako sa lugar na ito!" sabi ko. He shook his head.

"No, please no babe." pagmamakaawa niya sa akin pero hindi ako natinag at niligpit lahat ng mga gamit ni Brews. Bigla ay nagsalita.

"If you'll gonna leave me right now, I won't let you travel alone." aniya. Tumawa ako ng pagak. Talagang ayaw niyang sabihin sa akin ha.

"Sige! Salamat! At huwag ka ng pumunta sa bahay namin!" sabi ko. Hinayaan niya akong magligpit ng mga gamit.

Walang-tingin tingin akong umalis sa kanyang harapan ay binuhat si Brews. Kahit mabigat si Brews ay kinaya ko talaga. Akmang tutulungan ako ni Sancho nang binigyan ko siya ng matalim.

"Hija, bakit bitbit mo si Brews?" tanong ni Nanay Mel.

Hindi ko siya pinansin at hinayaan ang mga gamit namin na ipasok sa kotse.

"Hijo, bakit aalis ngayon si Joy?" hindi sumagot si Sancho kay Nanay Mel.

Walang lingon-lingon akong pumasok sa loob ng kotse. May driver na inaasahan si Sancho para e-drive kami pauwi sa Cagayan de Oro.

Mamaya ko na lang kakausapin si Mama at Papa nito lalo na si Brews. Nakakabigla man ang lahat pero iyon talaga. Minsan hindi mo alam ang mga pangyayari.

Tumulo ang mga luha ko. Hindi ko alam pero may parte sa akin na kasama si Hyades sa nakaraan ko. Ito ang hindi ko sinabi kay Daryl. Baka alam niya ang nakaraan ko. Baka naimbestigahan niya ito. Pero paano ko mapupunta sa Cagayan de Oro si Daryl Casta?

Nasa Europe siya ngayon. Ewan ko ba kung bakit punta siya ng punta roon. Nakakapagtataka lang talaga.

Bigla ay may sumagip sa isipan ko. Nanlalaki ang mga mata ko.

"Manong, pwede pi bang pakibilisan ang pagdrive?" tumango ang driver. I took a deep breath.

May isa o dalawa ba iyon na hindi ko pa natapos? Ewan ko, mukhang iyon lang ang makakatulong sa akin.

Ilang oras ang byahe bago kami nakabalik sa El Salvador. Agad akong nagpasalamat kay Manong driver.

Nang makita ako ni mama na bitbit si Brews ay agad na nanlalaki ang mga mata nito.

"Nak, bakit ang aga mong bumalik? Nasaan si Sancho? Teka, bakit mugto ang mga mata mo?" aniya. Umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Nak, bakit umuwi ka? Ano ba ang nangyari?" umiling ako at dumeritso sa silid. Doon ko nilagay sa kama si Brews. Tulog na tulog si Brews. Pumasok si mama sa silid.

Agad siyang lumapit sa akin.

"Nak, bakit? Ano ba ang nangyari?" aniya. Hindi ko pwedeng itanong si mama sa mga pinaggagawa ko noon sa Bukidnon. Hindi ko pa kasi nakita si mama na tumuntong doon.

"Ma," pumiyok ang boses ko. Bigla ay niyakap ako ni mama.

"Hindi ka ba tanggap ng mga Montemayor?" aniya. Umiling ako.

"Ma, I don't think I belong there." sabi ko. Ramdam ko ang pag-aalaga ni mama sa akin. Ang kanyang haplos. Ang kanyang yakap na miss na miss ko na.

KS#2: Three Pieces (COMPLETED)✔Where stories live. Discover now