SYNOPSIS

2.1K 40 0
                                    

SYNOPSIS

"How do you know how much is too much? Too much too soon. Too much information. Too much fun. Too much love, or too much to ask of someone? When is it all just too much for us to bear?"

HINDI ko kayang magbakasyon sa Bukidnon pero wala akong magagawa kundi ay sumunod kay papa. Sayang iyong magpahinga na lamang sa bahay pero si papa talaga, hindi niya gusto lumaki kaming tamad.

Nakarating na kami at tanging amoy ng dahon ang naamoy ko. Nakita ko si papa na magiliw na lumakad patungo sa bahay ng Tita Eden ko. Sumunod na lamang ako. Wala naman akong magagawa e. Sumusunod ako lage kay papa.

"Oh! Nandiyan na pala ang pamangkin ko! Halika na dito, Joy. Sus, ang laki mo na!" I smiled. Iyong pekeng ngiti. Grabe, hindi ko talaga kayang tumira dito. Ano kaya ang ginagawa ng mga kaibigan ko? Masaya din ba ang summer nila? Ngayong pasukan ay college na ako.

"Waah! Ang ganda ng pamangkin ko! Ay, mana sa ganda ko!" Napangiwi ako.

"Pero, hindi ka binayaan ng Diyos sa tangkad, hija. Pero maganda ka." Papuri niya o insulto dahil sa kanyang sinabi. Anong tangkad?

"Deng, huwag mo ng pagsalitaan ng ganyan si Joy. Halika na anak, kung gusto mong magpahinga, dito ka na lang sa kwarto ni Timay. Nandiyan lang naman sa mga Montemayor ang pinsan mo, nagtatrabaho."
I sighed. Wala na ata akong magagawa pa kundi ay magpahinga. Susulitin ko ang bakasyong ito. Ako pa? Hindi ako magpapatalo kay papa. Kahit ipapatrabaho niya ako sa bukid. Hindi ako susunod sa kanya. Sa ganda kong ito madudumihan lang?
“Palibhasa hindi ka rin katangkaran, Kuya.”
Natatawang saad ni Tita kay papa.

UMABOT ang hapon ay saka ako nagising. I walked slowly through the kitchen. Gutom na ako. Pero nagulat ako nang may kausap si Timay. Ang pinsan kong lalaki. Wait. Sinong kausap niya? Bakit mukha atang mayaman?

"Naku po, hindi po pwede. Mapapatay ako ni Nanay kapag sasama ako sa inyo,"

Nagtago ako sa may aparador. Nakikinig ako ngunit wala na akong narinig. Nasaan sila? Nang humarap ako ay wala na ang dalawa. Saan sila nagpunta?

I shrugged. Nagugutom na ako. Dapat na akong kumain dahil kanina pa ako hindi nagtanghalian. Si papa naman kasi. Hindi niya ako binigyan ng pagkain kanina. Siguro masaya na iyon nakipagkwentuhan sa mga kaibigan niya dito.

Lumabas ako ng tapos nang kumain. Hawak ang phone ko para kapag may nagtext ay agad akong magreply. Naiinis na ako na ewan. Wala akong magawa dito sa bukid!

Umuwi na lamang ako sa bahay ni Tita Eden. Nang pumasok ako ay nakita si papa. May hawak siyang bayabas. Lumapit ako sa kanya.

"Joy, bukas na bukas ay sasamahan ka ni Tita Eden mo. Magtatrabaho ka sa mga Montemayor. Diba gusto mo ng summer job? Para sa pasukan ay meron kang pera." Kumunot ang nuo ko. Oo gusto ko ng summer job pero hindi dito!

"Papa naman, huwag naman dito. Gusto ko nga ng summer job pero huwag naman dito."
Maktol ko. Masama naman ang tingin ni papa sa akin. Napakamot na lamang ako sa aking ulo.

"Mas maganda dito, Joy. Malaki ang sahod mo. Huwag kang mag-alala. Hindi naman mahirap ang trabaho mo. Sige na, matulog ka na."
Tumayo siya at pumunta sa kusina.
"Nga pala, Joy. Kumain ka na ba?" Tsaka siya nagtanong sa akin kung kumain na ba ako. Minsan naisip ko, papa ko ba siya?

"Tapos na po. Sige po, matutulog na ako."
Pumunta ako sa loob ng kwarto ni Timay. Kinse anyos pa siya. Matanda ako sa kanya.
Umupo ako sa sahig tapos napangiwi na lamang. Wala silang kama. Ni ang sahig ay kawayan. I sighed. Iba talaga ang nasa syudad.

Nang sa umaga, maaga akong ginising ni papa. Tulog pa nga si Timay tapos ako gigisingin niya? Tangina.

"Papa naman, ang aga pa." Sabi ko. Ngunit makulit si papa. Kaya ayun nawala ang antok ko.

KS#2: Three Pieces (COMPLETED)✔Where stories live. Discover now