KABANATA I

1.2K 21 0
                                    

KABANATA I

Hindi ako halos makatulog. Hanggang tanghali ay hindi ako tumayo sa sahig at kahit kumain ay hindi ko magawa. Nakatulala lang ako sa kisame. Bakit ang rush niya? Diba kapag nasa bukid ay parang mahinhin kamo? Bakit siya hindi?

Tapos parang sanay na ang gago? Wait. Ano nga iyong nagawa niya? Hinalikan niya ako! My first kiss! He took it from me! Walanghiya!

"Joy! Gumising ka na diyan. Tanghaling tapat hindi ka pa kakain?" Sigaw ni papa. I rolled my eyes. Bakit ba epal niya? Pagod kaya ako. Sana nga hindi na ako magtrabaho doon. Sana nga hindi na ako bumalik. Baka makita ko na naman siya e. Tapos halikan niya ako ulit. My god. Bakit uminit ang mukha ko?

"Oo na papa! Gising na po ako." Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Baka manermon na naman si papa. Nagulat ako nang may bisita si Tita. Nasa sala siya at prenteng nakaupo sa kawayan na upuan. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Shit. Nakashort na shorts ako at sando! Agad akong bumalik sa loob ng kwarto. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Grabe, bakit ganoon siya makatingin sa akin?

Nagbihis kaagad ako. Isang simpleng shirt at leggings. Lumabas ako at hindi na lamang pinansin ang taong may gawa sa hindi ko pagtulog sa madaling araw. Dinig ko ang boses ni papa sa kusina.

"Timay, mag-iingat ka ha?" Bilin ni Tita kay Timay. I glanced at my cousin. Nangiti ito. Tiningnan ko naman si papa na ngayon ay kumakain ng tanghalian. I sighed. Masarap siguro ang monggos na niluto ni Tita. Umupo ako dahil naramdaman ko ang gutom.

"Oh, nandiyan ka na pala, Joy. Samahan mo na si Timay. Wala akong tiwala sa mga kasama niya, pero hindi kasama diyan si Senyorito."
Nawalan ako ng ganang kumain. What the... Huwag mong sabihin na sasama ako kay Timay tapos iyong taong nasa sala? What the fudge.

"Pero Tita, pagod pa po ako. Kailangan ko po magpahinga." Malumanay kong sabi. I looked at her. She frowned.

"Edi walang kasama si Timay. Hays, sino ba dapat ang isasama ko sa kanya?" Nagpaparinig ata si Tita sa akin. I closed my eyes.

"Ikaw na lang Joy. Wala kang kasama dito kapag dito ka magpapahinga. Huwag kang mag-alala. Doon lang naman sila sa rancho." Napabuntong hininga ako sa sinabi ni papa. Basta si papa na, nakakainis.

"Sige," medyo may diin ito.

Hindi na ako nag-abala pang magbihis. Nasa ibang purok daw kami sabi sa akin ni Timay. Nakasunod lang ako sa kanila. My cousin said to me na may kubo daw doon kaya pwede daw akong matulog. Tangina niya, hindi ako makatulog kapag nakikita ko ang lalaking iyan. Nakakaputsa talaga.

Nag-uusap sila ng pinsan ko ngayon. Ako naman ay nakatingin lang sa paligid. Ang ganda naman kasi. Ito daw ang isang lupain ni Senyorito. Hindi na lang ako umimik. Ang yaman naman talaga. Ang laki ng lupa tapos hindi gaanong mabahay. Gusto ko ng ganito iyong tahimik tapos presko.

"Ikaw, pinsan, saan ka mag-aaral? Diba doon ka sa Cagayan de Oro City nakatira?" Napatingin ako sa kanila. Sinulyapan ako ni Senyorito at lihim akong napaiwas.

"Ah oo. Bakit mo naman tinanong iyan, couz?" I asked him.

"Nagtatanong si Senyorito, doon din siya sa Cagayan nag-aaral." Napraning naman ako. Hindi nga? Akala ko sa US siya nag-aaral? Ang galing sa Ingles e. Pero bakit nga si Timay ang nagtatanong e si Senyorito dapat.

"Iyong nasa harap ng Limketkai po." Sabi ko na lang. Nakita kong napaiwas si Senyorito.

"Ay, sayang naman pinsan, sa X.U siya nag-aaral e." Tumango na lang ako. Mayaman nga diba? Naglakad pa kami papunta sa kung saan. Parang kailangan ko ng pahinga talaga. Ang sakit na ng paa ko.

KS#2: Three Pieces (COMPLETED)✔Where stories live. Discover now