KABANATA VIII

798 15 0
                                    

KABANATA VIII

NAGpapasalamat ako nang tinanggap lahat ng blue prints ni Mrs. Montemayor. Sa ngayon ay nandito ako sa bahay na kailangang e-repair at dapat ay nandito ako para maging guide sa pagconstruct.

"Ang ganda mo naman, Mam. Anong pangalan po ninyo?" Isang lalaki ang nagtanong sa akin na sa tantya ko ay nasa kinse anyos ito.

"Genesis."
Napangisi siya.

"Ang ganda din ng pangalan mo, Mam. Kasing ganda niyo." Napakamot siya sa batok.

"Hoy! Estong! Dito ka! Huwag kang papa- cute kay Mam Saurez."
Napasimangot ang bata. Kahit tinatago ko ang aking sarili, hindi ko mapigilang tumawa.

"Naku, Mam. Baka na-offend po kayo sa akin. Si Mang Tadu talaga. Sige, Mam, Genesis. Alis na po ako."
Tumango ako doon. Lumapit si Engr. Gomez.

"Kumain muna tayo, Genesis. Mamaya na tayong magtrabaho."
Napangiti ako ng tipid. Ramdam ko na iba ang pakay sa akin ni Engr. Gomez.

At kanina pa ako naiirita sa dalawang tao na nangangabayo sa likod namin. Oo na, ako na ang bitter.

"Kanina ka pa hindi makangiti sa iba, may problema ka ba, Genesis?"

"Wala naman, Engr. Gomez." Sabi ko dito.
Nanliit ang kanyang mga mata sa akin.

"Ano ka ba naman? Tigilan mo na nga ang kaka-pormal mo sa akin, Genesis? Cut it off."
I rolled my eyes but of course I hid it.

"Tell me about yourself, Gen."
I looked at him. Kung nandito ako para sa karapatan namin, gagawin ko pero ang makipagkwentuhan sa lalaking ito na wala naman akong gusto, hindi na ako mag-uumpisa pang makitungo dito. Trabaho lang ang pakay ko dito. Wala na.

"If this is for the business and work, Engr. Gomez, I am whole heartedly giving my time for this if not then cut it off too, Engr. Gomez." Napangisi siya. Kung nafefeel niyang nacha-challenge siya sa akin. Wala siyang makukuha.

Sumeryoso siya at tumingin sa ibang lugar. Siguro napikon na. Kaya napatayo ako at bumalik sa trabaho.

I looked at the other land. Nararamdaman kong iyon ay pagmamay-ari namin. Ramdam ko iyon.

"Mam, gusto niyo po bang e-tour ko kayo? Maganda po doon oh." Tinuro niya ang tiningnan ko kanina. Yeah, it is fucking beautiful.

"Salamat. But I can handle it for myself." Napangiti si Estong sa akin. Buong araw akong nairita sa lambingan ni Sancho at ang babae niya.

"Gusto mo bang sumama sa akin, Genesis? May kainan sa bahay ni Mang Tadu."
Gusto kong ibaling sa iba ang aking isipan para naman marelaks ako.

Kaya tumango ako at sumama kay Frajik.

Gaya ng handaan na typical lang, iyong gamit ang kamay at magiliw na nagkwentuhan sa mga tao ang nadatnan ko.

"Masarap 'to hija." Nagulat ako nang si Nanay Mel ang nakita ko. Pati rin siya, dahil nanlaki ang kanyang mga mata.

"Diyos ko! Ikaw ba 'yan, Joy? Ang ganda mo na, hija!" Napangiti ako.

"Naku, ang ganda-ganda mo na! Trudes! Ikuha mo ako ng mabasag na pinggan diyan!"

"Naku! Huwag na po, Nanay Mel. Gusto ko po itong platong may dahon sa saging."

"Ano ka ba, hija. Huwag ka ng mahiya!"

"Hindi, hindi po. Okay na po ako dito."
Agad akong nagsalin ng kanin at adobong manok na alam kong bisayang manok ang gamit nila tapos lechon na baboy.

"Hindi ko akalain na bumalik ka dito, hija." Kwento kaagad ni Nanay Mel ang nangyari mula noong umalis kami dito.

"Naku, hindi ko talaga alam kung bakit naging tahimik na ang mansion, hija. Pero sa ganyang ayos mo, alam kong may magandang trabaho ka na."
Tumango ako doon.

KS#2: Three Pieces (COMPLETED)✔Where stories live. Discover now