KABANATA XIV

734 16 0
                                    

KABANATA XIV

NANINIWALA  na talaga ako na 'Everything happens for a reason'. Tama ang sinabi sa akin ni Eugene. Na kahit anong sakit at puot sa puso niya na nagkaroon siya ng anak kahit resulta iyon sa rape ay walang ng mas tutumbas pa sa kanyang kasiyahan kapag nakita at naramdaman mo lang ang kanilang presensya. That was me. Kagaya ni Eugene ay masaya ako dahil sinilang ko ang pinakagwapong bata na nasa tabi ko ngayon.

Napapaiyak na lang ako sa aking nagawa noon. Pero nang makita ko lang ang ngiti ng anak ko ay wala ng mas hihigit pa.

My whole family didn't know about my son. Only Sandro knows it. Kahit maikli lang ang pinagsamahan namin ni Sandro ay nandiyan pa rin siya para tulungan ako.

Nalaman ko na rin na pumunta siya sa America para makita si Tita Eden at si Timay. Masaya ako na ngayon ay kapiling na niya sina Tita Eden at Timay.

Sa ngayon, masaya akong nakikitang lumalago ang negosyo ni papa. Kahit isa sa isang buwan ako umuuwi sa Pilipinas. Nasa Greece pa rin ako. Kasama si Tito Harold at si Kleo Mark. Hindi ko akalain na natanggap ako bilang isang permanent designer ng mga buildings structure.

Sa sobrang tuwa ko ay nalaman ni mama at papa pati ang kapatid ko na may posisyon na ako rito sa Greece. They know about my job, place and food but not my only treasure. Hebrews Gyrion Saurez.

He's my life. I am afraid that someday my son and his father will cross their path. I am not ready yet.

Alam ko kung ano ang gagawin ni Sancho. Alam ko na may kapangyarihan siyang kunin ang anak ko. Dahil hindi ko naman maitatago na hindi sa kanya ang bata dahil kamukhang-kamukha niya naman. Kung may pinagsisihan man ako ay iyong sinabi ko sa aking sarili na tanga ako.

Kahit naman tanga ako sa panahong nasa tabi ko pa si Sancho hindi ko naman pinagsisihan na may isang anak ako na sobrang talino at mabait.

Wala na akong hinahangad pa kundi makasama ng mas matagal si Hebrews Gyrion Saurez.

🌼      🌼       🌼

"Take all this, Genesis. We'll have to prepare all the papers. We shouldn't stay calm and tune while our enemies thinking about us to break down." seryosong wika ni Harold sa akin. Tumango ako sa kanya. Kumunot naman ang kanyang nuo nang may nakita siyang isang papel sa ilalim ng libro sa mesa.

"What's this?" he wondered. Hinayaan ko siyang basahin ang sticky note. Napaluha kaagad siya at tiningnan ako.

He smiled. "I'm so happy, Genesis. My son is ready to meet me inside his condo right after three in the afternoon. At last, he gave me this chance to prove myself again." napangiti ako sa kanya.

Tinapik ko naman ang kanyang likod at tinulungan ko kaagad siya para maaga siyang matapos. Knowing Sandro, he really hates his father. I don't know why. Kahit hanggang ngayon ay wala pa rin akong alam sa nakaraan.

I wish I could talk to my father about the long years has been passed. Pero wala akong lakas ng loob dahil hanggang ngayon hindi pa rin kasi kami nagkikibuan. Kahit na lumago at bumili ng lupa si papa sa Bukidnon. Iyon naman talaga ang pangarap niya bukod sa makapagtapos kami ng pag-aaral ni Gorgon.

"Tell my words to Sandro, Tito Harold. I'm glad Sandro did that. At least he's now good to sent you this sticky note." sabi ko kay Tito Harold habang hinihiwalay ko ang mga papel sa mesa. Kumakalat na kasi at sobrang tambak pa.

KS#2: Three Pieces (COMPLETED)✔Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα