KABANATA V

975 27 0
                                    

KABANATA V

Ngiting hindi mapapantay ng kanino man dahil sa wakas natanggap ko na din ang inaasam kong diploma. Saya at kagalakan ang nararamdaman ko. Buong puso kong tinanggap lahat ng hamon at kahit nahihirapan ako, sugod parin nang sugod.

"Sa wakas anak! Nakagraduate ka na!"
Saad ni mama. Silang lahat nakangiti. Napaiyak na nga si mama. Sa huli dinamay na ako ng aking ina at ama.

"Grabe naman, gutom na ako." Natigilan kaming tatlo ni papa at mama. Tumawa nang bahagya si papa at sinamahan si Gorgon.

"Kung pwede sana anak, doon ka mag-apply ng trabaho sa ibang bansa. Mas malaki ang sahod doon." Ani ng aking ina.

"Tapos, mas malaki ang oppurtunity, ate." Tumango si papa doon. Ako naman ay pasubo. Kakagraduate ko lang, iyon agad ang nasa isip nila? Oo nga naman, ang hirap ng buhay. Naiintindihan ko rin sina mama at papa.

Matapos kaming kumain sa labas pinayagan ako ng mga magulang ko na makasama ang mga barkada. Minsan lang naman daw. Kaya tuloy nandito kami sa isang tea shop sa divisoria.

"Hindi ko na nakita si Daryl. Kumusta na kaya siya?" Naitanong ni Stef habang malungkot ang mukhang kakainom lang ng hot chocolate.
Nalulungkot parin ako. Pero active naman talaga si Daryl Casta sa messenger kaya wala namang problema doon.

"Teka, ngayong buwang ba kamo ang on the training niyo?" Tanong ko sa kanila. Tumango silang lahat. Konti lang kami. Sina Eugene, Adina, Stef, Seth, Rhiel at si Ysmael. Silang lahat kasi ay mag-lilimang taon bago makagraduate. Hindi naman talaga madali ang Engineering na course.

"Oo nga pala, malapit na ang birthday ng anak ni Nikola."
Napangiti kaming lahat. Oo nga pala, kumusta na kaya si Nikola?

"Hays, nakakainit ng ulo ang ama ng bata. Tinatakasan ba naman si Nikola." Matigas ang tuno ni Ysmael.
Medyo alinlangan akong tumango. Totoo naman kasi. Sinong hindi maiirita doon? Kaya bilib din ako kay Nikola dahil kahit nabuntis na siya, nagsusumikap pa rin siyang magtapos ng pag-aaral.

"Kaya tayo guys, susuportahan natin si Nikola. Dahil alam ko na nahihiya na siya sa atin." Malungkot akong tumango sa sinabi ni Seth.
Dama ko ang lungkot din ng mga kaibigan ko. Lumalayo na kasi si Nikola. Tapos hindi na namin nakakasama si Hunter. Lagi kasi siyang nagpapractice para sa tournament. Baka nga isang araw doon na siya sa America maglalaro ng basketball.

"Huwag na muna natin pag-isapan iyan. Ang tanong, saan ka magtatrabaho, Genesis?"
Nakangiting sabi ni Rhiel. Napatingin si Adina doon. Napataas ang kilay ni Stef. Kinabahan ako.

"Ah eh. Wala pa akong alam diyan." Agaran kong sabi. Silang lahat natameme.

"Anong wala kang plano?" Mabilis na sinabi sa akin ni Eugene.
Napailing kaagad ako.

"Ano, hindi sa wala akong plano. Meron no. Pero hindi ko pa kaya, you know. I want to rest for a while." Ngiti ko pa sa kanila. Nagdadalawang isip si Stef kung iiniom ba siya sa kanyang mainit na tsokolate. Mukhang may malalim siyang iniisip.

"Guys..." Si Stef. Napatingin na kaming lahat sa kanya.

"I... I mean mom told me to stay away from all of you." Nagulat kami doon kaya halos hindi ako makahinga man lang. Alam ko kung gaano ka strict ang mama ni Stef pero hindi naman aabot sa ganito.

"Bakit? Dahil ba wala na si Daryl dito?" Napatanong kaagad ako. Medyo napayuko si Stef.

Tanging si Daryl Casta lang talaga ang inaasahan ni Tita Cedes.

"Pero kapag ba bumalik si Daryl? Pwede ka nang makipagkita sa amin?" She then smiled at us.

"Of course. Medyo napapa-paranoid na si mommy." I smiled a little for that. Kahit ako nga rin malulungkot doon.

KS#2: Three Pieces (COMPLETED)✔Where stories live. Discover now