KABANATA XVIII

712 14 0
                                    

KABANATA XVIII

EVERYTHING is blurry. I don't know, is it because I am afraid? Too much fear can lead you this way? Is it too much? Ni hindi ko naramdaman na nandiyan ang mga kaibigan ko. All I wanna do is to embrace my child and no matter what happens, I am here beside him.

"Umalis na muna tayo," rinig kong wika ni Seth. Mukhang sumang-ayon sa kanya ang barkada dahil huling narinig ko lamang ay ang pagsara ng pinto.

"Mama, milk. Please..." aniya. Napabuntong hininga ako. Tatayo na sana at magpaalam kay Brews na magtitimpla lang ako nang mahagip ko ang bultong katawan ni Daryl Casta.

"Ako na, ilang scoop ba?" nagulat ako. Akala ko lahat sila ay nasa labas ng silid. Bakit siya nandito?

"Sige na, mukhang gusto pang matulog ang anak mo." aniya. I took a deep breath.

"Four scoops, sa level three ang tubig. Salamat." tumango ito at lumabas. Nakahiga na ngayon si Brews at mahigpit na niyakap ang kanyang teddy bear.

Hindi naman nagtagal si Daryl at agad niyang binigay sa akin ang milk bottle. Binigay ko kay Brews at saka ako kumanta kasabay ng pagtapik ng kanyang pwet.

Isang mahabang katahimikan nang makatulog na talaga si Brews. Nasa gilid lang si Daryl habang minamasdan si Brews. Blanko lang ang kanyang ekspresyon. Naalala ko noon kung gaano siya kagalit kay Yvo dahil sa natamo ni Eugene. It was scarry seeing her innocence face turning furious and onerous.

"I left you pregnant in Greece, am I?" she asked me. Kinabahan ako sa kanya. Kalmado lamang siya pero kahit ilang taon na kaming magkakaibigan ay hindi namin kailanman nababasa si Daryl Casta.

"Y-Yes." tugon ko sa kanya. She took a deep breath tapos umalis kaagad sa aking harapan. Iniwan niya ako sa silid. Napalunok ako. Hinalikan ko muna sa nuo si Brews bago ako lumabas ng kwarto.

Bumungad sa akin ang mga mata nila na nagtatanong. I sighed.

"Nak, kina Aling Vona muna ako, isasama ko na lamang si Gorgon." aniya. Tumango ako. Nang umalis sina mama ay ni isa walang nagsalita.

Napagdesisyon ko na ako na lamang ang magsalita at sabihin sa kanila ang totoong tinago ko ng ilang taon.

"He's my son. Pinanganak ko siya sa Greece. His name is Hebrews Gyrion Saurez. I am so sorry na hindi ko kaagad sinabi sa inyo. Sana mapatawad niyo ako. Ngayon lang din nalaman ng mga magulang ko." napayuko ako at napapikit na lamang.

"Wala kaming alam na may kinakasama ka, Genesis. Iyon bang lalaki na humahabol sayo noong college pa tayo? Kamukha niya kasi ang bata." wika ni Stef at tumingin kay Daryl.

Kumunot naman ang nuo ni Ysmael. Lalo na si Rhiel.

"Teka lang, wala akong alam diyan." wika ni Hunter habang kumakain ng salad.

Si Seth naman ay tahimik lamang. Parang nag-iisip. Nakita long umiiyak si Eugene na inaalo naman ni Rhiel.

"Anong nangyari? Ang alam ko ay kinasal na iyon. Sobrang yaman ng lalaki, Genesis. Bongga nga iyong kasalan nila ng babae nito." balewalang saad ni Stef. Napaupo ako sa sofa paharap sa kanila.

Naninikip na ang puso ko. Ako lang ata ang walang alam na kinasal na si Sancho.

"Hector Sancho Montemayor!" nanlaki ang mga mata nila nang binigkas ni Ysmael ang pangalan ng ama ng anak ko.

"What the hell!"

"What the fuck!" sabay na mura ni Hunter at Rhiel.

"Kilala ko iyan, siya iyong tinuguriang magaling sa negosyo, lalo na sa agriculture na field. Paano ka nainvolve sa buhay niya, Genesis?" takang tanong ni Ysmael sa akin.

KS#2: Three Pieces (COMPLETED)✔Where stories live. Discover now