KABANATA VII

801 14 0
                                    

KABANATA VII

ISANG taon ang lumipas at naging maganda ang takbo ng negosyo ni papa. Lahat ng mga gulay at iba pang produkto ay naibenta namin. Tumutulong na ako kay papa at mama habang si Gorgon naman ay masipag na nag-aaral sa eskwelahan na dito rin sa Cagayan.

"Anak, kailan ang punta mo sa France?" Tanong ni mama sa akin. Napangiti ako at hinawi ang buhok ko na natatabunan ang paningin.

"Ano, tatlong araw mula ngayon, ma. Huwag po kayong mag-alala dahil may kakilala naman ako doon."

"Mag-iingat ka doon, anak. Ito, ilagay mo diyan sa malaking bangko." Sinunod ko si mama at nakikita ko si papa na magiliw na nakikipagkwentuhan sa mga tao.

Naging maganda ang negosyo magmula noong nabili ni papa ang lupa dito sa El Salvador. Hindi naman gaano kalaki pero nakakatulong ito.

"Tumawag nga pala si Eugene. Pumunta nga iyon isang araw. Ngayon ko lang naalala, anak. Pasensya na."
Umiling kaagad ako at agad na hinalikan ang pisngi ni mama.

"Naku, ma. Huwag kang mag-aalala dahil nakausap ko na si Eugene. Sa Manila niya gustong magtrabaho. Agad siyang nakuha doon."

"Talaga? Aba'y maganda iyan. Pero ano ang trabaho niya doon?"

"Hindi ko pa po alam, pero tutulong po kami kay Eugene."
Napangiti si mama at uminom ng tubig.

"Sikat na pala iyong kaibigan mong mukhang rockstar, pakisabi sa kanya na pumunta naman siya dito sa Cagayan at dito magconcert."
Napailing ako doon.

"Naku man, huwag na. Busy palagi si Rhiel. At lalong hindi na kami nagkikitang magkakaibigan."

"Hays, habang tumatagal lalong lumalago ang mga kaibigan mo anak. Ikaw rin, ngayon isa kanang mahusay na designer sa website. Sana magkakaroon ka ng sarili mong kompanya."
I smiled a bit.

I want to have a company but I want to finish also Architecture. Hindi ito alam nila mama at papa na malapit na akong gagraduate ng Architecture. Ang alam nila ay may trabaho ako. Pero sa likod ng pangyayari nag-aaral ako at part time at the same time.

"Sige na anak, dalhin mo na ito at para makabalik ka sa bahay."

Tumango ako. Iba na rin ang tirahan namin. Noon ay nasa Gusa kami pero ngayon dito na sa El Salvador.

"Anak, ikuha mo din ako nang malamig na tubig."
"Opo, ma."
Natatawa akong umalis doon. Hindi ko na rin alam kung saan ako tutungo sa mga desisyon ko sa buhay.

Pero hindi parin naman mawawala ang pangalan ng mga Montemayor sa lipunan. Batid kong galit parin si papa sa kanila pero hindi lang ipinapakita ni papa.

Hanggang ngayon ay malaking question parin sa akin kung bakit ganoon ang nangyari.

Isang gabi nang halos tulog na ang lahat nang lumapit si papa sa akin noong ginagawa ko ang project ko. Itinago ko kaagad iyon. Napangiti ako ng kusa kay papa.

"Anak, gabi na. Matulog ka na." Napangiti ako ng tudo doon.

"Mauna na po kayo, pa. Matutulog rin ako."
I closed my laptop. Baka makita niya ang gawa kong bahay at mga gusali.

"Anak, may sasabihin ako."
Napatingin ako kay papa. Bumuo ang taka at takot sa aking puso.

Umupo si papa at humarap sa akin. Nasa study table ako sa sala. At tulog na si mama at Gorgon.

"Alam kong mahirap gawin ito, anak. Pero gusto kong malaman mo na hindi ko ito ginagawa para masaktan ka at makitang wasak ang pamilya natin."

"Anong ibig niyong sabihin sa akin, pa?"

KS#2: Three Pieces (COMPLETED)✔Where stories live. Discover now