KABANATA III

1.1K 24 0
                                    

KABANATA III

"GENESIS!" Bungad sa akin ni Adina. Tumalon siya tapos niyakap niya ako. Its been years since I left the place.

"Grabe! Malapit na tayong grumaduate! Nasaan si Seth?" Tanong niya. Tinuro ko ang cashier. Umupo siya at tumabi sa akin. Kasama ko lang si Seth pagkatapos nito ay uuwi na ako.

"Sis, may laro daw sa X.U laban sa team ng school natin. Punta tayo. Nandoon kasi si Hunter. Supurtahan natin siya." Masaya siya pero ako hindi. Hindi ko kayang pumunta doon sa XU. Last time I got there ay binisita ko si Kroes ay doon naman siya nag-aaral.

"Tapos bibisitahin natin si Kroes doon." Ngumiti lang ako tapos kinain ang tinapay na may hotdog.

"Oh! Bakla nandiyan ka pala!" Hindi ko namalayan na nasa harapan na namin si Seth. Umupo siya tapos lumapit si Adina para yakapin ito.

"Punta tayo ng X.U. Laro ngayon ni Hunter. He texted me na pupunta tayo. Di bale, kung manalo sila ay treat niya snack natin."
Nakikinig lang ako sa kanila. Hindi ako makatingin nang deritso kay Seth dahil iniisip ko na kung pupunta kami baka magkita kami ulit. Doon pa naman siya nag-aaral. Rich kid nga e.

"Isama nating buong barkada." Sabi pa ni Adina. Ininom ko ang softdrinks.

"Sige, sabihin mo sa kanila na mamaya ay pupunta tayong X.U." I sighed. Tiningnan ko si Seth pero sa ngayon ay nakatingin ito sa akin. Binabasa niya ako. Pero hindi ako nagpakita ng kahit emosyon.

SUMAMA nga ako sa kanila. Hindi na ganoon kahigpit si papa sa akin. Basta ba'y magtetext ako sa kanya kung nasaan ako. Kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Nakapasok kami sa X.U ngunit isa-isa kaming binilin ang ID tapos saka kami pumasok. Madami palang mga tao sa loob ng gym. Nakatingin lang ako sa paligid. Nagmamasid. Pero nahinto iyon nang magsalita si Daryl.

"Anong tinitingnan mo, Genesis? Walang guwapo dito maliban doon sa baba na kalaban nila Hunter."
Napalingon ako doon at nanlaki pa ang mata ko. Malapit lang kasi kami sa bench. Tapos kinabahan ako nang nakatingin ito sa - - - akin.

"Bakit dito siya nakatingin, sis?" Nagtanong pa si Daryl sa akin. Hindi ko siya sinagot tapos para makaiwas ay binuklat ko na lang ang notebook ko tapos nag-earphones na lamang. Kailangan kong mag-aral. Hindi iyong pag-ibig - pag-ibig ang pagtutuunan ko nang pansin. Ramdam ko iyong siko ni Daryl sa akin. Natapos na pala ang game kaya nilagay ko sa bag ang notebook. Hindi ko inalis ang earphones ko pero iyong isa ay inalis ko sa isang tenga.

"Grabe ka naman, sis. First game nanalo ang school natin pero hindi tiningnan ang game. Kita mo tuloy iyong laro, nakakathrill!" I sighed dahil sa sinabi ni Arnica. Hindi pala kami schoolmate. Ibang school siya.

"Oo nga, hindi mo ako sinupurtahan!" Nasa labas na kami tapos nakita ko siyang nakapunas sa mukha tapos kasama ang kanyang team. Nagulat ako nang umakbay si Hunter.

"Grabe ka naman sa akin, Genesis! Hindi mo tiningnan ang laro ko!" Nataranta ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Habang naglalakad kami papunta sa gate ng X.U ay hindi na ako makatingin sa kanya ng deritso. Para bang wala akong karapatan na tingnan siya. Nafefeel kong tinaksilan ko siya pero napakaOA naman ata.

"Sabay sabay na tayo guys." Sumakay kaagad kami sa dyep. Tahimik lang ako tapos binalik ang earphones para makinig na lamang sa music.

Malapit na naman ang summer. Maghahanap na naman ako kung saan ako pwedeng magtrabaho. Nakasanayan ko na talagang magtrabaho kapag summer na. Tapos makakabili na naman ako ng gamit sa opening.

Pagkaumaga ay maaga akong nagising tapos nagluto ng ulam. Hindi ko namalayan ang kapatid ko.

"Ate papasok ako mamaya, hindi ka ba sasabay sa akin?" Siguro magmomotor na naman siya.

KS#2: Three Pieces (COMPLETED)✔Where stories live. Discover now