KABANATA XXVI

803 13 0
                                    

"You've come so far. Don't throw it away."

KABANATA XXVI

NANG makarating kami sa lupain ng mga Montemayor ay naalala ko ang lahat noong high school pa lamang ako. Noong nagsummer job ako rito. I sighed. Kahit saang parte ng lugar ay magarbong tingnan. Kahit nga mga bulaklak ay matatakot kang hawakan ang mga ito. Mas mahal pa kasi ito sa mga sapatos kong binili ko lang sa ukay-ukay.

"Welcome back, Ligaya." aniya. Nabigla ako nang sinabi niya iyon. Ngumiti lamang siya sa akin.

Naalala ko noong unang kita ko sa kanya noong nasa labas ako ng kusina, hinalikan niya pa nga ako. Sinabi niya rin sa akin iyan. Tinawag niya ako ng Ligaya.

Hinawakan niya ang aking kamay. Habang hawak niya iyon ay ginabayan niya ako sa pagpasok ng kanilang mansyon. Nalula ako sa malaki, maaliwalas, magarbo at pangmayamang mga kagamitan.

Kung may naiba man sa mansyon, iyon ay ang kagamitan. Iyon lang.

"Hector!" narinig kong may tumawag kay Sancho. Napalunok ako nang makilala ko iyon. Si Nanay Mel.

"Naku, hijo. Salamat sa Diyos at nakauwi ka na rin!" aniya. Nabigla ata siya nang may kasama si Sancho dahil nanlalaki ang kanyang mga matang nakaringin sa amin ni Brews.

"Diyos ko! Ikas ba iyan, Joy?" napangiti ako kay Nanay Mel. Nahihiya akl sa kanya. Bigla ay tumingin siya kay Brews. Tumago naman si Brews nang tumingin si Nanay Mel.

Natatawa naman si Nanay Mel. Napalunok ako at pinaharap si Brews.

"Nanay Mel, si Brews po." sabi ko. Ngumiti naman ng tudo si Nanay Mel. Nagtataka ako kung bakit masayang-masaya siya.

"Naku! Nakakatuwang makitang nagkatuluyan kayong dalawa! Sige na Hector, ipasok mo na ang mag-ina mo. Ihahanda ko pa ang pagkain." ani Nanay Mel. Nagpaalam siya na pumunta sa kusina. Si Brews naman ay lumipat sa kanyang ama. Natutuwa ako sa kanya.

"Puntahan muna natin ang garden ni Mom. Baka nandoon sila ni Dad." aniya. Sa pagbanggit niya ng kanyang parents ay bigla akong kinabahan ulit.

"Don't worry, okay?" aniya. Peke akong ngumiti sa kanya. Hinayaan ko siyanh gabayan kami ni Brews papunta sa garden.

Kung namangha ako kanina sa labas at loob ng bahay, mas lalo na sa garden. Para akong nasa paraiso. Nakakamangha talaga. Gusto ko tuloy makipicture rito. Mas maganda talaga ang kuha ko rito.

"Hector! Son!" natauhan ako nang may tumawag na naman kay Sancho. Napasinghap ako sa gulat. Bumilis ang tibok ng puso ko. Sa sobrang bilis ay gusto ko na lamang na umalis.

"Son, at last you came home." napayuko ako ng konti at hinayaan si Sancho na yakapin ng kanyang ina. Napangiti naman ako ng tipid sa ama ni Sancho.

"When you said to me yesterday that you'll going home I suddenly called Ysoff for the flight." ani ng kanyang ama.

"Mom, Dad," napalunok ako sa pagsalita ni Sancho.

"Meet Genesis Joy Suarez Montemayor, my wife and my son, Hebrews Gyrion Suarez Montemayor." aniya. Nagulat ako sa kanyang sinabi. Nanlalaki ang mga mata ko.

Kailan pa naging Montemayor ang apelyido ni Brews?

"Hi, Genesis. It's nice to meet you again. Welcome to our family." nabigla ako sa pagyakap ng ina ni Sancho. Sobrang higpit nito na parang nangungulila siya sa akin.

"Alright, we'll gonna have some lunch today. Come on, love" ani ng ama ni Sancho sa ina nito.

"Papa," tawag ni Brews kay Sancho. Malambing namang ngumiti si Sancho kay Brews.

KS#2: Three Pieces (COMPLETED)✔Where stories live. Discover now