"Bakit kami lang hindi ka sasama?"-tanong ko kay maria

"Hindi nga ako sasama sa anniversary nila Eduardo."-sagot naman ni Maria

"Ang ibig kong sabihin hindi ka sasama sa amin tumulong dito? Wala akong pakialam sayo kung sasama ka o hindi sa anniversary nila Eduardo."-sagot ko kay Maria

"Ang sama nito."-komento ni Nicole sa sinabi ko

"Kaya niyo na yan."-sabi ni Maria akmang aalis na sana siya ng akbayan ko siya

"Please samahan mo kami hindi namin to kaya lalo na hindi nakikipag cooperate yung dalawang unggoy."-pakikiusap ko kay Maria.

"Wow kapal ng pes!"-Nicole

"Nanay ka lang namin hoy! Kaya unggoy ka din."-Arianne

Tinarayan ko nalang yung komento nila.

"O siya sige na."-sagot naman ni Maria

"Thank you hindi mo talaga matanggihan yung dyosa."-sagot ko kay Maria. Binatuhan lang ako nila Nicole ng kinakain nilang Oishi mga walang hiyang to.

Maria Pov

Kanina pa akong tahimik dito sa upuan ko nakikinig sa tinatalakay ni Maam pero hindi ko lang alam bakit nagtatawanan yung mga kaklase ko habang nagtatalakay si Ma'am tungkol lang naman sa stitches yung pinaguusapan namin kung sasabihin ni Ma'am yung malaking butas daw ng karayom may iba't-ibang klase daw may maliit at malaki at kung sakaling magtahi ka kailangan daw ng karayom mo ay mataba matalas.

Lalo na yung sinabi ni Maam na ipapasok daw yung sinulid sa karayom at kung hindi daw ito mapasok kailangan dilaan mo muna ito. Lakas ng mga tawanan nila lalo na yung katabi ko si Panahon may pahampas-hampas pa siya sa desk na aksidente ngang nahampas niya yung kamay ko ito tuloy hawak-hawak ko yung kamay na hinampas niya pulang-pula.

Lalo nang hindi ko alam kung anong pinagtatawanan nila mapa babae din tumatawa except lang kay Daisy(nerd) tumingin naman ako sa direksyon nila Arianne at ayun nga tawa sila ng tawa lalo na si Eduardo nadako naman yung mga mata ko kay yohan na pasikretong tumatawa ay mali ngumiti basta di ko alam nakakalito habang nakatakip yung likod ng palad niya sa bibig.

(Ang gwapo niya pala kung tumatawa) ano ba tong iniisip ko. Buti pa sila na gegets nila yung tinatawanan ng mga kaklase samantalang ako hindi pero naiintindihan ko naman yun sinasabi ni Ma'am dahil ayun talaga yung ginagawa namin kung sakaling nagtatahi siya ayun din naman ginagawa ko noong elementary ako pinagtahi din kami noon naalala ko pang pinagtripan kong tinahi yung butas na brief ni kuya Blake.

Nakita ko namang pinipigilan ni Kyle na tumawa kaya lumapit ako medyo sa kanya saka bumulong.

"Ano....yung pinagtatawanan nila?"-tanong ko kay Kyle. Nakita ko namang tumingin sakin si Kyle saka bumulong din.

"Wag mo nalang sila pansinin..."

"Bakit alam mo ba yung pinagtatawanan nila?"-bulong na tanong ko muli sa kanya.

"Lalaki din naman ako maria at naiintindihan ko yun."-bulog naman sakin ni Kyle napatingin naman ako sa kanya

"Kung tungkol yun sa mga lalaki yung pinagtatawanan nila bakit yung mga babae tumatawa din?"-tanong ko ano ba kasi yung pinagtatawanan nila bakit hindi na lang kasi ako diretsuhin ni Kyle. Hinawakan naman ni Kyle yung aking balikat saka nagsalita.

"Napaka-inosente mo pa para malaman yan Maria."-sagot sakin ni Kyle agad ko namang tinanggal yung kamay niya sa balikat ko... Bakit niya ba kasi hinawakan baka mamaya may makakita samin mahirap na baka malagay ako sa panganib.

Saka inosente ang alam ko saming magkakaibigan si Nicole yung pinaka inosente ahh baka siguro nakikitawa lang...ngumiti na lamang ako kay Kyle nginitian niya din naman ako pabalik.

Canteen

Nandito kami sa canteen kumakain kasama ko sila kyle yung ka grupo ko sa projects hindi muna ako sumabay sa mga kaibigan ko dahil inaya nila ako sila na pala nagsasabay kumain sumasama din naman pala sa kanila si Panahon.

"Buti naman sumabay ka samin kumain."-masayang sabi ni Daisy sakin ngumiti lamang ako sa kanya.

"Naman. Belong na yan sa pagkakaibigan natin."-mayabang na sabi ni Panahon.

"Sinong nagsabi na magkakaibigan na tayo."-sagot naman ni Wilbert(bakla)

"Kami lang hindi ka kasama sabat to ng sabat."-sabi ni Panahon saka kumain. Tinarayan na lamang yun ni Wilbert

"Kyle ano ba yung pinagtatawanan ninyo kanina."-tanong ni Daisy kay Kyle...

"Same situation tayo daisy tinanong ko din kay kyle kanina kaso hindi niya sakin sinabi madamot."-sabi ko saka nagpout. Nakita ko naman sa gilid ng aking mata na natawa si kyle. Himala tumatawa pala siya.

"Alam mo mga expert lang makakaalam nun."-sabi ni Panahon saka inakbayan si Daisy

"Expert saan?"-seryosong sagot ni Daisy saka tinanggal yung pagkakaabay sa kanya. Hindi naman na sumagot si Panahon.

Pinagpatuloy na lang namin yung pagkain, hanggang sa makarinig kami ng malakas na tawanan sa kabilang table pamilyar sakin yung tawang yun kaya nilingon ko ito sabi na eh kay Kristel tawang yun at naghaharutan sila kung ano lang mga pinaggagawa nila.

"Ang iingay talaga nila kahit kailan."-narinig kong sabi ni Wilbert habang nakatingin sa mga kaibigan ko. Tinarayan ko na lang ito saka tumingin sa mga kaibigan kong tumatawa.

(Masaya pala sila kahit wala ako.)

Arianne Pov

"Uuwi na kayo?"-tanong samin ni Eduardo

Sabay-sabay kaming lumabas ng school dahil ngayon daw kami maghahanap ng place kung saan gaganapin yung anniversary nila shy

"Oo saan pa ba kami pupunta."-sagot ni Kristel. Ngumiti na lamang samin si Eduardo saka nagpaalam na samin ng makalayo na siya saamin agad na kaming umalis sa school saka naghanap ilang oras din kaming naghanap ng pwedeng i rent namin para sa gaganapin na anniversary hanggang sa nakahanap na kami at nirentahan namin ito.







My High School Life (Completed)Where stories live. Discover now