Chapter 11: Well chosen

191 2 0
                                    

Abel's POV:

Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa sahig, pinilit kong tumayo at ramdam ko ang sakit ng ulo ko. Kinuha ko ang phone sa tabi ko, nakita kong 12:00 na at nagmadali na kong pumunta ng school para doon na lang ako kakain sa canteen. Nag-order ako ng carbonara at ice tea.

Sinubukan kong hanapin sina Leslie pati ang iba kong kaibigan kung saan sila nakapwesto pero hindi ko sila makita, dahil sa dami ng tao, hindi ko alam kung kanino ako makikiupo. Wala ng bakanteng upuan, kaya naisipan kong pumunta sa garden, kasi baka may makita akong pwedeng maupuan don, nakita kong nakaupo don si Saskia, sa isang semento ng bakod, kalikod na niya yung mga halaman don at nakitabi na ko.

"Hi." Binati ko siya para naman mawala yung katahimikan kahit konti, pero hindi man lang sumagot. "Okay, wala ba tayong masyadong activity or assignment?"

"Wala, nagsulat lang ng lecture." Dry na sagot niya.

"Napapansin ko na ginawa mo ng libangan yung garden, dito na muna ko kasi wala na kong maupuan tsaka hindi ko na rin makita yung mga friends ko, kaya wag ka munang mailang."

Tahimik kaming kumain at naiilang naman ako, kasi wala akong naririnig kundi yung mga kinakain namin, kaya kinalbit ko siya para mawala naman yung sobrang katahimikan kahit papano.

"So sanay ka na sa ganito?" pagtataka ko.

"Yeah, I mean matagal ng sanay."

"Jusko hindi ako makapaniwalang kahit ata mastranded tayo sa island, okay lang ata sayo."

Umiling siya. "Not like that..."

"Alam mo hindi ko alamm kung paano mo kayang sumuntok ng lalaki, iba kaya mga muscles nila sa'tin. Paano mo yon nagawa?"

"It takes a lot of time para magpractice na mag-boxing, martial-arts, street fighting and maging wise."

"Oh ganon pala yon, anyways gusto mong sumama, sa inuman."

"I don't think that's the good idea, hindi ako palainom."

"Sayang naman, gusto sana kitang isama pumunta kay Leslie, nag-text kasi siya sa'kin kahapon kaya mamayang gabi may inuman tsaka bilyaran, sayang you miss the fun."

Kahit sikuin ko pa siya, hindi ko parin siya nakombinsi na pumunta pero that's fine, kung ayaw niya edi wag.

Nung gabing yon, nasa bahay ako ni Leslie. Nakiinuman don at may bilyaran din kaya nag-enjoy ako na makasama sila ulit, sa ngayon hindi ako makapaniwalang bawing-bawi si Albert sa paglalaro kaya natalo niya ako sa bilyaran.

Ugh! Natalo nanaman ako, sh*t

"Wow 2 times in a row, siguro masyado ka atang distracted." Napansin agad ni Albert, sa ngayon ay natalo niya ako ng dalawang beses.

"Well, magaling naman ako, ikaw nga minsan ka lang manalo eh."

"Ikaw talaga Abel, siguro distracted ka ata masyado at iniisip mo siguro kung paano ka makakamove-on."

Napangisi ako sa sinabi niya. "Sa tingin mo yan talaga ang magiging distraction ko sa game..."

Kukunin ko pa ang isa pang bote ng alak at napatingin sa'kin si Leslie.

"Paano ka pa niyan makakauwi kung palaging iinom ka ng madami?"

"Hindi na yan problema sa'kin noh, besides hindi yan naging problema sa'kin."

"Hindi ba magagalit yung parents mo kasi gabing-gabi na eh, nag-aalala ako para sayo kasi baka paga---" hindi ko pinatapos magsalita si Albert.

"Please lang huwag na nating pag-usapan at hayaan mo na lang yung parents ko, gusto nila iyan at mas gusto ko dito at ganyan lang sila dahil sa tingin nila wala akong silbi, hindi ako matalino, da usual."

You've got meWhere stories live. Discover now