"Louise, okay ka lang? galing mo magjoke."

"Naaawa ako sa 'yo girl. Baka nauntog ka sa kung saan."

"Totoo naman ang sinasabi ko." Natatawa niyang sambit. "Mukha lang hindi dahil tumatawa ako pero totoo ang sinasabi ko. Masyadong mahaba kung ikukwento ko pa sa inyo ang lahat."

Pinunasan ni Min ae ang natapunang mesa. "Then make it short. Sa paraang maiintindihan namin."

Nagsalin siya ng ice tea at nilingon ang mga kasama. "Ipinaliwanag sa akin lahat ng goddess. Siya ang tumulong sa akin para maliwanagan ang lahat. Mahirap paniwalaan sa simula pero kung nakita niyo ang mga nasaksihan ko, maiintindihan niyo ko. Pakiramdam ko para pa ring panaginip ang lahat. Sinabi sa akin ng tagapagbantay na naipit ako sa oras noong nagtime travel ang isang time traveler noon kasama ako." Nilingon niya si Min ae at inilahad ang kanyang kamay. "Kukunin ko na nga pala ang kwintas sa 'yo."

"Kwintas? Wait. H'wag mong sabihin na nasa 'yo ang universal necklace?" Bulalas ni Angelu.

"Uh.. yeah?"

"Bakit hindi mo sinabi sa akin!?"

"Bakit hindi ka nagtanong?"

"Bakit alam ko ba?"

Inawat niya ang dalawang kaibigan at kinuha ang kwintas na ini-aabot sa kanya. "Pasensya na, Angelu. Hindi sa wala akong tiwala sa 'yo, mahirap kasi kung maraming makakaalam kung nasaan ang kwintas. Ako rin ang nagsabi kay Min ae na isikreto ang tungkol dito."

HAPON na nang umalis si Louise sa dorm ng mga kaibigan. Gamit ang kakayahan sa teleportasyon, tinungo niya ang daan pabalik sa palasyo. Tila ba umiwas ang hangin nang siya'y lumapag sa malawak na balkonahe ng palasyo. Napalingon siya sa kanyang kamay at sandaling napa-isip. Halos nakopya na niya lahat ng kakayahan ng kanyang mga kaibigan. Nagagawa na niya itong gamitin sa paraan na nanaisin niya maliban na lang sa kakayahan ni Lay na hindi pa niya nasusubukang gayahin.

It all happens in a blink of an eye. Napakalayo na ng narating niya. Simula sa isang normal na mundo, isang estudyante na napadpad sa kakaibang mundo, isang kaibigan na naturuan ng kakayahan sa paggamit ng mahika hanggang ngayon sa kung nasaan na siya ngayon. Tinanaw niya ang malawak na daan papasok ng palasyo. Hindi na siya nakatayo ro'n bilang isang ordinaryong tao. Mas mataas pa ang naabot niyang posisyon. Isang prinsesa.

Bahagya siyang natawa sa kanyang isip. Sino nga bang mag-aakalang ang lalampa-lampa noon, ang babaeng nabubully noon, ang babaeng halos iwasan ng lahat, ang babaeng halos pahirapan na ng buong mundo'y magiging isang prinsesa.

Sa dulong bahagi'y natanaw niya ang reyna na napalingon sa kanyang kinatatayuan. Kitang-kita niya ang pagngiti nito sa kanya kung kaya't hindi na siya nagdalawang isip na tumakbo ro'n at salubungin ito ng mahigpit na yakap.

"Louise, anak bakit ka tumatakbo?"

"Pasensya na po, nasabik lang akong yakapin ka, Mama."

"Hindi mo dapat sermunan ang ating prinsesa. Mukhang sanay na sanay siya sa kinamulatan niyang nakasanayan. Hayaan na lang natin siyang maging natural sa harapan natin." Ngiting sambit ng hari saka pa sinuklay ang kanyang buhok.

Dati-rati'y hinihiling niya sa may kapal na magkaroon ng pamilyang matatawag. At dahil sa dami ng nangyari sa kanya, naranasan na niya ang mga bagay na 'di pa niya nararanasan. At aminado siyang masayang-masaya siya sa nangyayari sa kanya.

"Bakit hindi ka na mag-ayos ng sarili mo para sa mangyayaring seremonya mamaya? Siguradong matatagalan ka dahil aayusan ka pa nila ng buhok at mukha." Bilin ng reyna sa kanya. "Naroro'n na sa silid mo ang lahat ng'yong kailangan."

Sa kabilang banda, abalang-abala ang mga kalalakihan sa likurang bahagi ng kanilang dormitoryo. Kanya-kanyang tawanan, kanya-kanyang kwentuhan. Halos hindi na maipinta ang mukha ni Min ae habang hinihintay na umayos ang mga lalaking kukuhaan niya ng litrato. Nilingon inya si Chanyeol na abalang-abala sa pag-aayos ng neck tie nito.

"Sus. Dalian niyo na kasi. Wala naman na kayong aayusin sa pagmumukha niyo dahil mas gwapo naman ako sa inyo." Saka ito ngumiti nang nakakaloko. "Dalian niyo na ayokong nabibilad sa ilalim ng arawan."

"Thana may bubble tea sa palatho mamaya."

"Walang bubble tea tha palatho. Pang high clathh ang mga pagkain do'n." Panggagaya ni Chanyeol kay Sehun. "Magkaroro'n kapag sinabi mong Makati city."

"Makati thity." Kanya-kanyang tawanan ang lahat. "Makati thity? Tama naman ha?"

"Ayusin mo ayusin mo nakakahiya ka."

"Makati thity? Ano bang gutho mong marinig?"

Nagsigawan ang magkakaiban. Nangingibabaw ang tawanan nina Chen at Baekhyun na halos maluha na kakatawa. Napapapalakpak na lang si Kai sa narinig habang tumatawa at kahit na si Angelu sa tabi ni Min ae ay 'di rin maiwasang matawa.

Pinaikot ni Angelu ang kamay nito at sana nagpakawala ng malakas na hangin. Halos matangay ang buhok ng mga binata sa ginawa nito na kaagad namang ikinagulat ng lahat. Napalingon 'yon sa kinaroroonan ng mga nakatayong dalaga at naabutan lang ng mga ito ang peace sign ni Angelu.

"D'yan kayo magagaling dalian niyo! Ibabato ko sa inyo 'tong polaroid kanina pa ako naghihintay!" Asik ni Min ae. "Dalian niyo para matapos na tayo. Dami nating commercial."

"High blood ka naman masyado, Min ae. War ba kayo ni Kris?" Saka natawa si Chen.

"Group picture na. Tanggal ka sa frame, Chen."

"Joke lang naman, Min ae!"

Kanya-kanyang dikit ang mga binata at umayos ng pagkakaupo. Kaagad namang sinilip ni Min ae ang view finder at nagsimulang nagbilang. Napakaraming litrato ang kanilang kinuha, sunod-sunod na pagngiti at tawanan hanggang sa maging natural na lang ang lahat. Ilang litrato ang ibibigay nila sa dalaga kasama ang mga kaibigang nakasama nito sa mundong 'yon. Isang ala-ala na hinding-hindi mawawala sa memorya ng lahat.

Nawala ang ngiti ni Tao sa sandaling 'yon nang rumehistro ang isang pangitain sa kanyang mga mata. Isang pagpatak ng dugo, isang pagpatak ng luha. Tumakas ang kaba sa kanyang sistema at para bang nawala pansamantala ang naririnig niyang tawanan sa paligid. Takot at nananaig sa kanyang isip lalo na't hindi niya kilala kung sino at kanino magmumula ang luha't dugo na nakita niya sa kanyang vision.

Hindi na siya mapakali hanggang sa makarating sila sa palasyo. Wala siyang pinagsabihan tungkol sa kanyang nakita dahil hindi niya nais magbigay ng kaba sa kanyang mga kasama. Isa itong selebrasyon at kasiyahan. Hindi niya gustong masira ang saya na 'yon dahil lang sa vision na walang kasiguraduhan. Napakaraming bisita sa gabing 'yon, napakaraming estudyante at ilang mga matataas na tao ang imbitado sa palasyo.

Punong-puno ng kwentuhan at masayang musika ang paligid. Napakaraming handa sa mahabang hapag kainan na kaagad na pinuntahan ni Kyungsoo at Chen. Napapitlag siya nang kalabitin siya ni Xiumin sa kanyang tabi.

"Hindi maipinta ang mukha mo."

"Ahh... hindi naman."

"Mukhang malalim ang iniisip mo."

"Iniisip ko lang kung anong itsura ni Louise mamaya. S'yempre, ang dami na ring nangyari sa kanya at hindi ko aakalaing makakarating siya sa puntong 'to."

Narinig niya ang marahang pagtawa ng katabi. "Hindi ko aakalaing ang sinusungitan kong babae noon ay magiging ganito kabigatin. Ibang klase rin ang tadhana."

EXO: Twelve Princes ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon