Chapter 3: Tripping

3.6K 57 0
                                    


Michigo on the photo attached. I edited some parts since I decided to do some twist on the story. I want to make this story a bit mature kaya may mga parts akong in-edit sa Chapters 1 and 2.

Vote and comment po tayo.

Vote and comment po tayo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

MICHIGO HELA RIVAS

NAKATAMBAY ako sa 7/11 ngayon. Mamaya- maya ay magbubukas na ang gate ng school at napaaga ako sinundo ng aking service kaya ito ako nakatambay muna sa 7/11 kasama ang mga ka-service ko na si Allaeza at Ysay. Kumuha ako ng extra na Chuckie kasama ng binili kong C2 at siopao. "Babaunin mo 'yan?" tanong sa akin ni Allaeza at saka siya napatingin sa aking binili.

"Una mong ginawa ay nagsimula kang mag make up ngayon naman bumibili ka ng extra drink. So sino ba?" She asked me.

"Anong sino ba?" tanong ko pabalik sa kaniya. Inabot ko ang 100 sa cashier at sinuklian naman ako nito nito ng trenta pesos. Binigyan din nila ako ng sauce para sa siopao na order ko.

Naglakad kami papunta sa inuupuan namin. "Ang lalaking nagpapatibok ng puso mo." Sagot n'ya sa akin.

"Lalaking nagpapatibok ng puso ko? Anong kalokohan naman 'yan?" nakakunot noo kong banggit.

"Huwag mo ng itanggi. Michigo, magkakaschoolmate tayo ni Ate Allaeza noong Elementary hanggang noong mag first year high school ka. Kung 'di ka nag OLOPSC noong Second year ka e baka sabay pa tayo lumipat dito. Naalala ko noong umiiyak ka kasi inasar ka nila Kuya Hans noong nakalipstick ka since then hindi ka na naglagay ng kahit anong kolorete sa mukha mo tapos ngayon. Taray! Naka drunk blush na nga, naka- kilay on fleek pa!" Giit sa akin ni Ysay, wala sa wisyo akong napahawak sa aking mukha.

Tama siya, I don't usually do this stuffs but when Sir. Xavier arrived. Nagkanda leche leche na ang lahat, para akong isang Grade 1 student na nagkaroon ng crush sa teenager sa kapitbahay. I decided to play volleyball to lose weight before and I was able too. From whopping 72 kgs I was able to drop up to 52 kgs. Ako kasi 'yung mataba na ever since elementary. Matalino, mabait pero tabachoy at pangit. Walang may gustong manligaw sa akin noon. I also lose my faith in having a disney movie like story in my life.

Akala ko kasi noon pwede akong maging si Gabriela but I'm no beauty. Being bullied made me lose my self confidence, but changing for the better made me confident enough that I will be able to do what I want.

 "Wa- walang nagpapatibok ng puso ko!" pagtanggi ko sa kanila. "Wala pang nagpapatibok sa puso ko. Wala pa akong oras sa ganyan!" muli kong giit sa kaniya.

"Aysus! Same thing you said when you found out that Hans is dating Bea. Pero kinabukasan umiiyak ka kasi masakit pala. Hindi mo lang kasi siya crush, love mo na siya." Pang-aasar niya sa akin at saka niya ako siniko.

Illegally Obsessed [MATURE]Where stories live. Discover now