39th Petal

1.1K 48 2
                                    

•.•*'¨'*••

39th PETAL - The New Beginning (Last Chapter)

•.•*'¨'*••

Sumabog ang liwanag sa bawat sulok ng mundo sa pagdating ng Equinox. Lahat ng mga tao'y nawalan ng malay sa iba't ibang panig ng mundo. Ang mga nilalang naman sa Ice land ay napanawan din ng ulirat ngunit ang mga reyna't hari nama'y lubos pa ang kamalayan. Ang mga ito na lamang ang natitirang may malay dahil maging ang apat na magkakahawak kamay na pumalibot sa puno ay nakahandusay na ngayon sa lupa.

Kasabay ng pagliwanag ay ang pagtapak naman ng mga nagliliwanag na mga nilalang. Nagsipagyukuran sa kanila ang mga reyna't hari. Hindi nag aksaya ng oras ang mga ito. Agad nilang ginawa ang nararapat nilang gawin sa mundong ibabaw. Mula sa kanilang mga makapangyarihang kamay ay lumabas ang liwanag na pumuno sa mundo at luminis sa mga karumihang bumabalot rito.

The cleansing takes place. The earth revitalized when the gods and goddesses came. Maging ang puso ng bawat isa ay nilinis at nilipon ang lahat ng kasamaan. At ang tanging saksi ay ang mga reyna at hari. Nang matapos ang paglilinis ay lumapit na ang mga ito sa mga kataas taasang mga bisita.

"Lahat ng naririto ay babalik na sa kani kanilang mundo at pagkagising nila'y bagong simula ang naghihintay sa kanila. Magpapatuloy ang pamumuhay nila ng matiwasay at makakalimutan ang lahat ng napagdaanang hindi pangkaraniwan. And for these four young people, mananatili ang katauhan nila ngunit malilimutan nila ang lahat ng naganap; ang mga preparasyon nila para sa araw na ito at ang lahat ng kaalaman nila sa amin. Ang mga kadilimang ikinulong ay nalinis na. Ang mga nadamay ay naisaayos na. Lahat ng pangyayari ay makakalimutan nila at magpapatuloy silang mamuhay na mga inosente tungkol sa amin. Kayo lamang ang bibigyan namin ng alaala dahil sa mga susunod na henerasyon, kapag sumapit ulit ang equinox na muli kaming magbabalik ay lilitaw muli ang mga kaalaman para maging handa kayo. Maari na kayong magsibalik sa inyong kaharian dala ang aming basbas at mga biyaya. Mamuhay kayo ng matiwasay at masagana!" mahabang litanya ng nilalang na nababalot ng liwanag.

Isa isang naglaho ang mga nilalang roon at natira lamang ang mga taga Ice land.

Binalingan ng mga taong nagliliwanag ang anim nilang kalahi na isinugo para sa misyon.

"Nagtagumpay kayo at maayos niyong nagampanan ang mga iniutos sa inyo. At ngayo'y kailangan niyo ng sumama sa amin. Hindi na tayo kailangang magtagal pa rito."

Walang nagawa ang anim kundi sumunod rito. Isa isa na silang nagsibalikan sa puno. Nagpahuli naman ang isang binata upang magpaalam sa kanyang kasintahang wala pa ring malay. Lahat ng sugat na tinamo nila'y naghilom dahil sa paglilinis na naganap kanina.

Hinawakan niya ang mukha ng dalaga at malungkot na tinitigan.

"Paggising mo'y hindi mo na ako maaalala pa at iyon ang masakit dahil kahit kailanma'y hindi mawawala ang alaala mo sa akin. Maaaring hindi ako malimot ng puso mo pero hindi ko ikatutuwa iyon dahil lahat ng tungkol naman sa akin ay nabura na sa alaala mo. Ngunit kahit papaano'y saksi ang mga berdeng rosas sa ating pagmamahalan. At katulad ng isinisimbolo nitong walang hanggan ay ang pagmamahal ko sayo." isang butil ng luha ang tumakas sa mata ng binata. Nadudurog ang puso niya sa kaisipang hindi na siya maaalala pa ng babaeng pinakamamahal niya.


"Lilisan ako dahil magkaiba ang mundo natin. Pero darating ang panahon na muli tayong magkikita, mahal ko." Ang isang patak ay nasundan pa ng marami.


Mahigpit niyang niyakap ang dalaga at tahimik na umiyak sa leeg nito.

"Cactus! Cactus! Ayoko ding malayo sayo. At papakasalan pa kita kaya huwag kang magpapasok ng kahit na sino diyan sa puso mo. Babalik ako. Magiging asawa pa kita." hagulhol ng binata.


Green RoseWhere stories live. Discover now