13th Petal

807 52 4
                                    

•.•*'¨'*••

13th PETAL - MINE

•.•*'¨'*••

Prente akong nakahiga sa queen sized bed dito sa kwartong inuukupa ko sa mansion ng mga Crimson.

Grabe, ang bait naman ata masyado ng heneral para patuluyin ako dito.

Ni hindi man lang niya napansin na puro acting lang yung kanina. Tsk! Ang dali niyang mauto. No thrill at all pero mukhang hindi ata ako makakaligtas sa mga anak niya na matatalas ang isip at pakiramdam.

Especially Secret, if looks could kill, doon palang sa sala ay nakabulagta na ako.

I can sense that something is not right in this mansion. Lalo na ang mga nakatira dito ay may kakaiba akong nararamdaman. Siguro hindi ko to napapansin noon dahil kulang pa ang senses ko pero ngayong mas lumakas ang pakiramdam ko ay natutuklasan ko na ang kakaibang enerhiya na bumabalot sa buong mansion. But I can't figured it out!

I was busy toying my thoughts nang biglang tumunog ang cellphone ko.

"Speak." bungad ko sa kalmadong tinig.

"B-boss! Buti nalang at sumagot ka na po. Saan ka po ba nagpunta sa loob ng 2weeks boss? Alam mo po bang halos magbarilan na si Mandy at Seth dito sa condo mo boss? Lagi kasing nag aaway ang dalawa tapos isang araw naabutan nalang namin si Seth na may nililinis na baril." she sounded so problematic at the same time worried.

Napaupo ako sa kama.

Humahawak na ng baril si Seth? That means ay natapos na niya ang close combat training?

That fast?

Grabe talaga ang reyna, hindi siya nagkamali sa napili niya.

I smiled sweetly.

"Hayaan mo lang sila, may ipapagawa ako sayo Sandy." narinig ko ang pagsinghap niya sa kabilang linya.

"A-ano po yun boss?"

"Take good care of Seth, hindi pa ako makakabisita diyan because I'm doing something important."

"Y-yun lang po boss? Sige po! Maaasahan niyo."

"Good." i said then ended the call.

Nagugutom na ako. Pagtingin ko naman sa orasan ay mag aalas sais na.

Damn!

Nag ayos ako ng sarili saka dumaan sa bintana at pumunta sa bahay ni Prince Ice.

Hindi ko na kailangang kumatok dahil kusa nalang itong nagbukas. Mukhang inaasahan na niya ang pagdating ko ah?

Pagkapasok ko sa bahay ay may naamoy akong masarap sa kusina kaya doon ako dumiretso. Naabutan ko siyang naghahanda sa dining table.

I tried to smile pero nag oover power na naman ang pagiging ugaling bampira ko.

"I'm Hungry. Where's my food?" bungad ko.

Ugh-! Dapat magalang ang pagkakasabi ko pero kusang ganun ang lumabas sa bibig ko.

Sh*t!

Walang salita na lumabas sa bibig ni Prince Ice pero tahimik niyang inihanda sa harap ko ang sariwang dugo at sariwang laman ng hayop. Malinis naman ito pero hindi lang luto saka may mga desinyo pa ang pagkakapresenta.

Bigla akong naglaway. At dali daling nilantakan ang inihain niya sa akin.

Ilang minuto ko siyang hindi pinansin dahil sarap na sarap ako sa pagkain idagdag pa na sobrang gutom ko na talaga.

Green Roseजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें