14th Petal

939 55 5
                                    

•.•*'¨'*••

14th PETAL - NAB

•.•*'¨'*••

After my morning rituals ay napagpasyahan ko nalang na magsuot ng isang denim shorts at loose na T-shirt. Pinagmasdan ko ang buhok ko na nakamessy bun at inayos iyon ng konti.

Nakapambahay lang ako dahil wala naman akong balak lumabas ngayon. Mang iinis at mangungulit lang ako sa mansyon na to. Malay niyo maging kaclose ko sila o baka kabaliktaran ang mangyari, nevertheless, kailangan ko silang kilalanin at ayaw kong pakitaan nila ako ng kaplastikan.

Damn! That would annoy me to hell pag pinlastik nila ako ngayon. I need to know who they are and what they are.

Tinitigan kong muli ang repleksyon ko sa salamin at sinimulan itong kausapin.

"Don't show your bitchiness Cactus Black. At ikaw katauhang bampira huwag kang iepal dahil gugutumin talaga kita!"

Matapos ng ilang segundong kabaliwan ay umayos na ako ng tayo saka ngumiti ng matamis.

Patalon talon akong lumabas ng silid ko at sakto namang si Gen. Crimson ang naabutan kong pababa ng hagdan.

"Good Morning Daddy Drake!" masaya kong bati sa kanya.

Since sinabi niyang pwede ko siyang tawaging Tito Drake o daddy ay pinagsama ko nalang.

Nagulat pa siya pero ngumiti din nang makabawi at binati ako ng good morning.

Sumabay na ako sa pagbaba ng hagdan pero nung nasa kalagitnaan na kami ay bigla kaming napahinto dahil sa isang bwesit na anak niya.

"Tch! Feel na feel mo?" tumingin kami sa taas at doon sumalubong sa akin ang matalim na tingin ni Secret.

Kahit kailan ay napakakontrabida niya talaga!

Imbes na magpakita ng inis ay nginitian ko siya ng matamis.

Naiinis siya sa presensya ko? Edi mas iinisin ko pa siya!

Nagtuloy tuloy siya sa pagbaba ng hagdan at ng makalampas siya sa amin ay dali dali ko siyang dinamba sa likuran niya.

"The f*ck!" sigaw nito nang muntik na kaming mahulog.

"Good morning too, Secret!" sigaw ko sa tenga niya at namula na talaga siya sa sobrang inis.

Tawang tawa nalang ako sa loob loob ko!

"F*ckin sh*t! Get off me, you monkey!" inis na inis niyang sigaw.

Ngumiti muna ako saka siya hinalikan sa pisngi at tumalon pababa.

Nakarinig pa ako ng pagsinghap mula sa mga katulong na nakakita.

Pagbaling ko sa kanya ay nakakapit siya ng mahigpit sa railings dahil sa pwersang ginamit ko para makatalon over his head.

Ang epic ng itsura niya pati si Gen. Crimson at ng mga-- a-nak niya.

Uh oh.

Nakita ko sa taas ang apat niya pang mga binata na pawang nakatingin sa akin.

Nang mapadako naman ulit ang tingin ko kay Secret ay parang papatayin na niya ako. Nginitian ko nalang siya ng matamis para lalong maasar saka ko ibinalik ang tingin ko sa second floor.

"Good morning!" bati ko sa kanila.

Nagsingiwian sila at isa isa ng bumaba.

Tss! Mga maldito!

"Young lady, you just don't jump like that. May tama ka pa sa tagiliran mo." sita sa akin ng heneral.

Agad akong napatingin sa tagiliran ko.

Green RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon