32nd Petal

864 45 5
                                    

•.•*'¨'*••

32nd PETAL- THE FOUR DIRECTION

•.•*'¨'*••

"Himala, ang tahimik mo ngayon?" tanong ko sa lalaking nagdadrive ngayon papunta sa emperyo ni Frost.

Sa totoo lang ay naeexcite talaga ako! Gustong gusto ko na siyang makita. I wonder kung gaano na siya kagwapo ngayon. Noon pa man kasi ay lutang na ang pisikal niyang kaanyuan sa buong Ice Empire.

"She's mad at me." malungkot nitong sabi.

Napairap naman ako at nagsubo ng lollipop.

"May pagkatanga ka kasi. Kung hindi kita kilala ay iisipin ko talagang may gusto ka sa akin. Alam ko naman na you have all the reasons to like me pero bakit nga ba talaga ganun ka umakto pagdating sa akin?" tanong ko sa kanya habang may nakasangsang na lollipop sa bibig ko.

Matapos ng tanong kanina ng lalaking iyon ay doon lang naglabas ng inis si Paradise. At sa pamamagitan iyon sa hindi pagpansin kay Prince Ice. She treated him earlier as if he doesn't exist kaya naman nadedepress ang bampirang to ngayon.

"Just doin' the right thing." nakasimangot niyang wika.

"Pinagsasasabi mo?" nakakunot noong tanong ko naman.

Ang gulo niya kausap. Para siyang alien na nagsasalita ng ibang lenggwahe.

"You'll understand soon." saad niya.

Hindi nalang ako umimik at tinanaw nalang ang bawat madaanan namin.

Naalala ko kung paano mag walk out kanina si Paradise at hindi din nakaligtas sa paningin ko ang matalim niyang tingin kay Prince Ice. Iisipin ko na sanang ang bigat bigat na ng atmosphere sa mansyong iyon kung hindi lang tuwang napahalakhak ang demonyitong si Secret.

Yes, he laughed his ass out! Tuwang tuwa siya sa galit na ipinakita ni Paradise towards Prince Ice. Di ko alam kung baliw na siya o sadyang nakakatawa talaga para sa kanya ang nangyari kanina. Yung iba naman kasi ay hindi na nakialam pa pero may isa sa kanila na nanahimik nalang. Hindi man halata sa mukha niya ang inis pero alam kong nagwawala na siya sa kaloob looban niya.

Tsk! Akala naman kasi niya ay palalampasin ko nalang ang nakita ko kagabi. Oo nga't naliwanagan na ako kung bakit yun naganap pero ang barahin niya ako at wagas niyang pagrarason na hindi ko man lang narinig ang salitang 'sorry' sa kanya ay ang nakakapag init sa ulo ko.

Pakiramdam ko ay gusto niya akong kontrolin gaya ng pagkontrol niya sa mga bagay bagay. Pwes! Huwag siyang pakakampante dahil hindi pwerket mahal ko siya ay hahayaan ko siyang saklawin ang buong pagkatao ko.

"We're here."

Agad akong napatingin sa napakataas na building na tanaw mula dito sa parking lot. What the hell?! Pag aari to ni Frost?

"This is his empire and I hope we can convince him to stay at the mansion." saad ni Prince Ice saka ako pinagbuksan ng pinto.

Sabay kaming naglakad papasok sa building at humarap sa reception area.

"What can I do for you ma'am, sir?" nakangiting bati sa amin nung receptionist.

Nice. Ang ganda niya ah, pero mas maganda pa rin ako! Ugh-- at kelan pa ako naging conceited?

Shit!

"We're here to meet Mr. Wakefield." diretsong sagot naman ni Prince Ice. Kapansin pansin ang malamig niyang aura at kalmadong mukha.

Napailing nalang ako habang pinagmamasdan ang pag awang ng labi ng receptionist. Kasi naman, boses palang nakakastar struck na pano pa kaya kung mapatitig ka sa mukha ng bampirang to? Edi nalaglag na ang panty mo. Tss!

Green RoseWhere stories live. Discover now