27th Petal

758 43 13
                                    

.•*'¨'*••

27th PETAL- ZEN

•.•*'¨'*••

"Dude, are you going to talk to Cactus?" takang tanong ni Swayne habang papalit palit ang tingin sa kapatid at sa pinto.

Imbes na sumagot ay kumunot ang noo nito at sinenyasan ang dalawang kapatid na sundan siya sa loob ng kanyang silid. Tumalima naman ang dalawa at nang makapasok ay umupo ang mga ito sa malambot na sofa sa library section ng silid ni Stark.

"So dude, may dapat ka bang ipaliwanag o aminin sa amin?" nakahalukipkip na saad ni Swayne.

Ang bunso naman nilang kapatid ay tahimik lang habang nakatitig sa isang pinto na maghahatid sa silid tulugan ni Stark. Pagbukas kasi ng pinto sa silid ng binata ay bubungad agad ang study area at working area nito na animo'y isang mini library tapos may dalawang pinto na matatagpuan dito. Ang isa ay patungo sa banyo at ang isa naman ay patungo sa silid tulugan nito.

Tiim labi lamang si Stark habang nagsasalin ng alak sa isang kopita.

"Can you just talk?" naiinip naman na reklamo ni Swayne.

"They are ready, all we need to do is to find the tree." sa halip na sumagot sa tanong ng kapatid ay ang mga salitang iyon ang kanyang sinabi.

Mabilis siyang nilingon ng bunsong kapatid at pinakatitigan siya. Samantalang si Swayne naman ay napakunot lang ng noo.

"Ilang taon na ng nawalan tayo ng koneksyon sa punong iyon at nakakainis na ang pagtatago niya!" nakasimangot na saad ni Swayne.

"Lord Drake is still doing his best to find that tree and I guess it's about time that we should help him." seryosong sabi naman ni Seven.

Napatango tango si Swayne bilang pagsang ayon.

"If I could only use my ability, it would be easy for us to find the tree." mahinang dagdag nito.

Nagsikunutan ang noo ng dalawa. "Don't you ever think of doing that! Masyado ng madaming enerhiya ang nagagamit mo at pahina na rin ng pahina ang katawan mo. We all know that among us ikaw ang pinakagumagamit ng enerhiya at ang pinakamagagawa mo nalang ngayon ay magpahinga at gabayan ang bawat isa sa amin sa natitira nating buwan sa mundong ito." seryosong saad ni Stark.

"Besides, kaya naman nating mahanap ang punong iyon without using your ability. Lord Stark will do his job as the intelligence of this team." nakangising pahayag ni Swayne.

Napailing naman si Stark. "Of course, nagsisimula na ding gumalaw ang mga galamay ko." bored na sabi ng binata saka tinungga ang alak sa kopita.

"Setting aside the issue, mukhang kailangan na nating lubus-lubusin ang pagpapakasaya sa mundong ito dahil nalalapit na ang paglisan natin." may mga mapaglarong ngiti ang pinakita ni Swayne.

Napangisi na din si Stark at humalakhak. "I really did have fun."

"Halata naman. Ano nga pala ang ginagawa mo sa tapat ng silid ni Cactus kanina?" Tanong ulit ni Swayne.

Isang makahulugang ngisi at kibit balikat ang pinakawalan ng binata. "Who knows." saad nito saka tumingin sa bunso nilang nakapikit na ang mga mata.

But they are fully aware na hindi ito natutulog. Talagang kailangan niya lang pumikit pero bukas ang tenga nito sa pakikinig.

"We'll find the tree tomorrow." biglang sabi ni Seven habang nakapikit pa din.

Nagkatinginan ang magkapatid at ngumisi. "Can I-- not come?" tanong ni Stark.

Nagmulat naman ng mata si Seven at pinakatitigan ang mukha ng kanyang kapatid.

"Well, may pasok bukas at nag o-ojt ako. I also need to entertain Yumi Verga and I can't just leave tomorrow." pagdadahilan nito pero nakapaskil pa din ang ngisi.

Green RoseWhere stories live. Discover now