15th Petal

831 46 15
                                    

•.•*'¨'*••

15th PETAL - OASIS

•.•*'¨'*••

It's already past midnight pero naririto pa din ako sa pool area ng mansion.

I can't sleep, may kung ano kasi akong nararamdaman. Parang biglang may nagbago sa mansiong ito at kanina ko pa inaalam kung ano iyon.

Yung nangyari kanina, parang gusto ko tuloy puntahan si Prince Ice at alamin ang kondisyon niya. Kaso hindi naman ako pinapalabas ng lalaking yun. Galit nga ata sa akin?

Tsk! Ang alam ko ay may bisita sila kanina eh pero di ko nakita dahil nagkulong lang ako sa kwarto. Matigas ang ulo ko buti at hinatiran nalang ako ng pagkain kanina pero bigla akong naumay kaya di ko naubos.

I sighed but I caught my breath right away when I sensed something.

I hastily grab my sharp at inihagis iyon sa likuran ko.

Napaharap ako dito at nakita ko kung paano niya napigilan ang atake ko gamit ang walang kahirap hirap na pag iwas niya dito.

Saglit akong natigilan dahil sa pagkabigla pero inayos ko agad ang sarili ko.

"Hi!" nakangiti niyang bati sa akin.

Pinasadahan ko siya ng tingin mula sa puting damit niya na hanggang talampakan at natatakpan din ng mahabang manggas nito ang maliit niyang braso. Nililipad ng marahan ang mahaba niyang puting buhok at kumikinang sa ilalim ng buwan ang maputi niyang mukha na binigyang buhay ng mata niyang may magkaibang kulay.

Kumunot ang noo ko at tinaasan siya ng kilay.

"Close tayo?" matalim kong sambit.

Pinalobo niya ang pisngi niya at ngumuso. Lintik! Feeling bata. Nakakainis!

Iniwas ko ang tingin ko at naupo sa sofa dito sa may silong. Muli akong napatitig sa kawalan at pinakiramdaman ulit ang kakaiba dito sa mansyon.

"That's a protective shield." she said kaya napalingon ako sa kanya.

"What?"

Ngumiti siya.

"Di mo pa kilala ang mga Crimson at alam ko na bumibigat ang pakiramdam mo ngayon. That's the effect of that protective shield to the vampires."

Nalukot ang mukha ko at tumitig sa kanya.

"Alam ko at nararamdaman ko. But you don't have to worry because you're an exemption from the killing pain. Pero sa ibang bampira na mapapalapit sa mansyon ay katumbas nito ang sinag ng araw kung magdulot ng sakit. Oo nga't may proteksyon sila mula sa kanilang kaharian kaya hindi sila naaapektuhan sa sinag ng araw ngunit ang protection na bumabalot ngayon sa mansyon ay lubhang mapanganib para sa mga bampira na pwede nilang ikamatay. At sa lahat ng bampira ay ikaw lang ang exemption pero may epekto pa rin ito sayo kaya bumibigat ang pakiramdam mo. Nalaman ko din na isa kang bampira dahil pamilyar na ako sa mga ganoong nilala--"

"And why do you need to put a protection?" i cut her off.

She's so talkative! Parang walang preno ang bibig niya!

" Don't worry, bukas ay iimprove ko ang protection para di ka makaramdam ng kung ano. I know that the effect really bothers you-"

Kumunot ng sobra ang noo ko. Lintik!

"Bakit nga may proteksyon?!" naaasar na ako sa kadaldalan niya ha.

Natigilan naman siya sa pagsigaw ko.

"It's for the best." nakangiti niyang sagot.

"Plastic." i murmured at napangiwi naman siya.

Kung pwede lang palayasin siya sa harapan ko ay ginawa ko na. Nakakabadtrip ang lumalabas sa bibig niya! Tinatanong ko kung bakit may proteksyon at hindi kung para saan.

Green Roseजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें