Preface

3.5K 126 27
                                    

Preface

"Boyfriend lang kita kaya alipin kita! Buti sana kung asawa na kita dahil paglilingkuran kita. But no. Because you're just my boyfriend at ikaw ang dapat maglingkod sa akin!"

Yan ang mga katagang palagi kong naririnig sa kanya tuwing nagtatanong ako sa dami ng ipinapagawa niya sa akin.

Mahal ko ang babaeng iyon kahit di ako sigurado sa nararamdaman niya para sa akin.

Pero kahit ganun ay paglilingkuran ko pa rin siya at handa akong magpaalipin sa kanya upang mapanatili lamang siya sa tabi ko.

"Tatawag nalang ako pag uuwi na ako."

At oo nga pala, muntik ko ng makalimutan na sa loob ng isang buwan ay isang beses ko lang siyang nakakasama at kung suswertehin ay isa't kalahating araw. Palagi siyang abala at bihirang bihira kung magpakita ngunit naiintindihan ko ang sitwasyon niya.

"O, ano pang hinihintay mo? Wala ka bang balak na yakapin ako?"

Nakataas na ang kilay niya ngayon kaya't napangiti nalang ako at mahigpit siyang niyakap.

"Take care baby." bulong ko sa kanya matapos kong hinalikan ang kanyang noo.

Humiwalay siya sa aming yakap tsaka nagpakawala ng  matalim na tingin at nameywang sa harapan ko.

"Ikaw ang mag ingat! Tandaan mo, aalis ako at babalik pero sa oras na kalimutan mo ako. I'll make your life a living hell."

Banta niya bago siya sumakay sa private jet niya.

"You know that I won't and I can't do that!" sigaw ko para marinig niyang mabuti.

Nakita ko na naman ang ngisi sa labi niya at ang pagkaway niya sa akin. At bago pa man tuluyang tumaas ng tumaas ang sinasakyan niya ay may hinulog siyang isang berdeng rosas. Pinulot ko ito at hinalikan.

Gawain niya ito bago siya umalis at tuwing nagbabalik naman siya ay palagi itong nag iiwan ng berdeng rosas na may tatlong tinik at dalawang dahon. Pero ang inaakala kong isang buwan na hindi namin pagkikita ay naging taon. At nasundan pa iyon ng isa pang taon.

At isang tanong lang ang naglalaro sa isipan ko.

Babalikan niya pa kaya ako?


❤♡❤❤♡❤❤♡❤

© 2014 Angelinlove. All rights reserved

Green RoseWhere stories live. Discover now