10th Petal

1K 53 2
                                    

•.•*'¨'*••

10th Petal - JUNCTURE

•.•*'¨'*••

Titanium is very close to me. Since we were kids ay siya na ang lagi kong kasa-kasama. Halos sa lahat ng bagay ay nagkiclick kami. Parehong trip sa buhay at parehong pag uugali. Ang pinagkaiba lang namin ay mas rational akong mag isip kesa sa kanya.
Napaka impulsive niyang tao despite of his snob personality. Kung si Prince Ice ay may malamig na personalidad  siya naman ay napakamainitin. Masyadong maikli ang pasensya at napaka daling uminit ng ulo. But he is always true to his words. And what he said earlier was a big blow to me.

Kinakabahan ako dahil alam kong abnormal siya at baka gawin niya talaga iyon. When we're just kids alam kong nagkagusto siya sa isang babae. But he's trap between his likes and his needs. Gusto niya ang batang kasama ni Master Lemon pero hindi niya iyon kailangan sa buhay niya. Na kahit mawala ito sa paningin niya ay makakaya niya pa ring maging masaya.

But there comes the twins, Amulet and Destiny. As far as i can remember kasabayan namin ang dalawang yun sa pagtitraining. Titanium was so fond of them, nakikipaglaro at nakikipagharutan siya sa mga ito habang ako ay nakahalukipkip lang sa isang gilid at nasusuka sa pagiging sweet niya sa magkambal.

Then all of a sudden, the twins disappeared after their pre-mission somewhere in Atlanta. Ilang linggong balisa noon si Titanium at hindi tumigil sa paghahanap sa dalawa. He was so devastated and I am just there watching him loosing his sanity.

Seriously, halos mukhang baliw na siya noon. Kung ano-anong bagay ang inihahagis niya tapos napaka init pa ng ulo. Kung ano ang ikinatahimik ni Prince Ice ay siya namang kabaliktaran ni Titanium.

And after how many months bigla nalang ibinalita sa amin ni Frost ang pagbabalik ni Amulet pero hindi bilang kakampi kundi bilang isang kaaway. Hindi namin nakita si Destiny pero mas nadismaya kami sa pagbabago ni Amulet.

She looks so pretty pero ibang iba na siya. Nalaman iyon ni Titanium at tulad ng inaasahan ay halos pagsukluban ito ng langit at lupa. Nakalaban namin sila sa isa sa mga misyon at halos patayin noon ni Amulet si Titanium.

Ang gago kasi hindi man lang lumaban, ibabalik niya daw si Amulet sa dati pero nabigo siya.

Nakakabadtrip ang katangahan niya!

Pero simula din noon ay kinamuhian na niya si Amulet. He hates her to the core of the universe. At doon din nabuhay ang isa pang katauhan ni Titanium. He became playful with everything. Madami siyang napapaniwala sa bago niyang katauhan at madami ding nawiwili at naaaliw sa kanya. Kaya maging ang mga bampirang bantay ni Prince Ice ay nakagiliwan siya.

And I am just always at the corner watching his every move and every changes in his life. Wala akong ginagawang paraan pero hindi ko siya nilulubayan ng tingin.

But at the end of the day he always came rushing to my place at magsasabi ng hinaing niya, mga side comments niya sa mga nakasalamuha niya sa araw na iyon. At matapos ng mga rants niya ay mananahimik siya sa isang tabi tapos manghihingi ng pagkain. Makikiligo sa banyo ko at makikitulog sa kama ko. At kinaumagahan ay babalik na naman siya sa pakikipaglaro.

I've been his comfort zone pero bakit gagawin niya to sa akin?

Nararamdaman niya ba na aagawin na ako ng iba sa kanya?

Nararamdaman niya ba na mawawala na ako sa tabi niya?

O natatakot lang siya na iwan na naman siya ng isa sa napakamalapit sa kanya kaya itatali niya ako ngayon sa mga salita niya?

Pero hindi ko naman yun gagawin, I've been with that guy for years pero hindi ko siya kailanman iniwan. Hindi ko inalis ang paningin ko kay Titanium. I've been watching him since the day I met him. At nakaukit na iyon sa sistema ko kaya wala siyang dapat ipag alala. Hindi ko siya iiwan tulad ng pang iiwan sa kanya ng mga babaeng pinahalagahan niya noon.

Green RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon