35th Petal

930 43 1
                                    

•.•*'¨'*••

35th PETAL - THE SAIL

•.•*'¨'*••

Ang sinag ng araw na pumasok sa maliit na butas ng bintana ang nakapagpagising sa akin. Ramdam ko ang init ng sikat nito at ramdam ko din ang mga brasong nakayakap sa akin. Unti unti kong iminulat ang aking mga mata at tiningnan ang taong katabi ko.

I almost gasp because of the beauty before my sight. Even in her late thirties ay napakaganda niya pa din. At hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nagmula ako sa kanya.

Simula pa kahapon ay speechless pa din ako. Si Frost lang nga ang nakausap ko kahapon dahil siya lang ang feel kong kausapin. Knowing na magkambal pala kami ay sobra talaga akong na o-overwhelm. Hindi ko lubos mapaniwalaan ang mga pangyayari sa buhay ko. Masyadong naging komplikado ito.

Kaya pala hango sa mukha ko ang huwad na itsura noon ni Paradise dahil inihahanda lang ni Aletha ang mga magulang ko sa pagbabalik ko sa kanila. Yes, alam kong si Aletha ang babaeng tinutukoy ni Papa kahapon, siya lang naman kasi ang babaeng kilala ko na may saltik para makialam sa mga bagay bagay.

Tsk!

"Good morning sweetie." Matamis na bati sa akin ng kagigising ko palang na ina.

Somehow, I felt like crying dahil sa wakas ay may matatawag na akong 'mommy'. A mom that is real and alive.

"Morning." Nakangiwi kong bati sa kanya. Hindi pa rin kasi ako sanay.

Kagabi nga noong sinabi niya na tabi kami matulog ay parang gusto kong hilahin si Paradise para sabihing siya ang katabi ko kahit di ko naman siya feel katabi. Naiilang kasi ako at hindi pa ako sanay.

Siguro kailangan ko pa ng ilang araw o linggo para tuluyang makapag adjust at matanggap ang mga nangyayari sa akin.

Napaigtad ako nang bigla niyang haplusin ang pisngi ko.

"Sorry, masakit pa ba, sweetie?" nag aalala niyang tanong patukoy sa pisngi kong sinampal niya kahapon.

Napangiwi ulit ako at parang gusto kong masuka dahil sa pagiging malambing niya sa akin.

Oh gosh! Can someone help me here?

Hindi ako sanay na ganito siya sa akin, mas gusto ko pa yung nagmamaldita siya at tinatarayan ako.

"M-master-" agad ko namang naitikom ang bibig ko nang magsalubong ang kilay niya.

"Mom. From now on you'll call me 'Mom'. Understood?" masungit niyang sabi.

Napangiti tuloy ako ng alanganin. Geez! Bakit ba nawala sa isip ko na bipolar pala ang nanay ko na ito. Buti nalang at hindi ako nagmana sa kanya.

"O-okay." I replied saka umupo na mula sa pagkakahiga.

"Good! Now let's eat na, I also want to bond with Gabrielle and Paradise. I really miss those two. And I'm really happy that you find your way back to us. Back to your real family, the Wakefield's." She said smiling.

Napatango nalang ako at alanganing ngumiti. Parang may bigla tuloy akong narealize. Ganito din ba ako ka lokaret noong grabe pa ang kalokohang naiisip ko? Yung mga panahong hindi pa ako nai-involve sa mga Crimson? Geez! Parang kinikilabutan tuloy ako sa pag uugali ko noon. Because honestly, hindi ako sanay na makipagdeal sa mga taong kagaya ng kaharap ko ngayon.

Yung kay Paradise palang nga ay nababadtrip na ako, eh ito pa kayang nanay ko na triple pa ang kabaliwan?

Siguro I would just stay beside Frost dahil siya talaga ang pinaka kasundo ko. Si Master-I mean daddy naman ay hindi ko ata kayang kausapin, noon pa man kasi ay sobrang taas na talaga ng pagtingin ko sa kanya bilang head ng council. Ni ayaw ko ngang humarap sa kanya dahil sobrang na-iintimidate ako sa aura niya.

Green RoseWhere stories live. Discover now