38th Petal

987 54 10
                                    

•.•*'¨'*••

38th PETAL - THE CEREMONY

•.•*'¨'*••

I took a deep breath and tried to calm my trembling nerves. My eyes became misty but I gathered all my strength not to let my eyes drop any single tear. Tumingala nalang ako at pumikit ng ilang segundo. Isang masayang tugtugin at mga halakhakan ng mga dumalo sa pagtitipon ang pumupuno sa tenga ko ngayon. Ni hindi ko na maramdaman ang sariling tibok ng puso ko dahil sa sobrang hina ng pagpintig nito. I felt like dying but I have to stay strong. I really have to.

Kasabay ng pagmulat ko ng mata ay ang pagpakawala ko din ng malalim na buntong hininga. I started to scan the crowd and I immediately spotted the guy I am looking for. He is talking to different creature at pinagkakaguluhan din siya ng mga ito. Kitang kita ang pagkagiliw sa kanya ng mga kausap niya at ang gusto ko lang gawin ngayon ay ang pagmasdan siya at panuorin ang bawat pagtawa at pagngiti niya.

Lahat ng nilalang na naririto ay mababanaag ang kakaibang kasiyahan. Lahat sila ay nagdidiwang maliban sa akin. Ang mga bampira ay umiinom sa kopita ng dugo habang nagkakatuwaan sa mga pinag uusapan nila pero ang iba naman sa kanila ay nakikihalubilo sa ibang lahi, naroon iyong may nakikipagtawanan, nakikipagkaibigan, nakikipagbulahan, nangmamanyak at may mga nanakot din sa mga maliliit na nilalang saka tatawa ng malakas. Kung tutuusin ay naririto na ang lahat, pampamilya, pangromantiko at pangbarkada.

Napatiim ang bagang ko at napailing.

Naagaw ang pansin ko nang may nagsalita sa micropono kaya napatingin ako sa engrandeng platform kung saan nakaupo ang mga reyna at hari ng mga nilalang na naririto. Pero hindi sa kanila natuon ang atensyon ko kundi sa bandang tutugtog.

Perfect Seven.

Saglit kong iginala ang paningin ko at nakita kong lahat ng naririto ay natuon na ang atensyon sa entablado. Mukha silang mga sabik na marinig ang pitong nasa harapan and I cannot argue with their mesmerized stares. Hindi pa nga nagsisimula ang pagtugtog nila ay wagas ng makahakot ng atensyon ang presensya nila. Lalo na ang taong nasa pinakagitna.

"Listen until your heart's content." Frost said in a very handsome voice. At muntik ng malaglag ang panga ko nang maghiyawan ang lahat at magpaunahan ang mga ito papunta sa harapan ng entablado.

Ganun ba talaga kalakas ang karisma ng lalaking to para bihagin ang puso ng mga kababaihan dito?

Mas nag ingay pa sila nang mag umpisa ng tumugtog ang banda at kumanta si Frost. Napapikit ako sa malamig at malamyos na tinig ni Frost. Pakiramdam ko'y inaakit niya lahat ng naririto dahil kung hindi ko yan kapatid ay baka isa na rin ako sa nakikipagsiksikan sa unahan at handang maghubad para lang mapansin niya.

**Pretty girl, pretty girl, pretty girl, you should be smiling

A girl like you should never look so blue

You're everything I see in my dreams

I wouldn't say that to you if it wasn't true

(Oh whoa-oh-oh)

I know that you don't know it, but you're fine, so fine (fine, so fine)

(Oh whoa-oh-oh)

Oh girl, I'm gonna show you when you're mine, oh mine (mine, oh mine)

Treasure, that is what you are

Honey, you're my golden star

You know you can make my wish come true

If you let me treasure you

Green RoseWhere stories live. Discover now