34th Petal

912 46 4
                                    

•.•*'¨'*••

34th PETAL - THE COMEBACK

•.•*'¨'*••

Pakiramdam ko'y salitan akong binuhusan ng malamig at mainit na tubig. Ni hindi ko na maramdaman ang mga taong nakapaligid sa akin dahil ang buong atensyon ko ay nakatutok lang sa babaeng nanampal sa akin. Bagama't sunod sunod ang pagtulo ng luha ko at malabo na ang aking paningin ay parang napakalinaw pa rin sa aking mga mata ang ekspresyon ng mukha niya.

"Bakit-bakit mo nagawang itago ito sa akin?"

Muli akong naubusan ng lakas dahil sa pagkabasag ng boses niya. Unti unting lumambot ang ekspresyon niya at ngayon nama'y nasasaksihan ko na ang pagtulo ng mga luha niya.

No! Please don't cry! Please-

Umawang ang bibig ko sa paghagulhol niya at kahit sobrang sakit ng puso ko dahil sa paninikip nito'y nagawa ko pa ring ihakbang ang mga paa ko para lumapit sa kanya at wala sa sariling napahugot ako sa panyo ko at dahan dahang pinunasan ang mga luhang tumutulo sa mukha niya.

Gulat siyang napatingin sa akin pero di ko na iyon pinagtuunan ng oras dahil mas importante sa akin na mapunasan ang mga luhang mas nagdudulot ng sakit sa akin tuwing nakikita ko ito sa mga mata niya. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko. Magkahalong sakit at inis para sa aking sarili ang nararamdaman ko ngayon dahil alam kong umiiyak siya ngayon dahil sa akin.

"P-please stop crying M-master Lemon." Nanginginig kong pakiusap.

Ayaw kong nakikita siyang ganito. Mas lalong pinipiga ang puso ko sa walang humpay na pagdaloy nito. Siguro sobra ko talaga siyang nasaktan dahil sa hindi ko pagsabi sa kanya ng mga nalalaman ko.

Lintik! Ito ang ayaw ko kapag nakikita ko siya, lagi nalang may kalungkutan sa mukha niya. At hindi ko nagugustuhan iyon.

"Please don't cry... Mom" I cried.

Nakita ko ang unti unting paghupa ng luha niya at doon na ako nakahinga ng maluwag.

"What did you just call me?" gulat na gulat niyang tanong.

Doon lang ako natauhan at nakaramdam sa paligid ko.

"Ha?" nagtataka kong tanong.

Ano bang sinabi ko? May sinabi ba ako?! Lintik! Anong nangyayari sa akin?

Agad akong lumayo sa kanya at napatingin sa paligid namin. Lahat sila ay nakaawang ang bibig at gulat na nakatingin sa akin.

Did I say something wrong?

Nakita ko pa si Hades na biglang tinikom ang bibig niya and mouthed to me-- 'Baliw ka na ba talaga?!'

Umiling ako sa kanya at ngumiwi.

"Why are you calling me your 'Mom'?" baling ulit ni Master Lemon sa akin.

The hell?! Did I really call her 'Mom'? But that's not new to her anymore because during my childhood days I used to call her in that way as what she requested me to do. I was about to apologize when a very calm voice spoke.

"--Because she has all the rights to call you in that way." Papa blurted out.

My eyes widened as my jaw dropped. Anong ginagawa niya dito at anong pinagsasasabi ni Papa?

I heard gasps before silence took over the whole place. Lahat kami ay nakatingin kay Papa na parang isa siyang witness ng isang krimen at nasa kanya ang mga katibayan na magpapatunay ng katotohanan.

Sinundan ko ng tingin ang naglalakad niyang pigura hanggang sa makita kong humihingal na sumunod sa kanya si Kuya Neon.

"Papa--." Tawag ni kuya kay Papa na parang may gusto pa siyang sabihin pero hindi na natuloy dahil sa pagsasalita ni Master Jaeve.

Green RoseWhere stories live. Discover now