26th Petal

717 42 3
                                    

.•*'¨'*••

26th PETAL- YARD

•.•*'¨'*••

Ilang segundo din akong nakatanga dahil sa mga sinabi niya. At ng makabawi ako ay nagawa ko ng magsalita.

"So, kailangang malaman ng mga nakatadhana ang other half nila?" tanong ko sa kanya base sa pagkakaintindi ko sa mga sinabi niya.

"Tama, at dalawang pares ang itinadhana. Pero hindi lang sila bastang magkapareha dahil may mahalaga silang gagampanan sa pagdating ng pinakamakakapangyarihan. Sila ang magrerepresent ng apat na direksyon sa mundong ito." saad niya saka nagpakawala ng buntong hininga.

Lumipad ang tingin niya sa kamay namin at itinaas niya iyon.

"Ang unang pares ay ang Hilaga at Timog. Ang pangalawa naman ay ang Silangan at Kanluran." aniya saka itinuro ang punong nasa harapan namin. Napatingin naman ako dito at nakinig sa kanyang mga sinasabi.

"Kailangang magkakasama silang apat na tatayo palibot sa punong ito upang tagumpay na makabisita ang mga nakatataas. Oras na hindi matuloy ang pagbisita ay may malaking pagbabago na magaganap sa mundong ito. Pagbabagong hindi kakayanin ng sinuman." seryoso niyang sabi.

Napalunok ako at humigpit ang hawak ko sa kamay niya. " At anong kinalaman ng apat na nakatadhana? Bakit kailangan nilang tumayo paikot sa punong ito?"

"Sila ang magsisilbing lakas ng puno. Kailangang may makapitan ang punong ito para hindi siya mawalan ng buhay. Masyadong malalakas ang bibisita at hindi iyon kakayanin ng puno na nag iisa. Kaya kailangan niya ang lakas ng apat na nakatadhana."

Ang galing! Nakakamangha ang mga nalaman ko ngayon. At namamangha din ako sa lalaking to.

"Saan mo ba yan nalaman? Totoo ba talaga yan? Mangyayari ba talaga yun?" bagama't naniniwala ako sa kanya ay hindi maiwasang maglaro ng madaming katanungan sa isip ko.

Tumingin siya sa akin ng matagal bago tumango.

"Oo. Dahil ang aklat na yun ay ang aklat ng mga sekreto at propesiya. Isa iyong libro na itinala pa ng pinakamagaling na babaylan noong unang panahon." sagot niya.

"Paano mo yun nabasa? Kung noon pa yun isinulat ay masyadong mahiwaga at mahirap basahin iyon. Paano mo naintindihan ang mga nakalagay doon?" tanong ko sa kanya. Kahit papaano kasi ay may interes na talaga ako sa mga kababalaghan at hiwaga noon pa man.

"That book was given to the next Queen and in her young age she managed to translate that book for me. She wanted to share everything she knows to me. As the crown prince of this empire... I need to know every single detail. I need to know everything." he said in a very calm voice.

Pero kahit gaano pa kakalmado ang pagkakasabi niya ay parang bomba pa rin ang epekto nun sa akin. Napanganga ako sa mga narinig ko.

He is the Crown Prince?! At sino ang next Queen na tinutukoy niya?

Bagama't baguhan palang ako sa islang ito ay may background na ako tungkol sa emperyo, all thanks to my brother, Neon.

Ibubuka ko na sana ang bibig ko para magtanong kaso may idinagdag pa siya.

"We're complete." makahulugan niyang wika saka tumingin sa gilid namin.

May naaninag akong liwanag hanggang sa may nakita akong dalawang tao na kadarating lang at may hawak pang siga. Napatitig lang ako sa kanila. Sino naman sila?

"Frost! Ito yung sinasabi ko sayo na nakita ko kanina! Ang ganda diba?" imik ng babae.

At bakit gaya gaya siya ng itsura? Bakit kahawig ko siya?! Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan pa rin sila. Pinatay ng lalaki ang siga na hawak niya at tumango sa sinabi ng kasama niya. Napakapit naman ako bigla sa crown prince na to nang tumingin yung lalaking tinawag na Frost sa direksyon namin. Ngumiti muna siya bago lumapit sa amin.

Green RoseWhere stories live. Discover now