Chapter 1: Where it all began...

Start from the beginning
                                    

"Aysus, tingnan n'yo mamaya yung site na 'yon baka nandoon picture niya. Itsura pa lang niyan parang lapitin na ng bakla e."

"Baka siya mismo ang bakla!" natawa na ako sa sagot ni Frank kay Andrei. 

"Ay wait, hanapin na lang natin siya sa lalakingmaalindog.com." Suwestiyon ni Andrei at kinuha niya ang cellphone ni Amy. Pinilit naman itong inagaw ni Amy mula sa kaniya pero huli na. Andrei is way too tall at natype na niya agad ang site. 

"Anong nire-research n'yo diyan?" A new voice behind me asked. "Hinahanap nila 'yung shirtless picture ng bagong teacher sa lalakingmaalindog.com." Sagot ko sa kaniya.

"Bakit naman nila hahanapin doon?"

"Bakla daw kasi e. Kasi naman ang lakas ng loob magpost ng picture ng nakashirtless." He chuckled beside me.

"I'm sorry for that. Proud lang ako sa fitness routines ko and as far as I can remember, I only have facebook and instagram as my official accounts. Walang way para mapunta sa lalakingmaalindog.com ang pictures ko pwera na lang kung may poser ako." Sagot niya sa akin. Napahinto ako at nanigas sa pwesto ko. Iba nga ang boses na 'to, it's deep and new for me. Hindi ko pa narinig na may ganitong boses sa mga kaklase ko. Nagsihintuan rin ang mga kaklase ko at nanlaki ang mga mata nila.

"Pota, 'di ko mahanap picture niya! Baka sa Grindr natin makita 'yon!" natatawang giit ni Andrei. Siniko siya ni Frank dahilan para matigil siya. "Bakit?"

"Yung bagong teacher..." bulong naman ni Judy.

Dahan- dahan na akong napatingin sa lalaki sa likod ko. He was smiling at all of us, a cool smile. "Is this Class 12-B?" tanong niya sa amin. Nagsitahimikan ang lahat ng mga oras na 'yon. I was just looking at him at the moment, tall, light skinned, chinito, pink lips and ears na katulad ng kay Chanyeol. He was like a God, unti- unti kong inangat ang tingin ko sa mga mata niya.

"I think this is really 12-B. Would you mind kung magsi-upo na kayo sa proper seats n'yo para mapakilala ko na ang sarili ko?" He said. Para akong tangang tumango at umupo sa aking upuan. My eyes never left him at that time, feeling ko naka-relate na ako sa pagfafangirl ng mga kaklase ko kanina sa kaniya.

He was really handsome.

"So, ako ang kapalit ni Mr. Arnaiz sa subject na 'to. I'll be teaching you World Literature for the whole semester. My name is... I think alam n'yo but I'll say it again, my name is Xavier Baron Dela Cuesto. You can call me Sir. Xav. I'm 25 years old, a part timer at this university, and I'm currently studying for my Graduate studies." He said at saka siya napatingin sa akin.

"And I'm not gay. And also, di n'yo talaga makikita sa gay sites or sa Grindr ang pictures ko. I have my own official instagram account. You can follow me there. It's XavBarCuesta486." He said at saka siya mahinang natawa.

Agad naman nagsilabasan ng phone ang mga babae at madaling pinindot ang follow button sa IG nila. But me instead of doing the same I kept on staring at him. At that moment, para akong shunga, napangiti ako ng wala sa oras. Nakapalumbaba ako habang nakatitig sa kaniya. My world stopped while staring at him. My world and time stopped while staring at him, "Miss, is there any problem?" nadinig kong tanong ng isang malalim na boses.

I saw him looking at me. Mas lalo akong napangiti, I felt like I was just dreaming. "Miss, I'm talking to you. Mayro'n ka bang 'di naintindihan sa tinuro ko?" Muli n'yang giit sa akin.

"Can someone check her out?" Nadinig kong giit n'ya muli sa akin. Inilapag niya ang hawak n'yang chalk. Mas lalong lumawak ang ngiti ko ng makita kong papalapit siya sa akin. Am I really dreaming? Kung crush man matatawag 'to, well, this crush hit me too hard. He is just too perfect, no wonder kung bakit halos mabaliw ang buong klase kanina para lamang i-research siya. At kung bakit rin sumang-ayon si Ma'am Dela Fuente na gwapo talaga siya.

Because he really is. Yung pagkagwapo niya ay kakaiba. Para s'yang isang Korean Actor na bida sa Kdrama. The way he smiles, the way his eyes look at me. It's fascinating.

"Michi! Michi!" siniko ako ni Judy pero 'di ako nagpatinag. "Michi! Kinakausap ko ni Sir. Xav!" Muli n'yang giit.

"Putangina naman, Michi! Gumising ka nga!" sigaw ni Judy kaya naman napa-ayos ako ng upo ko. "Ano ba? Kita mong nakatitig ako sa pangarap ko dito e! Bakit ba?" I asked rudely. Tinuro ni Judy si Sr. Xav na nasa harap ng upuan ko at nakangiti habang nakatingin sa akin.

My jaw dropped. Mas maganda pala ang view kapag ganito kalapit.

"So, 'yung pangarap ba na tinitigan mo mas mahalaga sa lessons ko?" He asked me. Napakagat ako ng labi ko. "I'm sorry po sir." He chuckled.

"It's okay. Sa susunod lang huwag ka ng magpapahuli na nakatitig ka sa akin, okay? Baka mamaya bigla kitang pag-recite-in, mahirap na." Babala n'ya sa akin at saka niya inangat ang daliri niya sa aking labi. Nagulat ako ng dumampi ang ang daliri n'ya sa gilid ng labi ko.

"So, that pangarap of yours is actually day dreaming?" Natatawa n'yang giit sa akin.

"What?"

"Naglaway ka habang nakatingin sa akin." He said at pinakita niya ang daliri niya. May laway nga ako doon agad kong hinawakan ang labi ko at pinunasan ang laway ko.Nagtawanan ang lahat ng classmates ko habang ako naman ay halos sumabog sa kapulahan.

"I'm sorry po, sir!" Napatingin ako kay Judy at Amy at nakanganga sila sa aking harap. "Anong nangyayari sa'yo?" Amy mouthed at me.

"Seryoso ba 'to guys? Si Michigo na walang pakialam sa mundo ay naglaway sa bagong teacher natin?" Natatawang tanong ng isa kong classmate na si Ariana. Mas lalo akong namula ng dahil doon, he looked at me again at saka siya ngumiti ng makahulugan sa harap ko.

Ang sunod n'yang ginawa ay tingnan ang ID ko. He read it as if he was memorizing my student number at ang pangalan ko. "Sir, I'm sorry po talaga. I- I'm not usually not like this..." I stuttered.

"Don't worry  days are not usually like this for me too."

"Po? Ano 'hong ibig sabihin ninyo?" tanong ko sa kaniya.  

 "Michigo Hela Rivas. Hmmm... Thank you for making my first day memorable." He said bago siya tumalikod at bumalik sa teacher's desk. Napaupo naman ako at saka mahinang sinampal ang sarili kong mukha.

"Ano bang nangyayari sa akin? Hindi naman ito ang first time na nakakita ako ng gwapo! I mean, mas gwapo naman ang mga Korean drama actors na kilala ko kesa sa kaniya. Even tho he looked like one. Mas gwapo pa rin sila!" 

***

WALA sa sarili kong pinapatalbog ang bola ng volleyball habang nagpa-practice kami sa Open court ng school. Hapon na at oras na para sa aming practice. "Michi, ano bang nangyari sayo kanina sa classroom ha?" Napapikit ako ng madinig ko ang boses ni Judy.

Hindi naman nila madalas kinakausap dahil sa dalawang dahilan. Una, lagi akong wala sa classroom dahil may mga laban kami outside the school at pangalawa, I really don't talk to anyone pwera na lang kung may group work. I tend to review and read during my free time instead of talking to anyone dahil inaalagaan ko ang grades ko.

I need to have a good record to be able to fully accept Ateneo's offer. I really wanted to become a Lady Eagle. Napaikot ako ng aking mga mata. "Wala, okay?"

"Anong wala? Oy, aminin mo... nagwapuhan ka talaga kay Sir. Xav no?" tanong n'ya sa akin. Napatingin ako sa kaniya, I saw that Amy is with her and they are both sucking a lollipop. "Hindi pa ba kayo sinusundo ng service n'yo?" I asked her.

"Nagpasecond trip kami para makipag chismisan, no? Ano, gwapo talaga siya no? Hindi siya mukhang pinoy." Giit nila sa akin. Hindi ko napansin na napangiti na ako. Paano naman kasi ay naalala ko ang ngiti niya.

Agad akong umiling sa kanila. "Michigo! I-serve mo na ang bola!" nadinig kong sambit ng coach ko sa akin.

"Yes sir!" Sambit ko at saka ko na dinedma si Judy at Amy.

"Hoy bumalik ka dito! Answer our inquiries please!" sigaw nilang dalawa pero 'di ko na sila pinansin at saka ko na ni-serve ang bola.

Illegally Obsessed [MATURE]Where stories live. Discover now