Nagulat siya ng makita ako at tumingin sa kuya ko. Inakbayan naman ako ni kuya saka nagsalita.

"Kapatid ko."sabi ni kuya sabay ngiti dun sa babae

"Ahh hello"sabi niya sabay ngiti taena ang ganda niya talaga pero ito ba yung kaklase ni kuya bakit hindi ko nakikita? ngumiti na lamang ako sa kanya saka binuksan yung gate saka naunang pumasok papasok pa lang sana ako ng hilahin ako ni kuya saka siya naunang pumasok.

Nang makapasok na kami loob ng bahay nila lalo akong napahanga dahil sa ganda at laki nito wow! Bahay ba to?

"Manang, ipaghanda mo naman sila ng juice."-sabi ni ate di ko alam yung pangalan eh sumunod naman yung inutusan niya saka ulit nagsalita si ate"upo muna kayo magbibihis lang ako." Umupo naman kami ni kuya sa malambot nitong sofa, teka? Magbibihis eh okay naman yung suot niya ha saka silang dalawa lang ba yung gagawa ng project nila ha.

Dumating na yung juice at dahil mahilig ako sa juice kinuha ko ito sabay uminom ng magsalita si kuya.

"Ria, yung totoo niyan hindi school projects yung pinunta natin dito."-mahinahon na sabi ni kuya bigla naman akong nasamid sa sinabi ni kuya saka tinapik tapik ni kuya yung likod ko nang makaginhawa na ako ay sinamaan ko ng tingin si kuya.saka nagsalita

"Ano? Kung hindi projects yung pinunta natin dito eh anong ginagawa natin dito?" Taena awang awa pa naman ako sa kanya tapos sabay sasabihin niya na hindi project yung pinunta namin dito?! Naglolokohan ba kami?!.

"Ang totoo niyan magdadate kami ni Jayzel."sabi niya jayzel? Sino naman yun tinuro ko yung hagdanan habang nakaharap pa rin sa kanya saka tinignan siya ng" yung babaeng yon?"look saka niya namang nakuha saka tumango napapikit na lang ako saka kinagat yung ibabang labi ko dahil sa inis.

"Eh! Bakit di mo sinabi?!"mahinang sabi ko sa kanya ayoko naman mag iskandalo dito no may hiya pa din naman ako.

"Pag sinabi ko yung totoo hindi ako papayagan nila mama saka di mo din ako papayagan."talaga ano yun ikaw nagpapakasarap gumala samantalang ako nandun sa bahay hirap na hirap maglinis..

"Girlfriend mo yun?"tanong ko sa kanya tumango siya ay weh? Di nga di kasi kapani-paniwala eh, gwapo din naman kuya ko pero kasi malay mo diba ginayuma niya lang yung babae naku mahirap na o kaya naman isa na naman sa bibiktimahin ni kuya na pinaglalaruan niya lang yung babae.saka ako ulit ako nagsalita

"Paano?"tanong ko sa kanya agad niya naman ako binatukan taena ang naalog utak ko dun ha. Tinanong ko lang naman kung paano niya naging girlfriend yun ha saka saan niya nakilala.ang dami kong tanong masyado na akong pakialemera.

"Anong paano? Hindi pa ba obvious?" Yabang nito.

"Eh bakit hindi mo ipakilala kila mama siguro isa din siya sa lolokohin mo ano?"-mahina kong sagot sa kanya agad niya namang tinakpan yung aking bibig tang-inuh ang baho ng kamay mo, saka tumingin sa kung saan nakatingin si kuya na nasa likod ko pagkalingon ko nandito na si ate na nakakunot noo, kinagat ko na yung nakalagay na kamay ni kuya sa aking bibig baka kung ano lang isipin nitong girlfriend niya sayang naka jockpot pa naman.

"Hindi ako maka-inom!"sigaw ko kay kuya saka ininom yung juice si kuya naman hawak hawak yung kinagat kong kamay.

"Ah tara na?"-sabi ni kuya saka tumayo.

"Kasama siya?"-sabi naman ni ate sabay turo sakin bakit anong problema? Kung kasama ako? Tumayo ako saka humarap sa kanya sasagutin ko na sana siya ng magsalita yung magaling kong kuya.

"Ah! Makikisabay lang siya papunta doon pero may bibilhin naman daw siyang damit kaya mahihiwalay na sya satin diba?"-sabi sakin ni kuya pinagsasabi nito wala nga akong dalang pera.

My High School Life (Completed)Where stories live. Discover now