Chapter 16: A Journey Through Survive

3.2K 115 7
                                    


Chapter 16: A Journey Through Survive

Sobrang dali ng pangyayari lumipas na ang tatlong araw at dahil narin sa pagod ay di na tumatakbo ang sinasakyan kong unicorn. Si Hiro ay naglalakad narin habang sinasayaw ng banayad na hangin ang kanyang mahabang itim na cloak.

Si Zeref naman ay nakaanyong lobo habang sumusunod sa akin. Umiwas agad ako ng tingin nang mapansin nyang nakatitig ako sa kanya. Baka kung ano pa ang kanyang iisipin mahirap na baka may mangyayari pang diko magugustuhan.

Nagulat ako ng biglang tumili ang sinasakyan ko bahagya pa itong tumayo na syang ikinagugulat ko. Mabilis akong nasalo ni Hiro nang muntik akong mahulog.

Nakita ko nalang na biglang humiga ang unicorn. Nag anyong tao agad si Zeref at ngayon ay kunti nalang ang natitirang tela na tumatakip sa kanyang pang ibaba. Iniwas ko uli ang aking tingin at inilipat ito kay Hiro na hinahaplos ang aking buhok habang buhat ako.

Ngumiti ako sa kanya nang tiningnan nya ako ng sobrang seryoso pero nawala yung ngiti ko nang pumasok sa aking isipan ang pinag uusapan namin ni Zeref kanina.

"Kinakailangan ng unicorn ng makakain at tubig. Dala narin siguro ng pagod kaya ito humiga na lamang"

Bumaba na ako galing sa bisig ni Hiro at lumapit sa aking unicorn.

Hinaplos ko agad ang mukha ng unicorn na kasalukuyang hinahabol ang hininga.

"Kung ganun kailangan nating maghanap ng makakain ng unicorn" isa-isa kong tiningnan ang dalawa kong kasama.

Umiwas lamang ng tingin si Zeref samantalang si Hiro ay tumitig sa akin ng sobrang seryoso. Huminga muna ako ng malalim saka inilipat kay Zeref ang tingin.

"Gusto kong kayo ang maghahanap dahil babantayan ko sya" seryoso kong sabi.

"Kung ganun ikaw muna ang maghahanap Evan dahil babantayan ko ang aking diyosa" tumitig si Hiro kay Zeref na syang inirapan lang nito.

"Huwag nyo na akong isipin pa. Malapit naring dumilim mas mabuting kumilos na kayo bago tayo abutan ng dilim" muli kong tiningnan ang unicorn na halatang nakikiusap ang mga mata  nito sa akin na kailangan nyang kumain.

"Hindi maaari ang sinasabi mo aking diyosa" napatitig ako kay Hiro.

"Nasa loob tayo ng gubat na kung iisipin ay maraming mababangis na nilalang na hindi natin alam kung kailangan susugod"

"Tama si Hiro, Kim. Mukhang sa pagkakataong ito ay sa kanya ka naman makinig" bahagya akong bumuga ng hangin dahil alam kong tama sila.

"Kung ganun? Ano na ang desisyon nyo?" Pumikit pa ako para makapag isip narin ng maayos.

"Si Evan ang hahanap" awtomatiko akong napamulat sa sagot ni Hiro. Tiningnan ko naman si Zeref sa magiging reaksiyon nito.

Bumuntong hininga ito at tumalikod na lamang.
"Sa oras na 'to magpapakumbaba muna ako at huwag nyong asahan na mauutusan nyo uli ako" tuluyan na syang nag anyong lobo at tumakbo sa medyo madilim na parte ng gubat.

"Don't mind him. Malakas sya at kayang kaya nyang protektahan ang kanyang sarili" umupo ako sa malapit sa may uluhan ng unicorn at sinimulan kong hinaplos ang bandang batok nito na may makakapal nyang buhok.

"I hope so..Hiro"

"May problema ba?" Napahinto ako sa paghaplos sa buhok ng unicorn. Bumuntong hininga muna ako't ipinagpatuloy ang aking ginagawa.

"Wala naman"

"Bakit hindi ka makatingin?" Muli akong napahinto sa pinaggagawa ko.

"Wala 'to" I denied.

Cursed Guardian(✘UNREVISED✘)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora