Chapter 31: A Moment with Him

2.3K 84 67
                                    

Few more chapters to go. I think 15+ then this story will end. Vote. Comment. Support.

Chapter 31: A Moment with Him

"ANG lapad ng ngiti mo oh?" Mas lalo akong napangiti ng hawakan nya ang aking kamay.

"Hwag ka nga." Nakangiti kong tugon habang naglalakad kami papasok sa perya nang maghawak kamay.

"Saan mo ba gusto?" Nakakalokong ngiti ang nakita ko sa kanyang mukha.

"Ikaw bahala." 'Diko parin magawang 'di ngumiti lalong-lalo na nang mapatingin sa amin ang ibang mga taong nadadaanan namin.

"Horror house tayo?" Alam ko naman 'yung iniisip nya dahil binubuksan nya ito para makita ang katamtamang bagay sa kanyang pagkato. Ngunit 'yung masyadong pribado nyang pagkatao ay 'diko magawang makita o masilip.

"Game!"

Diko inakalang mangyayari 'to. Napapangiti nalamang ako habang inaalala 'yun.







"Apology not accepted....unless you will stay by my side..."

Sa oras na 'yun ay 'diko nagawang makaimik. Para bang nabibingi ako nang magtambulan na ang aking dibdib. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang aking sabihin. Walang salitang lumabas sa aking bibig.

Nanatili lang kami sa posisyong 'yun. Yakap ko sya habang nakatalikod sa akin. Ramdam na ramdam ko pa ang tibok ng kanyang puso.

"Did you felt it?"

"H-huh?"

"It said. 'Its only you'.

'Diko masyadong naiintindihan ang mga sinasabi nya.

"W-what do you mean b-by this?"

"I will forgive you.." Nag aalangan nyang sabi. Ramdam kong mas napahigpit 'yung paghawak nya sa'king kamay. Para bang ayaw na nya akong bitawan.
"In one condition."

"What condition?" Kinakabahan ako sa maaari nyang isasagot.

"Stjbcb mhg sauja."

"H-huh?" 'Diko sya marinig dahil parang nabibingi ako sa malakas na tibok ng aking puso.

"I don't want to repeat those." 'Sabi nya na 'di parin humarap sa'kin.

"P-paano ko malaman kung ano 'yung kondisyon mo?"

"You don't have any choice.." Tuluyan na syang humarap sa'kin. Seryoso 'yung mukha nya walang bakas na ano mang klaseng ekspresyon.
"...date with me."

'Diko na nalaman pa kung ano ang sumunod na nangyari basta kusang inilapit nya 'yung mukha ko sa kanya. The next thing I know our lips...invaded.





"Ang lalim naman ng iniisip mo." Nakangiti nyang sabi sa'kin matapos kaming naglibang doon sa perya. Mga bandang hapon narin kaming natapos run at napagdesisyunan naming magpahinga muna dito sa park, sa may bench kami umupo. Sa park kung saan ako napadpad nang magparamdam sya sa'kin sa parking lot noong oras na 'yun.

"Wala...naman masaya lang ako." Napatingin naman ako sa suot naming simple lang. Nakawhite sando sya, maong pants at nakatsinelas lang. Ako naman naka palda na kulay maroon, puting blouse, at nakadoll shoes na kulay brown with black cap. Lahat ng suot naming ito ay gawa sa kapangyarihan ng mahiwagang hiyas na ipinahiram sa'kin ni Aloora.

"Gutom kana ba?" Napatingin naman ako sa kanya at binigyan sya ng isang ngiti. Napasulyap naman ako sa isang manong na nagtitinda ng ice cream.

"Oo yata.." Wala sa sarili kong sagot.

Cursed Guardian(✘UNREVISED✘)Where stories live. Discover now