Chapter 23: Unusual

2.3K 78 7
                                    

Chapter 23: Unusual

NANGINGINIG ang mga kamay ko habang nakakimkim. I tried to calm myself ngunit 'diko magawa. Nakatitig ako sa kawalan habang malalim ang iniisip. Nandito ako nakaupo sa isang bench. Bahagyang tanghali narin kaya nagdismiss narin ang mga klase. Ang totoo, ngayon lang ako pumasok. Maraming bumati sa akin, kinamusta kung anong nangyari sa aking pag eensayo, may compliment rin akong natanggap galing sa kanilang lahat nang makita nila ang kulay ng aking buhok, at tanging ngiti lamang ang naisagot ko sa kanila. Ngunit ang totoo, behind my sweetest smile there's a deep pain hiding there. At sa oras na'to mukhang unti-unti ng nakakahalata ang iba.

"Kim..buti naman nandito kalang pala." Rinig kong sabi ni Jullian kasama ang tatlo. Tumango lang ako bilang sagot. Diko parin inihiwalay ang aking tingin sa kawalan.

"Halika punta na tayo sa cafeteria." Aya ni Joana. I nodded saka tumayo.

Nakabuntot lang ako sa kanila habang patungo kami sa cafeteria. 'Diko feel makipagkewentuhan. Pakiramdam ko nga pasan ko ang problema ng buong mundo. I suddenly paused from walking. Bigla nalang napadako ang aking tingin  sa likuran ng old library kung saan nandun ang gubat. I tried to calm myself but I think I almost give up. Ilang segundo akong napatitig dito. Nakatulala na parang tanga. Naramdaman ko nalang na tumulo ang butil ng aking luha. Mabilis ko itong pinunasan saka humabol sa hakbang nina Joana.

"Alam mo...Kim nagtataka na ako sa'yo." Napapause ako sa pagsubo sa sinabi ni Bridgette. Ang totoo kahit wala akong ganang kumain ay pinipilit ko lamang ang aking sarili. Tuluyan ko ng ibinaba ang kutasara't tinidor.

"Ayos kalang ba talaga?" Naweweirduhang tanong ni Stella sabay simsim sa juice nya. I shrugged my shoulder.

"I-I don't know.."

"Napapansin ko...parang 'di ka dumaan sa pag eensayo mo. Parang dumaan ka sa matinding problema?" Napalunok ako sa sinabi ni Jullian.

"I agree!" Sabat naman ni Stella habang ngumunguya ng kanyang kinain.
"Iyan rin ang napapansin ko sa'yo, Kim."

Nanatili akong walang kibo. Napatitig nalang ako sa 'di kalayuang mesa. Nandun sina Patricia kasama ang kanyang mga kaibigan habang masasayang nagkukuwentuhan. I remember what I've did to her, pati ang tinawag ni Zero sa kanilang grupo. The four antagonists huh?

Nang mapansin ako ni Patricia na nakatitig sa kanya ay binigyan nya ako ng ngiti. Malungkot lang na titig ang naisagot ko sakanya. Kalat narin sa buong campus ang pagbabago nya after that incident happen. Muli nyang ibinaling ang kanyang atensyon sa mga kasamahan nya at nagpatuloy sa pagkukuwentuhan. Napabuntong hininga lang ako.

"Oh see! 'Di ka nga okay, Kim." Boses 'yun ni Bridgette. Agad napabaling muli ang aking atensyon sa apat na kasamahan ko. Ganun ba ka lalim ang aking iniisip dahil nagulat nalamang ako nang marinig kong pinagkaisahan na pala nila ako?

"Hayy..naku.." Sabay tusok ni Joana ng ulam gamit ang tinidor nya.
"Ishare mo nalang kaya iyang problema mo?"

Napatigil ako sa pagbibigay pansin sa kani-kanilang mga ginagawa. At dahil 'yun sa sinabi ni Joana. Ilang segundo pa akong 'di gumalaw na parang napako sa aking posisyon.

"Ang laki siguro ng problema mo, Kim. Kagaya karin ni Snow pagmagkaproblema. Malalim, ang iniisip, 'di nagsasalita, at bigla bigla nalang napapatulala sa kawalan." Ang sabi ni Stella. Parang nakalimutan kong alalahanin ang sitwasyon ni Snow at parang nakalimutan ko ring ang mga kasamahan kong ito ay dating kaibigan ni Snow.

"Na aapektuhan tuloy ako sa'yo, Kim. Nakokonsenysa talaga ako kapag isa sa mga kaibigan ko ay may dinadalang problema tapos wala man lang kaming magagawa para tulungan syang malutas ang kanyang problema." Paparinig pa ni Jullian.

Cursed Guardian(✘UNREVISED✘)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz