Chapter 7: Violet's Attack

5K 159 7
                                    


HABANG naglalakad ako na nakasunod sa kanya ay sobra ang kaba na aking nararamdaman. Idagdag pa ang atmosphere na sobrang tahimik na ang tanging maririnig lang ay ang takong ng sapatos ni Miss Violet na umaalingawngaw sa buong hallway. Nagulat naman ako ng bigla syang huminto na bahagyang tumingin sa akin gamit ang malamig nyang titig kaya napahinto ako ng may pagtataka.

Halos magdadalawang isip ako kung magsasalita ba ako o hindi pero nakadesisyon agad ako.

"M-may problema p-po ba?" kinakabahan kong tanong. Nakaramdam agad ako ng matinding kaba nang magsalita sya gamit ang kanyang malamig na boses.

"Ayaw ko sa mga tao na kapag naglalakad ako ay bumubuntot sa akin dahil lumaki akong walang buntot at lalong lalo na naiirita ako sa kanila! Kaya kung pwede lang maglakad ka ng nakatabi sa akin!" sabi nya sa tonong maawtoridad.

Napatango naman ako na parang halos sumabog na ang aking dibdib sa kaba nang tumabi na ako sa kanya.

"P-pasensya na po," kinakabahan ko paring tugon.

"Don't try to talk to me if you are trembling that's what I hated the most it just reminds me upon those pathetic people," dagdag pa nya saka ibinalik ang tingin sa daan at nagpatuloy sa paglalakad sumabay naman ako sa kanya.

Walang sino man sa amin ang nagsalita habang naglalakad dahil kung ako ang tatanungin kinakabahan ako kapag sya ang magsasalita dahil masyado syang seryoso at higit sa lahat ayaw kong maulit yung nangyari kahapon. She almost burst her frusration upon me. Nang matapos kasi ang nangyari kahapon ay pinagpahinga na nila ako at dapat daw makaipon ako ng lakas para sa pag eensayo ko sa mga kamay ni Miss Violet. Pinaalalahan pa ako ni Miss Aurora na dapat maingat ako sa pag eensayo sa kamay ni Miss Violet dahil tiyak na mahihirapan daw ako kapag sya na ang aatake lalo na kung diko talaga maalala kung paano ko ginamit noon ang aking buong husay sa pakikipagalaban. Nakakainis nga eh kahit ilang beses ko silang pinaunawa na hindi ako si Snow at lalong lalo tungkol sa sinasabi nilang mayroon daw akong amnesia. Kahit babaliktarin pa ang mundo ng paulit ulit ay hindi ako ang tinutukoy nilang Snow Flame Stanford!

Kanina lang ay sinundo ako ni Miss Violet at binantaan pa ako na kapag di ako makalabas sa aking kwarto sa pagbilang nya ng tatlo ay wawasakin nya yung pinto. Kaya ito ako ngayon parang isang katulong na sinusunod palagi ang sinasabi ng kanyang amo dahil natatakot na matanggalan ng trabaho. Wala narin akong magagawa kundi panindigan nalang ang pagiging Snow Flame na kanilang tinutukoy kung sakaling makayanan ko.

Nabalik lang ako sa katinuan nang masalubong namin sina Zero at Mr. Klein na may hawak na mga papeles at kita ko ang pag alala ng kanilang mga mata sa aking sitwasyon.

"Know her limitation Violet if you are willing to train her," sabi ni Mr. Klein pero tila walang narinig si Miss Violet dahil patuloy lang itong naglakad saka nang huminto sa harapan ng pinto ay agad ring nagsalita.

"Mind your own business Klein despite she's definitely my student in the past years so don't you dare to speak like you're the one who can able to train your students well," sabi ni Miss Violet sa gitna ng kanyang malalamig na boses at sabay binuksan ang pinto na kaharap nya.

"Let's go, Kim!" sabay hatak nya sa wrist ko kaya wala na akong nagawa kundi lingunin ang mga nag alalang mga mata nina Mr. Klein at Zero.

Nang makapasok na kami ay nagulat ako sa mga nakita ko. Napakalawak dito kulay puti ang lahat ng dingding at sahig. 'Di ito kagaya ng training room na ginamit namin ni Zero kumbaga mas malawak ito.

Cursed Guardian(✘UNREVISED✘)Where stories live. Discover now