Chapter 53: The Cursed Guardian

1.7K 68 8
                                    

SEEMS like any minute from now on, there's something bad will happen.

Zeraffina laughed and stretched her huge wings, "Hanggang dito nalang kayo. Aalipin ko kayo ng aking kapangyarihan!" giggil niyang sabi at sinunggaban kami.

Mabilis na humarang ang napakatigas na pader na yelo galing sa ilalim ng lupa. Ngunit isang hampas lamang niya dito ay nawasak ito. Pero 'di dun natapos.

"Kim atras!" matigas na sigaw ni Hiro kaya napahakbang ako papalayo sa kanilang dalawa na nagsagupaan. 

Sabay-sabay ang pagbagwis ng kanilang mga pakpak habang unti-unti ng umaangat sa ere. Nagpalitan sila ng atake. Kita ko  pa ang pag ibang anyo ng mukha ni Hiro, naging putla na ito masyado, naglitawan ang mga maliliit na ugat na nakapaligid sa kaniyang mga mata at lumaki rin ang kaniyang katawan.

Hanggang sa palibutan ng itim na usok sina Hiro at Zeraffina na nagpabigat sa pressure ng kapaligiran.

"Hiro!" napasigaw ako sa takot na baka mapa'no siya sa loob nito.

'Diko narin maaninag silang dalawa dito dahil habang patagal ng patagal ay kumakapal ang itim na usok. Tanging naririnig ko lang ay ang pagpalitan nilang dalawa ng atake.

Nang may nagsiliparang matutulis na yelo galing sa loob ng usok ay muntik na akong matamaan kung 'di lang ako nakailag.

Alam kong galing 'yun kay Hiro pero 'di ako kumbinsidong maayos lang siya.

Naramdaman ko muli ang pagbigat ng pressure sa paligid na pati ako ay naapektuhan na.

Napaluhod ako dahil biglang nawalan ng lakas ang aking mga tuhod. Mabilis kong naitukod ang mga palad ko sa lupa.

"Hahaha!" Muli na naman niya akong hinarap, "Mahina kana Kim. Wala ka nang pag asa pang mabuhay sa mundong kinagagalawan mo ngayon!" Naikimkim ko ang aking mga palad dahil sa inis at tiningala siya.

"At dapat walang lugar dito sa mga masasamang nilalang na kagaya mo!" sumbat ko sa kaniya kahit nanghihina ako.

Humalakhak siya na tela malaking biro ang sinabi ko, "Hanggang dito ka nalang," biglang sumeryoso ang kaniyang mga mata. Huli na nang mapagtanto ko ang mga maiitim na usok na lumabas sa kanan niyang palad, "Kung hindi ka mamamatay sa sumpang lason ng aking malaking karayom," kita ko sa mga mata niya ang panggagalaiti sa galit, "pupugutan na kita ng ulo!" at naging espada ang itim na usok na lumabas sa kaniyang mga palad kanina.

"Hindi!" nagawa kong magtatapang-tapangan sa aking nanghihinang katawan, "Hindi ako mamamatay dito!" sigaw ko nang maalala ko ang nangyari sa loob ng sikretong silid sa kastilyo. Hindi pa lubos nabawi ni Galima ang kaniyang lakas dahil naipamalas ng simpleng halaman sa kuwartong iyon, "Nagkamali ka!"

Awtomatikong lumitaw sa aking palad ang isang espada at itinutok ito sa kaniya.

"Hahaha!" tiningnan niya muli ako at sinamaan ng tingin, "Sigurado ka bang lalabanan mo ako?"

Nanghahamon ang kaniyang mukha na animo'y nakapalaki akong kalokohan, "You're under on my spell. Kahit tatayo ka pa babagsak at babagsak ka parin sa kinaroroonan mo dahil sa ginawa ko. Hahaha!"

Cursed Guardian(✘UNREVISED✘)Where stories live. Discover now