Chapter 24: The Decision and Aftermath

2.3K 83 7
                                    

Chapter 24: The Decision and Aftermath

KASABAY ng pagkahulog ni Kim ay sumabay sa patak ng mga nyebe ang kanyang katawan. Tuluyan syang nahimatay ngunit bago 'yun nangyari. Naramdaman nya ang mga bisig na sumalo sa kanya.

'Hiro... Patawad sa desisyong gagawin ko. Alam kong kamumuhian mo ako. Ang gusto ko lang naman ay magkaroon ng alam sa'yong pagkatao. Ngunit alam kong 'di mo 'yun sasabihin at kahit pipilitin kitang tanungin tungkol dun...iibahin mo lang ang usapan. Masakit sa aking parte na kakalimutan nalang kita ng basta basta kahit maraming bagay tayong napagsamahan. Alam kong sobrang 'lame' ng rason ko. Though, I don't have any choice. Gusto kong papalayain kita gaya ng pagpapalaya ng bata sa isang saranggola.. Gusto kong 'di karin masangkot sa mga bagay na nangyayari sa akin. Pinagsisihan ko ang mga salitang binitawan kanina sa'yo. Alam kong may utang na loob ako sa'yo at gusto kong suklian 'yun ng kalayaan mo sa pamamagitan ng pagputol ng ating koneksyon----ang tali ko sa aking lobo patawad, Hiro Kyung Hance Zeurdous..'


Napapikit lamang si Zero dahil sa nangyari kay Kim. Pinakalma lang nya ang kanyang sarili upang 'di magalit sa ginawa ni Miss Nethema kay Kim. Ang totoo kanina nya pa pinapanood ang labang nangyayari.

"Tama ang desisyong gagawin natin natitiyak ko ito." Napalingon si Zero sa boses ni Miss Violet na ngayon ay nasa tabi na ito ni Miss Nethema pati narin ang ibang Ultron at ang pinakamataas nilang dalawang pinuno.

"Nakonsensya ako sa aking ginawa sa kanya." Napabuntong hininga si Miss Nethema saka nagbalik sa dati nyang anyo. Nang mapansin nya ang titig ng lahat ay nilinaw nya ang bagay na tinutukoy nya.

"Ang ibig kong sabihin ay 'yung sinabi ko sa kanya."

"Bakit ka ba namomroblema dyan? Eh, tama naman 'yung desisyon nating lahat." Sabat ni Miss Agnes saka sumulyap sa walang malay na katawan ni Kim na dahan-dahang dinala ni Zero sa kanilang kinatatayuan.

"Di naman talaga sya mainfected dahil lahat ng mga insanes ay naturukan ng antivirus bago pinakawalan ng mga Cryptus ang mga ito. Dahil nababahala rin ang mga Cryptus baka mainfected sila..." Ang bulong ni Miss Nethema sa sarili habang nakatitig sa kawalan.

"May sinabi ka?" Napaatras si Miss Nethema sa turan ni Miss V.

"W-wala."

"Good!"

"Hep! Itigil nyo na nga 'yan!" Sita ni Mr. Apollo.

Lumapit naman si Mr. Isamuel at Mr. Lucas kay Zero upang tulungan itong dalhin ang katawan ni Kim.

Nanatiling walang kibo ang Shrine Priestess at ganun rin ang batang Garcae Supreme. Nakatingin lang ang mga ito sa katawan ni Kim.

'Patawarin mo ako, Kim...napilitan lang ako.'

Mayroong luha ang tumakas sa mga mata ng Shrine at bago pa ito mapansin ng ilan ay pinunasan na nya kaagad. Napatingala ang Garcae Supreme sa katabi nyang Shrine. Alam nya kung bakit ganito makareact ang emosyon ng Shrine. May sikreto itong kailanma'y 'di pa nito ibinunyag sa mga mata ng lahat.

"Pwede naman natin 'tong 'di ituloy.." Napalingon ang Shrine sa Supremo. Binigyan nya lamang ito ng pilit na ngiti at umiling.

"Iyon nga sana...gusto kong 'di nalang ito ituloy..ngunit may punto naman si Violet." Bumaling ang kanyang titig kay Violet na nakikipag usap kay Aurora.

"'Di natin alam kung ano ang kalabasan ng bagay na'to." Seryosong sabi ng batang Supremo. Muli namang napatitig sa kanya ang Shrine. Napabuntong hininga ang Shrine at hinawakan ang balikat ng Supremo saka nagsalita.

"Pero 'di rin natin alam kung hanggang saan kakayanin ng kanyang katawan ang pagpigil ng kanyang mga pangil. Baka isang araw magugulat nalang tayo na ang mga Garcae na ang mga target nya. She's now in a peculiar state wala tayong kaalam-alam sa mga bagay na kanyang iniisip."

Cursed Guardian(✘UNREVISED✘)Where stories live. Discover now